is it the end?

8 1 0
                                    

Zach's POV

Magkasama kaming pumasok ni Zai..

"Aba naman talaga si Leader.. Makangiti wagas" pang aasar ni Dos

"syempre andyan na si Wipey niya" gatong pa ni Soul

"shadap" extra naman ni near

"sigurado na ba kayo sa desisyon niyo? Baka magkasaktanan nanaman kayo" sabi ni Angie

"Sure na kami.. Walang urungan " sabi ko

"Then labanan niyo kami" biglang sulpot ni Bryan sa likod namin.. Kasama niya si Anna
"Mamayang gabi.. Sa dating tagpuan.. Matira matibay.. Phantom laban Sa Stings.. Pag nanalo kayo.. Lulubayan namin kayo.. Pag hindi.. Mamamatay kayo" sabi ni Bryan

"Deal" sagot ko agad kaya napatingin sakin ni Zai.. Umalis agad si Bryan..

"Deal?! " sermon ni Zai "Alam mo namang madumi maglaro si Bryan! Hindi pwede.. Walang lalaban! " dagdag niya pa

"Ayokong pakasalan ka na may gumagambala pa diyan sa isip mo.. Bahala na.. But I will win this time" sabi ko.. Tinitigan lang ako ng masama ni zai
"Please? " pagmamkaawa ko

"No Zach.. " sabi niya at nauna ng maglakad..

"You know Zach.. Hindi mo pa talaga kilala si Zai.. " sabi ni AD

"I know her" sabi ko

"Then bakit ka pumayag?.. Alam mo namang mag aalala sayo si Zai.. And worse.. Pag napahamak ka.. Baka mabaliw na yan" sabi ni AD

"Tss.. Wala ba siyang tiwala sakin? " tanong ko

"Meron.. Sobra.. Pero ayaw niya lang makita ka ulit na duguan.. Just for you to know.. Dahil pag nangyari yun.. Makakakita ka na talaga ng tunay na demonyo" sabi ni Anri at sinundan na si Zai..

"Still..It won't change my decision " sabi ko..

Hapon na..Naghahanda na kaming mga phantoms na lumaban ng biglang may tumawag..

"Hi Zach.. Handa ka na ba sa laban? " tanong ni Bryan

"Oo naman.. Handang handa na kong makita ang pagkawala mo" sagot ko

"Tss.. Let's see.. Mag ingat ka pala sa mga kasama mo.. Hindi lahat mapagkakatiwalaan mo.. Sayonara " sabi niya at binaba niya na yung phone..

"Tara na! Kating kati na kong mambugbog oh! " sabi ni Dos

"Tss.. Lagi ka ngang nabubugbog" pang aasar ni Soul

"Magsisimula nanaman ba kayo? O tatapusin ko na kayo dito? " tanong ko kaya tumahimik na sila...

Sumakay na kami sa kanya kanya naming sasakyan..

"Insan! Pasabay! " habol sakin ni Peter "nasira sasakyan ko eh.. Pasabay ha" sabi niya at umupo na sa drivers seat.. Bahala siya siya naman magddrive.
Habang nagddrive siya

"insan... Parang.. Nahihilo--" at nawalan na siya ng malay kaya bumangga yung sasakyan namin sa poste..

Nagising ako na nakagapos na yung katawan ko sa isang upuan..

"Tsk.. Tsk.. Kawawang Zach.. Baguhan parin sa kalakalan " sabi ni Bryan..

"Asan si peter! " sigaw ko..

"Somewhere.. Wag kang mag alala.. Ayos lang siya" sabi ni bryan at kumuha ng upuan at umupo sa harapan ko..

"Mapapatay narin kita Zach.. " pagkasabi niya nun ay may malakas na putok ng baril akong narinig at unti unting bumagsak si Bryan sa sahig ng may butas sa noo..

"Z.. Zai" tanging lumabas sa bibig ko.. Punong puno siya ng mga dugo.. Wala siyang sugat.. Puno siya ng dugo ng ibang tao..

"Now.. Zach.. Mamahalin mo pa ba ako ngayong halos maligo na ko sa dugo ng ibang tao? " tanong niya at kinuha niya yung kutsilyo sa bulsa niya at pinakawalan ako..

"Hindi pa to Tapos.. Marami pa tayong kalaban kaya bilisan mo diyan" sabi niya at binigyan niya ako ng baril..
Hindi parin ako makapaniwala..
Hindi ko pa nga talaga siya kilala...

"Sana.. Sa susunod na magkakilala tayo.. Walang gulo.. Yung tulad ng ibang mga ordinaryong tao" sabi niya at hinalikan niya ko sa labi.. Hindi ko akalain.. Huli na pala lahat yun..

".. I love you" sabi ko sa kanya "sorry"

"Leader!!" Sigaw ni Serge at iniharang niya ang katawan niya samin "Save her Zach" sabi nito at tuluyan ng bumagsak sa sahig

"Serge!!!" sigaw nila angie at tumakbo ito papunta dito

Si Zai naman ay agad pumunta kay Serge at iniangat ito sa mga bisig niya

"No, Serge pleaseee wake up, sabi mo diba pipilitin mo pang maging masaya?!" iyak nito

"This is all your fucking fault Zach! if hindi mo pinairal yang pride mo sana buhay pa si Serge!!" sabi ni Anri at sinapak ako sa mukha

"I'm sorry" sabi ko at pinaputukan ng baril yung mga paparating na kalaban ganun din ginawa nila angie

"Zai!! umalis na kayo!" iyak ni Anri

pero hindi parin niya binibitawan si Serge sa mga bisig niya

"Serge wake up please" iyak ni Zai "SERGEEE!!" sigaw nito at humagulgol siya sa pag iyak habang yakap yakap si Serge

"Zachhh si Serge save her" pagmamakaawa nito na nakatingin sakin "Save her-"

Bigla na lang may sumabog sa pagitan naming dalawa at parehas kaming tumalsik

"Zai!!" sigaw ko at isa nanamang pagsabog ang naganap..

this time I saw her holding serge in her arm..

"Leader!" sigaw nila Angie at tuluyan nang gumuho ang building kung nasaan kami

Kasalanan ko lahat yun..
Kasalanan ko kung bakit siya nawala...
Kaasalanan ko lahat...

"Zai-"

huling tawag ko sa pangalan niya at tuluyan na akong nawalan ng malay

Now Your Mess Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon