honey<3

3.1K 81 26
                                    

Masaya akung naglalakad papuntang room.. Kyaahhh!! Kasi naman bago ako bumaba ninakawan niya pa ako ng halik.. Ayiieeh~ Parang first kiss lang..

Hayy. Nako lord may ikakasaya pa ba tung araw na to?

"Ang saya mo ah? "

Napalingon naman agad ako sa likod ko.
"Oh, Jiroh."
Tanging sambit ko.

"Break na tayo?"
Biglang sabi niya na ikinabigla ko..

"Anung break yang sinasabi mo?"
Tanong ko sa kanya.

Tumawa naman siya.
"Joke lang, kaw talaga."
Sabi niya at ginulo yung buhok ko.

"Ano ba, baka masira.. "
Reklamo ko sa kanya..

Di ko namalayang nasa tapat ng room na pala kami kaya sabay na kaming pumasok..
Then nakita ko siyang nakatingin sakin at pasimple niya akung kinindatan kaya kinilig naman ng todo yung lola niyo.

Umupo na kami sa seat namin bago pa ako himatayin sa sobrang kilig.

"Hoy. Jiroh!! Bat dito ka umupo? Eh dun yung seat mo ah?"
Turo ko sa seat niya.

"Hayaan mo na wala naman yung bestfriend mo eh.."
Sabi niya at tinaas baba pa ang kilay.

"Hmpp.. Kahit na! Dun kana shoooo.."
Pagtataboy ko sa kanya.

"Grabe ka naman, dito nalang ako para di ka naman nag iisa."
Sabi niya at bigla akung inakbayan..
Kinuha ko naman agad at sabay tingin sa gawi ni sofia ..

Nakatingin siya dito.. Ngumite ako sa kanya ng alanganin pero iniwas niya lang yung tingin niya..

Hmmpp..

Natapos yung klase namin na well okay lang naman.

"Sabay na tayong mag lunch? "
Aya ni jiroh sakin.

"Ha? eh......."
Magdadahilan pa sana ako nang nakita kung sabay niya si ian.. Hmmp, akala ko naman sabay kaming mag lunch..
"Ah..sige."
Sabi ko nalang at sumunod kay jiroh.

Nawala tuloy ang mood ko.

Pumwesto na kaming dalawa ni jiroh . at siya na ang nag volunteer na bumili ng pagkain at treat niya daw..

Dumating naman agad siya at kumain na kami . tahimik lang kaming kumakain dahil wala naman kaming mapag usapan at wala din ako sa mood makipag usap..

Pagkatapos naming kumain bumalik naman agad kami sa room wala paring nagsasalita sa amin dahil siguro napansin ni jiroh na ayaw kung makipag usap..

Hanggang natapos yung last period ng wala ako sa mood, eh pano ba naman . ewan ko ba kung sinasadya ba yun ni sofia o hindi .. Eh pano ba naman ang sweet sweet niya kay ian.

Myghad!! Masakit sa bangs..
Hayy.. Grabe yung epekto niya sakin na kahit yung mood ko nababago , Worst yung buhay ko nabago ng dumating siya..

Naglalakad na ako sa hallway at pauwi na.. Nang may tumawag sa kin.
Napahinto naman ako at lumingon lingon .
May nakita akung babaeng naka teacher uniform .. At ngayon ko lang siya nakita.. Teacher ba to? Bakit ang bata pa? Siguro bagong teacher to.
Maganda siya maputi at itim ang buhok.. Medyo maliit siya peri mas mataas pa siya sakin , bagay na bagay sa kanya yung pang teacher uniform dahil kitang kita talaga yung hubog ng katawan niya . pinagpala din ang isang to. Siguro maraming magkakagustong estudyante dito.

"Hey, Miss are you okay?"

Napabalik naman agad ako sa ulirat ko.. Shocks i just check her out.

"O-opo mam.."
I answered shyly .

Crazily Inlove With My friend's Girlfriend (gxg)(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon