( Update, update. Sana po magustuhan niyo. :) )CHAPTER 7
"Hindi ka na ba sasabay pauwi sa akin ate?" Tanong ni Kathryn
"Hindi na bunso. Sabihin mo na lang kay kuya Jerry, balikan niya na lang ako after an hour."
"Wag na. Ako na lang maghahatid sa ate mo." Biglang singit ni John Lloyd
"Sigurado ka kuya Idan?" Tanong ni Kathryn
Tumango si John Lloyd, "Yup. Ako na ang bahala sa kanya. Kailangan pa kasi naming mag-usap." Sagot nito
"Wag na Ida... John Lloyd. Maaabala ka lang." Pagtanggi ni Sarah
"Hindi naman pwedeng pabayaan na lang kita tutal ako naman talaga ang nang-aabala sa'yo. Hindi kita pwedeng iwan na lang ng basta basta." Sabi ng binata
At natahimik silang lahat
"Pumayag ka na ate. Saka tama nga si kuya Idan, marami kayong kailangan pag-usapan." Sabi ni Kathryn para basagin ang katahimikan
"Kath!" Saway ni Sarah
"Sige na po. Uuwi na ako para makapag-usap na kayo ng masinsinan." Sabay yakap sa ate niya at kay John Lloyd
Wala ng ibang nagawa si Sarah kung hindi ang pumayag sa gusto ng binata.
"Sige na. Mag-ingat ah. Itext mo ako kapag nakarating na kayo sa bahay." Paalala ni Sarah
"Yes ate."
"Bye Kath." Paalam naman ni John Lloyd
----
Nilatag sa damuhan ni John Lloyd ang kanyang coat, "Sige na, maupo ka na."
"Dito? Dito talaga tayo mag-uusap?" Nagtatakang tanong ni Sarah
"Oo. Ayaw mo ba nun? Parang dating gawi lang." Nakangiting sagot ni John Lloyd sabay upo sa damuhan
Sinenyasan niyang maupo na sa may coat niya si Sarah, "Sige na. Maupo ka na para makapag-usap na talaga tayo."
"Eh, madudumihan lang yung coat mo. Mukhang mamahalin pa naman. Saka baka maintriga tayo nito, baka may makakita sa atin." Nag-aalinlangang sabi ng dalaga
"Ok lang yan. Wag ka ding mag-alala, wala ng tao sa campus."
"Eh nakakahiya naman. Lalo lang madudumihan yan coat mo eh."
"Ok lang. Palalabhan ko na lang."
"Eh..."
"Can we just please stop arguing about my coat?" Tila naiiritang sabi ni John Lloyd
Tila tumiklop naman si Sarah at sumunod na lang sa utos ng binata, "Sabi ko nga uupo na ako."
"Thank you."
Ilang minuto pa ang lumipas ngunit walang naglalakas ng loob na magsalita sa kanilang dalawa. Magkatabi man sila pero ramdam na ramdam ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Hindi nakatiis ay binasag na ni Sarah ang katahimikan.
"Kamusta ka?"
"Ok lang naman. Ikaw?"
"Ok din lang." Sagot ng dalaga na nakatingin sa malayo
"Sorry kung hindi tayo nakapag-usap nang maayos sa ASAP last time." Pagpapaumanhin ng binata
"Ok lang yun. Hindi ko rin naman inaasahan yun eh."
BINABASA MO ANG
Flaming Love (AshLloyd Fan Fiction)
FanfictionMy first BALDIK fan fiction! :"> Hope you enjoy! :)