Chapter 3

307 7 2
                                    

* Sorry po kung natagalan ang update. Hope this will suffice. :) Merry Christmas Baldiks and AshLovers!*



CHAPTER 3

Pagkatapos ng klase ay umuwi muna si Sarah para makapaghanda para sa gig niya mamayang gabi. Naabutan niyang nanonood ng pelikula si Kathryn. Pinapanood nito ang recent movie ni John Lloyd, na isang artista na nung mga panahong iyon.

"Ay ate, andyan ka na pala." Bati ni Kathryn sabay yakap sa ate Sarah niya

"Yan na naman pinapanood mo Kath? Ilang beses mo na yang napanood ah." Sita nito sa kapatid

"Eh ang galing galing po kasi ni kuya Idan dyan eh. Alam mo ate, hindi pa rin ako makapaniwala ate na artista na talaga si kuya Idan. Mas lalo nga siyang naging gwapo ngayon eh." Nakangiting sabi ni Kathryn

"Masyado ka namang natuwa dyan sa lalaking yan." Tila naiinis na sabi ni Sarah

"Palagi ka na lang high blood ate kapag si kuya Idan ang pinag-uusapan." Sabi ni Kathryn habang nakayakap sa kanyang ate

"Alam mo naman kung bakit di'ba?"

"Hindi mo na po ba talaga siya mapapatawad sa ginawa niya?"

"Ewan ko bunso. Hindi ko alam. Siguro mapapatawad ko siya, pero kailangan ko pa ng panahon para mawala talaga yung sakit na dinulot niya." Seryosong sabi ni Sarah

"Eh paano kapag nagkrus ulit ang landas niyo?"

"Bahala na. Bahala na kung ano mangyari."

----

Malakas na palakpakan ang narinig sa buong resto-bar matapos kumanta si Sarah.

Napabungisngis naman si Sarah bago nagsalita, "Naku, maraming salamat po at kahit may mga sablay-sablay na nota ay naappreciate niyo pa rin ang kanta ko."

"Ahmm, ito po maikwento ko lang sa inyo. Ito pong huling kakantahin ko sa gabing ito ay napaka-espesyal sa puso ko. Kasi natatandaan ko nung elementary ako unang pinaaral sa akin yung kantang ito tapos the next day eh kailangan ng kantahin para sa school program. So syempre kinabahan ako kasi hindi ko talaga siya naaral ng mabuti. Natakot ako kasi baka pumiyok ako o kaya makalimutan ko yung lyrics tapos nanood pa yung mga ano, basta yun." Sabay tawanan ang mga tao

"Pasensya na po kung napakadaldal ko ah." At nagtawanan ulit ang mga tao

"Itutuloy ko na po yung kwento ah. So yun nga po, ang nangyari pumiyok ako tapos nagpaulit-ulit ako ng lyrics. Sinabi ko nung araw na yun na hindi ko na kakantahin yung kantang yun. Pero syempre pinapractice ko pa rin yun kantahin kasi naging challenge sa akin yung kanta. Tapos fast forward po tayo noong high school na ako, ayan pinakanta na naman ulit yun sa akin. At since na practice ko na siya ng na practice, kabisado ko na yung range at lyrics ng kanta. Pero nung time na yun depressed na depressed ako kasi may nangyaring hindi ko inaasahan." Sandaling napatigil sa pagkukwento si Sarah para huminga ng malalim

"Yung best friend ko, yung first love ko, na akala ko ay forever kong makakasama, bigla na lang akong iniwan. So nung kinanta ko po ito, damang dama ko talaga." At sabay-sabay na nagreact ang audience

"Pero matagal na po iyon, alam ko na masaya na siya nasaan man siya. So ito na po, sana po ay magustuhan ninyo ang awiting ito." Nakangiting sabi ng dalaga

Take me back in to the arms I love Need me like you did before Touch me once again And remember when There was no one that you wanted more

Don't go you know you'll break my heart She won't love you like I will I'm the one who'll stay When she walks away And you know I'll be standing here still

I'll be waiting for you Here inside my heart I'm the one who wants to love you more

You will see I can give you Everything you need Let me be the one to love you more


See me as if you never knew Hold me so you can't let go Just believe in me I will make you see All the things that your heart needs to know

I'll be waiting for you Here inside my heart I'm the one who wants to love you more


You will see I can give you Everything you need Let me be the one to love you more

Some day all the love that we had can be saved Whatever it takes we'll find a way

Believe me, I will make you see All the things that your heart needs to know


I'll be... Waiting for you Here inside my heart I'm the one who wants to love you more

Can't you see I can give you Everything you need Let me be the one to love you more

Ohhh...

At muling nagpalakpakan ang mga tao.

Sa isang banda naman ng resto-bar ay nakamasid lang sa nakangiting mukha ni Sarah si John Lloyd. Hindi niya mapigilan ang sariling humanga sa talento ng dalaga, ngunit parte ng kanyang puso ang nadurog sa panghihinayang ng marinig ang mga salitang binitawan nito.

----

"So, are you going to accept my offer?" Tanong ni Sir Vic

Tila hindi naman makapaniwala si Sarah sa sinabi ng taong kaharap, "Sir Vic, ako po talaga? Sigurado po ba talaga kayo?"

"Oo. Ikaw ang napili ko Ms. Geronimo. You just showed up there, right on that very stage, na ikaw ang artist na matagal ko ng hinahanap. Ayaw mo ba sa offer ko? Naliliitan ka pa ba sa offer ko?" Nagtatakang tanong ni Sir Vic

Napailing si Sarah, "Hindi po sa ganun sir. Nagulat lang po talaga ako na... ako yung napili niyo. Saka ano po kasi..."

"Ano yun Ms. Geronimo? Is there any problem?"

"Uhmmm, may tao po kasi akong iniiwasan. Kunh tatanggapin ko po yung offer niyo, malaki yung possibility na baka magkrus yung landas namin ulit." Nahihiyang sabi ni Sarah

"Sarah, hindi habang buhay ay matatakasan o maiiwasan mo yung taong iyon. Darating at darating ang panahon na kailangan mong harapin ng may tapang ang taong iyon, para maisaayos o mabigyan man lang ng kalinawan ang mga bagay. At higit sa lahat, wag mo siyang gawing hadlang sa pagtupad mo ng iyong mga pangarap."

"Pero natatakot po ako na baka magkita ulit kami. Baka bumalik lang po lahat ng sakit na binigay niya nung iniwan niya ako."

"Then, this is the right time for you para patunayan sa kanya na nagkamali siya sa pag-iwan sa'yo. Show him na nagbago ka na for the better simula nung iwan ka niya. See this opportunity as a challenge in overcoming you fear." Paliwanag ni Sir Vic

Sandaling napaisip si Sarah, "Tama po kayo. Hindi ko dapat hinahayaang lumagpas ang mga pagkakataong ito nang dahil lang sa kanya."

"Now that's the spirit! Alam mo, hindi nagkamali ang pamangkin ko na irecommend ka sa akin. He has been one of your loyal supporters." Nakangiting sabi nito

"Ta--talaga po? Naku, maraming salamat po talaga sir. Sana po ay makilala ko yung pamangkin niyo para personal po akong makapagpasalamat sa kanya." Tuwang tuwa na sabi ni Sarah

"You'll meet him soon, once you've accepted my offer. So I'm asking you once again Ms. Geronimo, are you going to accept my offer?" Sabay abot ng kamay sa dalaga

Tumango si Sarah at inabot ang kamay niya sa kausap upang makipagkamay dito, "Yes sir. Thank you very much for this opportunity."

----

Ilang linggo pa lang matapos ipakilala bilang bagong artist ng VIVA ay naging maugong at matunog ang pangalan ni Sarah. Kaliwa't kanang guestings at interview ang sumalubong sa kanya sa mga unang linggo niya bilang isang opisyal na artista. Isa pa sa pinakamalaking opportunity na natanggap niya ng linggong iyon ay nang i-sign siya bilang exclusive artist ng ABS-CBN. Noong una ay ayaw niyang tanggapin ang offer na iyon dahil contract artist nga ng ABS-CBN si John Lloyd, pero palagi niya na lang iniisip na mas importante ang pagtupad ng kanyang pangarap kaysa ikulong ang sarili sa lungkot at sakit na dinulot ng binata.

Pagod na pagod na umuwi sa kanilang bahay si Sarah. Pero bago makapasok sa loob ay dinumog muna siya ng mga kapitbahay na tuwang tuwa at hangang-hanga sa kanya. Kahit pagod ay pinagbigyan niya ang lahat na makapagpapicture at makapagpa-autograph sa kanya.

"Maraming salamat po ah. Wag po kayong mag-alala, kung sakali man po na maging sikat talaga ako hinding hindi ko kakalimutang pumunta dito para kamustahin kayong lahat." Nakangiting sabi ni Sarah

"Napakabait mo talaga Sarah, kaya ka pinagpapala ng Diyos eh." Sabi ni Aling Baby

"Naku, maraming salamat po." Nahihiyang sabi ni Sarah

"Basta Sarah, tandaan mo, susuportahan ka talaga namin. Di'ba mga kapitbahay?" Sabi pa ng isa nilang kapitbahay

"Tama!" Sagot nila

"Maraming salamat po sa suportang pinapakita at pinaparamdam niyo sa kapatid ko. Pero kailangan na pong magpahinga ni Sarah kasi may rehearsals pa po siya bukas para sa ASAP sa Sunday. Manood po kayo ah!" Singit ni Juday

----

"Ganito pala ang feeling ate. Hindi pa man talaga ako sikat pero yung suporta na pinapakita nila, sobra sobra. Yung tipong kahit pagod na pagod ka na, makita mo lang sila na nakangiti at naaappreciate yung ginagawa mo, nawawala yung pagod ko. Mas naiinspire pa akong pagbutihan pa yung pagtatrabaho ko dahil sa kanila." Sabi ni Sarah habang nakahiga sa kama

"Pero Sars, kung dumating man talaga yung panahong maging sikat ka. Wag kalimutang magpakumbaba. Wag na wag mong ilalagay sa utak mo na sikat ka na kasi yun ang unang unang sisira sa'yo." Paalala ni Juday

"Opo ate. Never kong ipagmamalaki na sikat ako. Never akong magmamataas dahil sabi nga ni Lord, 'Ang mga nagmamataas ay ibababa, ang mga nagpapakumbaba ay itataas.' Hindi ako magbabago dahil lang sa naging artista ako."

Niyakap ni Juday ang kapatid, "Tumpak! Ang galing talaga ng kapatid ko."

"Syempre! Mana ako sa'yo eh." Natatawang sabi ni Sarah bago biglang natahimik

"Oh, bakit bigla kang natahimik?" Alalang tanong ni Juday

"Ate, paano kapag magkita kami bukas? Anong gagawin ko?"

"Magkita nino?"

"Ni John Lloyd."

"Just be yourself. Yun lang." Payo ni Juday

"Eh ate, paano kapag..."

"Sars, kalimutan mo na lahat ng sakit at galit dyan sa dibdib mo. Kasi kapag hinayaan mo yang mangibabaw, hihilain ka lang niyan pababa. Matuto kang magpatawad, kahit mahirap. Matagal na panahon na rin naman na ang lumipas, mas mabuti pang kalimutan na natin yun." Paliwanag ni Juday

"Susubukan ko ate."

"Wag mong subukan Sars, gawin mo. Pilitin mo ang sarili mo na gawin kung ano sa tingin mo ang tama, dahil dun mo mararamdaman ang tunay na kasiyahan."

Ngumit lang si Sarah at tumango, "Salamat sa advice ate."

"Wala yun Sars. Basta kapag may problema ka o may bumabagabag dyan isip at puso mo, wag kang mahihiyang magsabi kay ate. Ok?"

"Opo. Salamat talaga ate." Sabi ni Sarah sabay yakap sa kanyang ate

"You're welcome. Oh siya, matulog ka na at dadaan pa daw tayo sa VIVA bukas bago ang rehearsals mo for ASAP. Good night Sars."

"Good night ate."

----

"Good morning po Boss Vic." Bati ni Sarah sabay beso sa kanyang manager

"Good morning Sarah. Have a seat." Tugon nito

"Pasensya na kung kinailangan niyo pang dumaan ng maaga dito, may importanteng bagay kasi akong sasabihin sa'yo."

"Ano po ba yun Boss Vic?"

"Is it okay for you to have your own PA? Ayaw ko naman kasing mapagod ang ate Juday mo sa kakaasikaso sa'yo saka para mabigayan pa rin niya ng oras si Kathryn at yung pamilya niya."

"Personal Assistant po Boss Vic?" Gulat na tanong ni Sarah

"Oo, actually kailangan mo talaga ng PA lalo na at pasikat ka na ng pasikat. Kailangan mo ng aalalay sa'yo besides sa ate mo."

"Ate, ok lang ba sa'yo?" Tanong ni Sarah sa kanyang ate Juday

Tumango si Juday, "Oo naman. At least may makakatulong na ako sa pag-aasikaso sa'yo. Saka sasama pa rin naman ako kapag hindi ako busy."

