Wew

2.4K 75 0
                                    

Andito ako ngayon sa sala mga 5 AM na . Dahil di talaga ako makatulog
Bakit naman kasi naglasing ang babaeng yun?
Hayy.. Nababaliw naba ako? I just kiss her last night.

Tumayo na ako at napag desisyonang magluto.. Ako lang kasi mag-isa sa condo ko
Nag fried lang ako ng egg and bacon.
Tapos nagtimpla ng kape.
'Woah. Wait lang sofia ikaw ba to? Kailan ka pa gumawa nito para sa isang tao?'
Sagot ng isip ko.

Oh. Just shut up!

Naputol naman ang pakikipag away ko sa isip ko ng tumunog yung phone ko.

Ian Calling....

"Hello"
Sagot ko.

"Hey babe.. Are you ok? Bigla ka nalang nawala kagabi"
Nag aalalang tanong nya..

"No im okay babe.. "

"Nabalitaan kung ikaw daw ang naghatid kay sam.. Close na kayo babe?"
Masayang tanong nya. Napa face palm naman ako..

"Ahm.. Ano kasi pauwi nalang man din ako at so yun madaanan lang naman pala yung bahay nya kaya nag offer na ako."
Pagsisinungaling ko.. Gahd sofia. -_-

"Ah. Ok so gusto mung puntahan kita?"

"NO! I mean.. Wag na "
Sagot ko. Wew

"Ok. So i need to go take care. I love you"
Natigilan. Naman ako how come na  wala ng epekto sakin yung ganyang salita nya?

"Babe?"
Pag-aantay nya sa kabilang linya.

"I uhm.. I love you"
Sagot ko at pinatay agad ang tawag.

"Bat ako andito?"
Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses. Why do cold?

"Kumain kana.. "
Instead na sagot ko. Di sya gimalaw sa kinatatayuan nya. Nakatingin lang sya sakin.

"Bakit nga napadpad ako dito at bakit ganito na ang damit ko?"
Halong inis na sabi nya. Tumingin naman ako sa kanya at napadako ang tingin ko sa labi nya. Arghh. Pervet sofia.

"Naglasing ka kagabi and im the good one here na nag offer na ihatid ka. Kaso di ko alam san ang bahay mo. So happy?"

Natigilan naman sya at ina-alala ang nangyari. Then the hurt written all over her face.

"Sana iniwan mo nalang ako dun"
Sabi nya. Wow ha? Wow. Bat di nalang sya magpasalamat diba?

"Seriousely santillan? E pano kung may mangyaring masama sayo dun? Konsensya ko pa dahil ako lang naman ang nakakita sayung nakalupasay sa sahig kagabi"
Pagsisinungaling ko.. At umupo na ako

"Uuwi na ako"
Biglang sabi nya.

Tumingin naman ako sa kanya.
"Wala man lang bang thank you jan?"
Di makapaniwalang tanong ko.

"Edi thank you"
Sagot nya at tumalikod. Gahd ang tigas pala ng ulo ng babaeng to

"Wait!"
Pagtawag ko sa kanya.

"What?"

"Umupo ka.."
Sagot ko.

"Wag na uuw-----"

"Just seat!"
Sagot ko. Wala na syang nagawa kaya umupo na sya.

"Kainin mo yan. Di ko hahayaang masayang yung pagod ko sa pagluto ng mga yan"
Sabi ko at nagsimula ng kumain.

"Di ako gutom"
Matigas na sabi nya. Tumingin lang ako sa kanya at maya-maya tumunog yung tiyan nya..
Gusto ko sanang tumawa kaso pinipigilan ko .

"Ahh.. Kaya pala tumunog sya"
Sacrastikong sabi ko. At sya ang pula-pula ng mukha

"Sige na kumain kana at ng maka uwi kana."
Sagot ko at tumayo nagtimpla ulit ako ng kape para sa kanya.

Nababaguhan ako sa sarili ko dahil kahit kay ian never ko syang napagtimplahan Ng kape or napagsilbihan. Pero kay santillan? Yung feeling na parang gusto ko syang pagsilbihan araw-araw? Ghad sofia this is not you. This girl is really something ..

Binigay ko na sa kanya ang kape nakatingin lang sya sakin.

"What?"
Takang tanong ko..

"Wala.."
Naiiling na sagot nya..
Kaya tumahimik nalang din ako at pinagmamasdan syang kumain.

"By the way thank you pala"
Sincere na sabi nya with her sweet smile. Namula naman ako.

"Welcome"
Then my real and sweet smile appear. Nabigla pa sya nung una pero nakabawi din naman..

Naglalakad na kami sa parking lot para maihatid ko na sya.

"San bahay nyo?"
Tanong ko nung nakapasok na kami sa kotse.

"Sa SC Village"
Sagot nya.

Napatingin naman ako sa kanya.
Shes living in our village. Yeah its our village SC stands for Sofia Collins . So what do you expect? Im the only daughter so i get what i want.

Andito na kami sa gate. Siguro naman kilala ako ng guard dito.

"Teka lalabas muna ako para papasukin tayo."
Sabi nya at akmang lalabas.

"No need. Just seat"
Pagpipigil ko sa kanya.
Binaba ko ang window shield ng sasakyan.

Nabigla naman ang guard .
"Goodmorning mam"
Bati ng guard at nag bow pa. Nako
Tumango lang ako at binuksan nya na ang gate then nakapasok na kami. Nagtataka namang tumingin si santillan sa akin. Di ko nalang ininda.

"Dito nalang dahil Malapit na dito yung bahay namin "
Sabi nya kaya hininto ko yung  sasakyan.
Bababa na sana sya ng lumingon pa sya dito .
Mula kanina di pa talaga nagbabago ang lakas ng tibok ng puso ko. May sakit na ba ako?

"Salamat talaga sofia"
Nakangiti nyang sabi. Ang sarap talaga tignan ang mukha nya lalo na pag nakangiti..
At napakasarap pakinggan ng pangalan ko pag sya na ang nagsabi.

"Always welcome"
Nakangiti kung sabi. Gahd nakailang ngiti na ako ngayong araw??
Tumango lang sya at bumaba na kumaway pa sya bago ako nakalayo.

Nakangiti naman ako ng malapad.

This is one of the great morning i've ever had.

Crazily Inlove With My friend's Girlfriend (gxg)(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon