Natapos ang bakasyon nila Sarah at lumipas ang isang buwan, pero hindi pa ulit nakakapag-usap sina Sarah at John Lloyd mula sa kanilang komprontasyon. Halata sa kinikilos nilang dalawa na iniiwasan nila ang isa't isa. Nagpapalitan pa rin sila ng konting text messages pero maliban doon ay wala na.
Nagsimula na nga rin umikot ang balitang binasted na ni Sarah si John Lloyd pero wala ni isa sa kanila ang nagsasalita tungkol sa issue.
Isang gabi ay pumunta si John Lloyd sa bahay ng kaibigang si Luis. Kay Luis kasi siya pinakamalapit sa kanilang Kanto Boys at sa kanya siya madalas nagkukwento ng kanyang problema.
"Let me guess, binasted ka ni Sarah?" Bungad ni Luis
Napailing si John Lloyd, "Hindi kuys. Mukhang ako yung hindi ready."
Napataas naman ang kilay ni Luis, "Ikaw? Hindi ready pumasok sa isang relationship with Sarah? May sakit ka ba?"
"Iba kasi yung gusto niya kuys."
"Paanong iba?" Naguguluhang tanong ni Luis
"Paano kung hindi ka pa niya sinasagot pero kasal na agad yung binubungad niya sa'yo?"
Medyo nagulat naman si Luis, "Kasal agad?"
"Oo. Sinong hindi mapepressure at matatakot dun sa gusto niya?" Sagot ni John Lloyd
"Siguro ano, siguro gusto niya lang makasigurado na hindi mo siya iiwan, na hindi mo siya sasaktan. Na magkasama kayong tatanda."
"Alam ko naman na ganun yung gusto niya, pero masyadong maaga pa para isipin namin yun. Hindi pa nga niya ako sinasagot eh."
"Eh bakit hindi mo sabihin sa kanya yung nasa isip mo? Bakit hindi mo ipaliwanag yung side mo sa kanya?" Suggestion ni Luis
Napailing si John Lloyd, "Kuys, alam mo naman ang mga babae. Hindi sila makikinig kahit na anong paliwanag ang gawin mo."
"Sinubukan mo na ba?" Seryosong tanong ni Luis
"Hindi pa pero..."
"Hindi pa pala eh." Singit ni Luis, "Subukan mo muna. Umaayaw ka na kaagad hindi mo pa pala nagagawa."
Tinapik tapik ni Luis sa balikat si John Lloyd, "Wala namang mawawala sa'yo kung susubukan mong kausapin siya, pero malaki ang pwedeng mawala sa'yo kapag hindi mo sinubukan."
----
Naging malungkutin si Sarah matapos ang huling pag-uusap nila ni John Lloyd. Pagkarating sa bahay ay diretso na ito sa kwarto at doon nagpapalipas ng oras. Napapadalas na din ang pag-iyak ng dalaga.
"Sars..." Tawag ni Juday
Agad naman pinunasan ni Sarah ang kanyang mga luha, "Oh ate. Bakit po?" Tanong ng dalaga na nakaupo sa kanyang kama
Tinabihan ni Juday ang kapatid saka inakbayan, "Sars, hindi pwedeng ganito ka na lang palagi. Hindi mo pwedeng ikulong sa kalungkutan yang buhay mo."
"Ate ang hirap magpakasaya kung hindi ka naman talaga masaya, kung may sakit na nararamdaman yung puso mo." Paliwanag ni Sarah habang humihikbi
Hinaplos haplos ni Juday ang balikat ni Sarah, "Tungkol pa rin ba kay Idan to?"
At tumango lang si Sarah, "Maiintindihan ko naman kahit anong desisyon niya eh. Pero wag niya lang akong paasahin sa wala. Sana naman nagsabi siya. Hindi yung nagmumukha akong tanga kakahintay sa kanya." Umiiyak na sabi ni Sarah
BINABASA MO ANG
Flaming Love (AshLloyd Fan Fiction)
FanfictionMy first BALDIK fan fiction! :"> Hope you enjoy! :)