Tumango si Sarah, "Sige po boss. Tutal ok lang naman po kay ate saka kayo po talaga ang mas may alam dito, kaya kung ano pong gusto niyo eh go lang po tayo."

Ngumiti si Boss Vic, "Ok then. So let's meet her."

"Papasukin mo na siya." Sabi ni Boss Vic sa kanyang secretary

Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto.

"Sarah, I would like you to meet your new PA..."

Paglingon ni Sarah ay nagulat siya sa nakita, "Ate Shin???"

"Sars!"

Bigla namang napatakbo papunta sa kaibigan niya si Sarah. Niyakap niya si Shin ng mahigpit na mahigpit.

Napangiti na lang si Boss Vic, "So I guess kilala niyo na ang isa't isa?"

Napatawa si Sarah, "Opo Boss Vic, dating kapitbahay ko po siya at best friend ko rin po."

"Mukhang tama nga ang pamangkin ko na matutuwa ka kapag nalaman mong si Ms. Rachelle Ann Go ang iyong PA."

"Kailan ko po ba makikilala yung pamangkin niyo Boss? Matagal ko na po kasi talagang gustong magpasalamat sa kanya ng personal. Ang dami niya na po kasing nagawa para sa skin." Nakangiting sabi ni Sarah

"Uhmmm, medyo busy lang kasi siya. Pero hayaan mo, sasabihin ko sa kanya na gustong-gusto mo siyang makilala." Paliwanag ni Boss Vic

"Oh siya, lumakad na kayo at baka mahuli ka pa sa rehearsals mo. Good luck Sarah and God bless you. Ingat kayo." Paalam ni Boss Vic

Yumakap si Sarah sa matanda, "Salamat po ng marami Boss. Salamat po talaga."

----

"Oh wala na naman daw si Lloydie. Yung lalaking yun talaga, kung ano-ano na namang pinagkakaabalahan." Sabi ng isang staff ng ASAP

Tila nabunutan naman ng tinik sa dibdib si Sarah ng marinig niya iyon. Alam niya kasi sa sarili niyang hindi pa rin siya handang makita ang binata. Pero hinahanda niya na rin ang sarili kapag dumating ang panahong iyon.

Pagkatapos niyang magrehears ng mga kanta at ilang dance steps at turuan ng blocking ay masayang sinalubong ng mga mainstay ng ASAP si Sarah sa unang rehearsals nito.

"Naku, mukhang tama sila. Ikaw na talaga ang total package. Baka mamaya mawalan kami ng trabaho sa'yo ah." Hirit ni Anne

"Hala, hindi naman Ms. Anne. Hanggang pagkanta at konting sayaw lang talaga ang talent ko. Wala pa rin namang tatalo sa'yo pagdating sa ganda at galing umarte." Nahihiyang sabi ni Sarah

"Anne na lang. Saka girl, maganda ka rin kaya. Mas type ko nga ang beauty mo, simple lang. Kahit wala kang make up lumilitaw yung ganda mo, yung natural mong ganda."

Napatawa na lang si Sarah, "Salamat. Nakakapanibago naman na ang isang Anne Curtis, sinasabihan ako ng maganda ako."

"Maganda ka talaga Sarah. Saka wag kang mahihiya sa amin, hindi naman kami nangangagat dito. Welcome na welcome ka sa ASAP family. At wag kang mag-alala, aalagaan ka namin dahil ikaw ang pinakabago naming baby dito." Nakangiting sabi ni Nikki

"Saka kung gusto mong magpatulong sa sayaw, just call my name and I'll be there!" Pagpiprisinta ni Iya

"Salamat sa pagtanggap sa akin ah. Salamat ng marami." Sabi ni Sarah

"You're most welcome. Basta wag na wag mo lang kaming tatawaging ate Anne, ate Nikki or ate Iya. Hindi naman nagkakalayo mga edad natin eh." Hirit ni Nikki na ikinatawa ng lahat

----

Mataas ang naging ratings ng welcoming episode ng ASAP kay Sarah. Marami ring positive feedbacks sa Twitter at Facebook sa promising at magandang performance ng dalaga. Tuwang tuwa din sa kanya ang lahat ng crew at staff dahil napakatalented nito at madali lang daw katrabaho ang dalaga.

"Congrats ulit sa'yo Sars! Ang galing galing mo talaga kanina!" Tuwang tuwa na sabi ni Erik

"See you next week, or kaya sa lobby ng ABS. Marami pa tayong chikahan na gagawin." Sabi naman ni Nikki

Niyakap at nakipagbeso si Sarah sa mga bagong kaibigan, "Salamat sa inyo sa warm na pagwelcome sa akin."

Tinapik-tapik siya ni Iya sa braso, "Wala yun. Always remember, if you need us, we are just a phone call away. Ok?"

Tumango lang si Sarah

"Oh siya, mauna na kami Sars. Ingat kayo pag-uwi." Paalam ni Yeng

"Ok. Ingat din kayo. Bye!"

Pagkalabas ng mga kaibigan ay siya namang pasok ni Shin

"Congrats sa'yo Sars." Bati ni Shin pagpasok ng dressing room habang may dala-dalang bouquet of flowers

Nakipagbeso si Sarah habang nagpapasalamat, "Salamat ate."

"Oh, pinapaabot ng secret admirer mo!" Kinikilig na sabi ni Shin sabay abot ng bouquet ng white tulips sa dalaga

Napangiti naman si Sarah, "Ang ganda naman nito. Kanino to galing ate?"

"Hindi ko din alam, pinaabot lang sa akin ng ate mo yan." Sagot ni Shin

Sakto namang pumasok sa dressing room si Juday

Agad namang niyakap ni Juday ang kapatid, "Congrats Sars. Ang galing galing mo kanina. Kung andito lang sila mama at papa, for sure proud na proud sila sa'yo katulad ko." Bulong nito kay Sarah

Hindi naman napigilan ni Sarah na mapaluha ng konti. Napalo niya tuloy ang kanyang ate, "Si ate talaga oh. Ang drama-drama! Pati tuloy ako nahahawa." Natatawang sabi ng dalaga sabay punas ng luha

"Pero maiba ako ate, kanino galing tong bulaklak?"

"Hindi ko din alam. Pero may card ata yan na kasama. Baka may nakalagay na pangalan dun."

Tiningnan ng dalaga ang card

"You were very beautiful earlier. I just want to congratulate you for your amazing performance. I hope we can meet very soon. From your no. 1 fan, JL"

"JL?"

"Ahhh si sir JL. Bihira lang siyang magbigay ng bulaklak sa mga artist ah! Bongga ka talaga Sars!" Sabi ni Shin

"Sino ba siya?"

"Siya yung pamangkin ni Boss Vic."

"Ahhhh." At napangiti na lang si Sarah

----

Lumipas ang mahigit isang taon ni Sarah bilang isang artista nang hindi sila nagkikita o nagkakatrabaho ni John Lloyd. Kapag nasa ASAP kasi siya ay wala ang binata at kapag wala naman si Sarah ay saka present ang binata. Naisip tuloy ni Sarah na baka sadyang iniiwasan siya nito o sadyang hindi na talaga siya naaalala nito.

Nang taong din iyon ay tinaguriang fastest rising star ng kanyang henerasyon si Sarah. Kaliwa't kanang endorsements sa print at media, kaliwa't kanang guesting sa corporate events, TV guestings at naging mainstay na rin siya sa ASAP. May offer rin sa kanyang mga acting jobs pero hindi muna nila ito tinanggap dahil mismong si Sarah ang nagsabi na kailangan niya muna ng acting workshop at mas focused siya sa nalalapit niyang first major solo concert sa Araneta.

Marami na rin ang naipon ni Sarah kaya nakapagpagawa na siya ng magandang bahay sa isang exclusive subdivision si Sarah. Nakabili na rin siya ng ilang sasakyan at pinatayuan niya ng restuarant ang kanyang ate Juday.

Pero sa kabila ng tagumpay na natatanggap ni Sarah ay nanatili pa rin siyang simple at mapagkumbaba. Hindi siya nagbago kahit isa na siya sa pinakasikat na artista sa industriya. At dahil din doon kaya lalong lumalalim ang paghanga at pagmamahal ni John Lloyd sa dalaga. Walang palya itong nagpapadala ng white tulips sa dalaga tuwing may event o guestings ito.

"Hijo, mahigit isang taon na rin nating artist si Sarah. Wala ka pa rin bang balak na magpakita sa kanya? Hanggang diyan ka na lang ba sa paabot-abot mo ng white tulips sa kanya?"

"Humahanap lang po ako ng tamang tyempo Tito."

"Bilis bilisan mo Idan dahil marami nang umaaligid at nagpaparamdam kay Sarah."

~*~

Flaming Love (AshLloyd Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon