xviii

1.3K 47 9
                                    

E I G H T E E N

Kahit hirap na hirap ako sa paglalakad dahil sa paa ko, I didn't mind. Pumunta agad ako sa unit ni Den kahit alam kong natutulog na ito dahil alas dos na rin ng madaling araw.

After how many knocks and door bells, she finally opened it.

"Ly?" Bungad nito na nagkukusot pa ng mata at inaaninagan ako. Tinitigan nya lang ako at maya-maya pa'y niyakap na 'ko ng mahigpit kaya hindi ko na ulit napigilang umiyak. "Shhhh. Everything will be fine" She said while rubbing my back circularly.

This is what I love about Den, she can sense if I have a problem at kapag na-confirm nya yun base only through my eyes, she won't bother asking me what is it .. She will just hug me tight and say 'Everything will be fine'.

"Ayoko dito Den, ayoko" Sabi ko habang patuloy sa paghikbi. Kumalas kami sa pagkakayakap at pumasok sya sandali sa unit nya para kunin yung wallet, cellphone at susi ng kotse nya.

"Let's go" Sabi nito pagkatapos isarado yung unit nya at kumapit sa braso ko't inakay ako papuntang parking lot.

Next thing I know, nasa tapat kami ng unit ni Ella.

"What do you guys need at this very hour? You know ba na kakatul---Ly? Omg. What happen to you? May umaway ba sa'yo? Tara ano! Reresbakan ko na" Sabi ni Ella. I just smiled. A fake one. She let us enter her unit at umupo sa sofa.

"Oh bat namumugto yang mata mo? Tsaka bakit may benda yang paa mo? Sabi ko naman sa'yong iinform mo muna ako bago ka makipagbugbugan. I'm willing to help naman" Ella joked. Binatukan lang sya ni Den. "So? Something between you and Kiefer? Don't tell me nambabae yun kasi I am 100 percent sure that he won't do that. So ano nga?" Sunod sunod na tanong ni Ella. Hindi ko alam ang isasagot ko't siguro'y nahalata ito ni Den kaya nagsalita na sya.

"Bukas na nga 'yan Ella. Patulugin mo muna kami!" Utos ni Den. Magrereklamo pa sana si Ella ng pandilatan ito ng mata ni Den kaya tumayo nalang ito't pumasok sa isa pang kwarto katabi ng kwarto nya.

"ELLA! LABAS!" Sigaw ni Den ng makapasok na si Ella sa guest room para siguro ayusin yung higaan. Dali-dali namang lumabas si Ella na nakakunot yung noo.

"What?" Tanong nito.

"We'll sleep sa room mo" Nakangiting sabi ni Den. Wala na namang palag si Ella kaya pinagbigyan nya nalang ito. Malaki naman ang kama ni Ella kaya walang problema.

Pinahiram nalang ako ni Ella ng pantulog at nag shower.

I was expecting na tulog na yung dalawa sa tagal ko sa loob ng banyo dahil kahit sa banyo ay umiiyak ako, pero nung lumabas ako ay laking gulat ko na gising pa sila at naghihintay sakin. Halata mo sa mga mata nila na kanina pa sila nagpipigil ng antok kaya pumwesto na 'ko. Pinapagitnaan nila ako ngayon.

Ella turned the lights off kahit hindi sya sanay matulog ng walang ilaw kasi alam nyang hindi talaga ako nakakatulog ng may ilaw. Kung dati ay takot ako sa dilim, ngayon ay gustong gusto ko na ito.

"Besh?" Ani Ella na may garalgal na boses dahil sa antok.

"Hmm?"

"Mahal ka namin" Sabi naman ni Den. Tumulo na naman bigla yung luha ko pero hindi ko pinapahalata sa kanila na umiiyak ako.

Stars Are Nothing Without You (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon