vii

1.2K 36 0
                                    

S E V E N


Kiefer's POV

No training.

No school.

Pure photoshoots.

Nakakapagod din talaga. Kung papipiliin nga ako kung final exams o buhay celebrity athlete I'd choose final exams eh. Kahit naman nakamamatay na review ang kailangan dun, atleast isang bagsakang exams lang. Eh pag ganito? Halos bawat minuto hindi ka mawawalan ng ginagawa. Walang ilang linggong pagrereview dito, it's now or never dito.

Not that I'm complaining, syempre mahal ko yung ginagawa ko opportunity na 'to eh pero hindi pa rin talaga maiiwasang mag longing sa nakasanayan kong buhay. Nung student athlete palang kasi ako, oo parang buhay celebrity na din. Pero kung icocompare sa ngayon? Doble doble. Doble dobleng pagod, pressure, stress at frustration.

But ever since naman isa lang yung pinangarap ko eh, yun yung mabigyan ng opportunity na maglaro sa NBA. Ngayon madaming mga nakapila, isa na din yung PBA pero my team and I are still deciding on it.

Today, I accomplished 3 different photo shoots para sa iba't ibang endorsements, after that I came to Dad's office to join them sa meeting. That's actually one of the reasons why I'm doubting to join PBA, my dad needs me on his company. Sakin nya inaasa ang kompanya since napakalayo naman ng kursong tinahak ni Thirdy sa business namin at si Dani mukhang wala ring plano na sumunod sa yapak ni Daddy. Gusto ko din naman, but I also love playing basketball. I am torn.

Dumaan akong supermarket sandali para mag groceries, wala kasi akong stock since kakalipat ko lang sa binili kong condo the day before yesterday at naisipan kong magpahangin sandali kaya papunta ako ngayon sa Antipolo. Favorite place ko yun. Ako pa nga lang ata nakakadiscover nun eh haha which is a good thing actually. So parang pag mamay-ari ko yun pero walang titulo haha!

It took me 28 minutes to reach this place from UPTC. Habang paakyat ako ng hagdan, nararamdaman ko na yung sariwang hangin na matagal ko ding namiss.

Pag akyat ko sa rooftop, nagulat ako kasi bukas yung parang pinto na sa tuwing nagpupunta ako ay nakasarado.

Baka hangin lang.

Isip isip ko pero laking gulat ko nung may nakita akong babae na nakatayo at tinatanaw ang view. Napalapit ako ng konti at nung makita ko kung sino yun, laking gulat ko.

Nakapikit si Alyssa na siguro'y dinadama nya yung sariwang hangin. I can't believe na dito pa kami magtatagpo. Alam nya rin pala 'tong lugar na 'to.

I smiled.

I smiled seeing her enjoying the nothingness.

That is so me.

Ilang minuto ko pa syang tinitigan bago napag desisyunang mag salita.

"Naging hobby mo na ba talaga ang magpunta sa madidilim na lugar mag isa?" Seryoso kong tanong dahilan para mapadilat sya at maya maya pa'y liningon ako.

Nung una'y parang kinabahan pa sya pero nung na-realize nyang ako lang 'to, napahinga nalang sya ng malalim.

"Ah Kief. You're here" Tanging nasabi nya. I smiled and walk closer to where she's standing.

"Of course, pagmamay-ari ko 'to eh" Biro ko na hindi ko alam na seseryosohin nya pala.

"Seryoso? Hala sorry for stepping in. I just thought wala pang nakakabili ng property na 'to" Kita ko naman sa mga mata nya yung pagkadismaya sa sinabi ko na nagpatawa ng malakas sa akin. "Why?" Tanong nya.

Stars Are Nothing Without You (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon