i

2.3K 38 1
                                    

O N E

"Besh, get me one din please" Pagmamakaawa ni ella. Pupunta kase ako sa loob para kumuha ng coffee.

Nandito kami ngayon sa rest house ni coach tai dito sa Batangas. Alam mo yung resthouse na parang mansyon tapos may beach sa harapan? Ganun. We're actually having a beach vacation party with all the Ateneo athletes. Yes, you heard that right mapa-basketball and volleyball players ng Ateneo nandito ngayon together with some of the coaches, kasama din yung mga former athletes. This is for the victory of the school daw kase since kakatapos lang ng season 78. We got the championship same as the AMBT and AMVT so the school manager's and administrator's decided to give us a three days and two nights vacation party dito sa rest house ni Coach.

A/N: I know what you guys are thinking, just please bear with me and my imaginations for the sake of the story 😂

Tinaasan ko ng kilay si Ella at saka nagsalita "Ikaw na no" Pagtataray ko at nagsimula ng maglakad. I heard her sigh at sumunod na rin naman saken.

"Alam mo ang taray mo talaga para kang menopause" Ella said.

"Magtataray ako kung kelan ko gusto, menopause man or not" Sagot ko at tumawa naman sya. What's funny? Tss.

Nagsalin na 'ko ng kape ko. May ready to drink na naman dito, isasalin mo nalang.

"OMG BEI!!" Sigaw ni Ella at tumakbo papunta kay Bea na kakapasok lang ng kusina at sinalubong naman nila ang isa't isa ng nakamamatay na yakap.

"Hi Ate Ly" Bati ni Bea. Tinanguan ko lang at lumabas na bitbit yung tasa ng kape ko. Hinayaan ko nalang muna sila magkwentuhan dun at babalik na sa buhanginan kung san ang lahat nakatambay. It's our first night here and we're all having a bonfire, may games kasi mamaya inaantay lang namin sila Coach na pumunta pa ng bayan para dagdagan yung mga pagkain.

Pabalik na sana ako kung nasan sila Den ng biglang ..

*BOOGSH* A/N: I am aware na ang lame ng sound effect ko pero bakit ba? 😂

"Holy shit" I muttered at tiningnan yung kulay puting damit kong may tatak na Ateneo na basang basa ng kape.

"ANO BA? TANGA KA BA? BAKIT BA NAPAKABULAG MO?" Singhal ko habang pinipilit tanggalin yung stain ng kape sa damit ko kahit alam ko namang malabong matanggal 'to gamit lang ang kamay ko.

"Wow miss ha, nabangga ka lang at nagkataong may dala kang kape kaya natapon sa'yo ng hindi sinasadya, maka-tanga ka na dyan wagas" Sagot nya naman dahilan para mapatingala ako sa kanya. Oo na, matangkad kase.

"Eh ang yabang mo din pala eh. Ikaw na nga yung bulag na atletang nakabangga, ikaw pa yung ubod ng yabang. Hindi ka man lang humingi ng sorry. Where is your manners?" Galit kong sagot.

"Oh edi eto .. Sorry pooo" Sabi nya naman at may pa-bow bow pa na parang ginagaya si Chichay ng Got to Believe. Nagsalubong naman yung dalawa kong kilay sa inaakto ng mayabang na 'to. Hindi pa 'ko nakakasagot ng nagsalita pa sya ulit. "And to clear your thoughts, sa pagkakaalam ko kase, walang athlete ang ateneo na bulag" Kalmado nyang dagdag. Aba't sinusubukan ako ng mayabang na 'to ah. Bigla namang nag on yung maldita radar ko.

"Di ka na-inform? Meron daw eh Kiefer Ravena daw pangalan" Inis kong sagot.

"Thank you for informing me though but you know, yung Kiefer Ravena na yun madami daw stalker tapos yung isa daw from the ALE" Napakunot na naman yung noo ko sa pinagsasabi nito. Who the hell is he talking about? Is it Den? I know they are friends. But no, Den have L.A. Ella? Maybe because nakikita ko din sila nag uusap paminsan minsan. Pero sino ba? "No it's not Ella, and definitely not Den" He said. What the heck Alyssa. Did I just say that out loud? "Yep" He answered and teasingly smiled. Tinaasan ko naman sya ng kanang kilay dahilan para itaas nya yung dalawang kamay nya na para bang hostage na sumusuko. "Uh-oh sorry pero Alyssa Valdez daw kasi pangalan eh" Pagpapatuloy nya at naglakad na palayo ng nakaharap pa rin saken.

Stars Are Nothing Without You (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon