(Hello po readers! Pasensya na po sa mabagal na update ng story na to. May ginagawa po kasi akong bagong fan fic din ng mag-bebe. :))
Oh siya, hindi na ako masyadong dadaldal. Enjoy reading, sana hindi kayo magalit sa akin dahil sa update na to. :))) Enjoy Baldiks! )
CHAPTER 12
"Ate, thank you sa pagsama sa amin sa bakasyon mo." Nakangiting sabi ni Kathryn
Inakbayan naman ni Sarah ang kapatid, "Ano ka ba Kath? Nagbakasyon talaga ako para makasama kayo! Baka kasi isipin mo na puro trabaho lang inaatupag ko at nakalimutan ko na kayo. Gusto ko talaga na makapag-bonding kasama kayo. Namiss ko kaya na tayo-tayo lang magkakasama araw-araw tulad ng dati."
"Namimis ko na nga rin yun ate. Sikat na sikat ka na kasi eh."
"Hindi naman. Maiba nga pala ako Kath, kamusta kayo ni DJ? Kayo pa rin ba?" Natatawang tanong ni Sarah
Napakamot naman sa ulo si Kathryn, "Hala si ate! Oo naman po. Kami pa rin ni DJ, going strong."
"Mabuti naman. Inaalagaan ka ba ng mabuti nung mokong na yun?" Usisa ni Sarah
"Opo naman ate. Grabe nga sa pag-aasikaso sa akin yun eh. Minsan pakiramdam ko hindi ko siya boyfriend kundi yaya." Natatawang sagot ni Kathryn
"Ed mabuti kung ganun. At least alagang-alaga ka ni DJ, eh inaalagaan mo rin ba si DJ?"
"Opo naman ate. Maswerte nga siya at maalaga ako, hindi katulad ng iba." Pagmamalaki ni Kathryn
"Ibang klase din naman ang tiwala mo sa sarili mo ah. Perfect girlfriend material ba ang bunso namin?"
"Opo ate. Mana ako sa'yo eh!" Nakangiting sagot ni Kathryn
"Bolera!"
"Ikaw ate, kamusta kayo ni kuya Idan? Hindi mo pa ba siya sinasagot?" Usisa ng dalaga
"Sasagutin agad? Eh wala pa nga sa isang buwan na nanliligaw yung mokong na yun eh."
"Hala si ate! Pahirapan daw ba si kuya Idan!"
"Bunso, hindi ko naman pinapahirapan si kuya Idan mo. Gusto ko lang na siguraduhin sa sarili ko, at maging siya sa sarili niya, na gusto naming mag-commit sa isang seryosong relationship. Kilala mo naman si ate, gusto ko yung first boyfriend ko siya na rin yung makakasama ko habangbuhay." Seryosong sagot ni Sarah
"Pero di'ba sigurado naman na kayo sa isa't isa ate? I mean, ano pang point na patagalin yung panliligaw? Di'ba dapat mas matagal pa yung relationship mismo kaysa sa panliligaw?"
"Hindi pa kasi ako sigurado ng buong-buo. Kumbaga nasa 90-10 pa ako. 90% sigurado at 10% doubt. Hindi niya pa kasi alam na ganun yung gusto ko, long-term relationship at hindi yung pang-short time lang. Hindi ako sigurado kung ready ba siya sa papasukin niya. Kaya pinapatagal ko yung courtship namin para masabi ko sa kanya kung ano ba talaga yung gusto ko. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin lang sa kanya ng harap harapan na, 'Idan, kapag sinagot kita tuloy na sa simbahan tong relationship natin.' Ayaw ko naman ng ganun. Gusto ko unti-unti kong ipapaintindi sa kanya na I'm looking for a long-term relationship. Yung parang katulad kayla Mama at Papa." Paliwanag ni Sarah
"May pagdududa ka pa rin pala sa akin Sars?" Tanong ng isang boses mula sa likod nila
Tila napatigil sa paghinga si Sarah nang marinig ang tinig na yun, kilalang-kilala niya kung kanino ang boses na iyon. Huminga ng malalim si Sarah bago tuluyang humarap.
BINABASA MO ANG
Flaming Love (AshLloyd Fan Fiction)
FanficMy first BALDIK fan fiction! :"> Hope you enjoy! :)