iv

1.2K 46 0
                                    

F O U R

Eliazo, 7pm

Pagkapasok ko ng dorm, tulog na tulog na mga donya ang bumungad saken na talagang nakapatong pa yung mga paa sa center table. Halata mong kakadating lang nila kase mga nakamedyas pa 'to. Si Amy nga isang sapatos pa lang yung natanggal eh .. Di na siguro nakayanan yung antok. I can't blame them why pero I have a revenge to do.

Naisip kong magpukpok ng dalawang takip ng kaldero sa mga tenga mismo nila pero hindi pwede since bawal ang maingay dito sa dorm. Nasabi ko kanina na bubuhusan ko sila ng kumukulong tubig, pero dahil medyo mabait ako .. Kumuha nalang ako ng pitchel at nilagyan ng sobrang lamig na tubig at sinamahan pa ng sobrang daming ice cubes.

So here's my basic revenge.

Ibinuhos ko simula kay Kiwi, sumunod si Den tapos si Ella na. Halos magtatalon sila sa gulat at lamig nang ibinuhos ko yung sobrang lamig na tubig na yun na kapag ininom mo'y malamang mabe-brain freeze ka.

"ANO BA ALYSSA VALDEZ!" Sigaw ni Den sa gulat.

"Holy sh**" Kiwi

"MAMAAAAA!" Sigaw ni Ella.

I still maintain my poker face kahit sobrang tawang tawa na 'ko sa mga itsura nila. Seryoso, mukha silang mga basang sisiw. Hahaha!

I crossed my arms and sit at the couch; crossing my legs at nag ma-ala madaam sa postura.

"Explain to me why no one of the three of you woke me up when you guys woke up?" I asked still maintaining my poker face. Kita kong mas lalo silang nanginig sa kaba at nagtinginan pa bago sumagot.

"Ah e-eh k-kas-e b-esh a-n---WHAT?" I cut Den off.

"Sorry na besh. Libre ka nalang namin ng 1 week lunch" I raise my right brow at Kiwi; questioning what she had said. She rolled her eyes then speaks up again as if she knows what I mean. "Okay fine, 3 weeks. 1 person, 1 whole week" Kiwi said. Great.

"Okay. I'm done" I said and sophistically clapped two times.

"Teka bat parang ang labo nam----Yes Ella?" I cut her off then give her an evil smile.

"Sabi ko nga eh" She just said at niyakap ang sarili sa lamig. "Bwisit ka! Sobrang lamig kaya!" Reklamo pa nya. I just chuckled then walk towards our room. But before opening the door, I look back again.

"Shower your ass first then clean the living room. It's a little bit messy because of the scattered ice cubes and oh the carpet is pretty wet so alam na" I said then open the door.

"Eh ikaw kaya may gawa nito!" Rinig kong pahabol ni Kiwi kaya sinilip ko yung ulo ko sa pinto.

"Yes Kiwi?" I asked then gave them an evil smile again.

"Tigil na kiwi, maawa ka satin. Kapag yang three weeks naging 6 weeks tingnan mo talaga. Maghihirap mga pamilya naten sa takaw ng babaeng yan eh. Matakot ka naman" sambit ni Den.

"So, any complains about that matter before I enter the room and sleep?" I sarcastically asked while still smiling. 

"Wala na po ma'am, you can now go to sleep" Sagot ni kiwi. I just smiled at them at tuluyan ng pumasok sa kwarto.

"Wag na sana magising" Dinig ko pang sabi ni Ella kaya tawang tawa ako pagpasok ko. What a life. Hahahaha!

Stars Are Nothing Without You (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon