meeting new person

2.6K 85 0
                                    

Andito ako ngayon sa bench at nanonood ng mga studyanteng naglalaro sa ground na parang mga bata..
Asan na kaya si bingca?
At di ko pa nakikita si ano ahmm.. Hehe you know >_<

"Besttiieeeee..."
Napa face palm ako ng marinig ko ang boses ni bingca..

"Kailangan talagang sumigaw? Ha bingca??"
Sabi ko sa kanya.

Napa pout naman sya.
"Masaya lang eh."
Sabi nya.

"Bakit naman?"
Tanong ko.

"Eh diba? May meeting?"
Masayang sambit nya.

"Ah.. Oo nga"
Walang interes na sagot ko.

"Canteen tayo?"
Pang aaya ni bingca.

"Libre mo?"
Tanong ko..

"Ge na nga."
Sabi nya at kuminang naman ang   mata ko..
Hinila ko naman agad sya sa canteen minsan lang kasing manlibre to..

"Uy.. Puno na naman"
Dismayadong sabi nya.

"Problema ba yan bingca? Edi maki share tayo."
Nakangising sagot ko.

"Kaw talaga."
Natatawang sabi nya at naghanap ng table na medyo bakante.

"Ayun!"
Turo nya sa isang table na may isang lalaking kumakain.

"Kuya pwedeng maki share?"
Nakangiting tanong ni bingca. Pero infairness ang pogi ni kuya

"Sure.. I dont own this table naman."
Nakangiti ring sagot ni kuya.

"Im bianca"
Pakilala ni bingca at nagshake hands sila.

"Sam."
Nakangiti ko ring sabi at nag shake hands.

"Kyle "
Malapad ang ngiti nya at kitang kita ang dimples nya.
Myghad.

Kumakain na kami at nag ke-kwentuhan ang sarap pala kasama ni kyle . Puro lang kami tawa dahil kung ano anu na ang mga pinagsasabi ni kyle..

Tatawa na sana ulit ako ng napadako ang tingin ko sa isang taong masama ang tingin dito.
Kung makakapatay lang talaga ang tingin siguro kanina pa ako nakabulagta dito.

"Sofia"
Mahinang bulong ko sa sarili ko bago ko nakitang papa alis sya sa canteen.

Wierd.

Crazily Inlove With My friend's Girlfriend (gxg)(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon