Chap2-Summit

65 0 0
                                    

Chapter 2

Hello ma?

(Oh nak! Boarding na kayo?)

Oo ma…I just called to say bye. Love you! Ingat kayo ha. Mwah!

(Hahaha…oo nak. Ikaw nga dapat mag-ingat diyan eh. Just make sure na tumawag once in a while para di kami mag worry nang papa mo ha?)

Yes ma. Bye!

 Si  mama yun. Christine Ledesma. Simple home maker at parang sister ko na.  Papunta na kasi kami nang mga kasama ko sa Summit sa Manila. Oo nga pala. Taga Iloilo  kami- UP Visayas-Iloilo City Campus. May Summit kasi ang mga Management students sa buong Pilipinas eh. One week yung duration nun at madaming schools ang kasali kaya UPV made sure that they’ll send the best students sa Summit . Hindi rin naman ako mahihirapan kasi pabalikbalik nadin ako sa Manila because some of my relatives are living there. Kaya ako yung ginawang Team Leader nang group.

“Key…ok na ba? Tara na at boarding na!” sabi ni Jill…friend ko/ classmate ko.

“Ok!  Let’s go! Manila…here we come!” haha baliw lang

Habang nasa ere ang plane, I never ceased to enjoy the cloud formations that I see. Sabihin na nilang parang bata but I really find it relaxing. Haay…ssana cotton candy nalang ang clouds at pwedeng mag stop over. Sarap siguro nang feeling na nakapatong dun.  Etong si Jill…katabi ko. Tulog. Na bore yata. City girl kasi to…kaya sanay sa gimikan. Aba naman eh…gumimik pa kagabi. Kaya yan…haggard much ang drama.

Excited na talaga ako sa summit. I can sense that something interesting will happen. Malay natin baka mameet ko dun ang future hubby ko!  Joke lang nuh. Pero pwede din.

Nakikita ko na ang buildings sa Manila…malapit na kaming mag landing. At parang on cue…umilaw na ang sign na i-fasten yung seatbelt. Kaya ginising ko na si Jill.

“Friend…gising na. andito na tayo.”

“Hmmn…” Yawn “OK!”

Smile nalang ako. (^_^)

Lost and Found: Princess Key and her THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon