(Hello po sa inyo mga faithful readers *faithful talaga??? wala na po akong ibang maisip na term eh. :)))* Pasensya na po kung natagalan ang update. Nagsunod-sunod po kasi ang exams kaya kailangan muna magbasa-basa at mag-aral.
Pagpasensyahan niyo na po ng update na to. Maiksi kaysa sa mga previous chapters, tapos parang waley eh. Pero sana pagtiyagaan niyo na lang po. :))
Salamat po sa pagtuloy na pagsubaybay at pagbasa. :) )
CHAPTER 9
Pabagsak na inihiga ni Sarah ang sarili sa kama, "Haaay. Sagad sa buto naman tong pagod ko ngayon." Bulong ni Sarah sa sarili. Ipipikit na sana ng dalaga ang kanyang mga mata ng biglang may kumatok sa kanyang kwarto
Napabuntong hininga na lang si Sarah at dahan-dahang umupo para makita kung sino ang kumatok.
"Sars, may bisita ka." Sabi ni Juday
Napatingala sa wall clock si Sarah bago tumingin sa kanyang ate, "Bisita? Ganitong oras ate?"
Ngumiti lang si Juday at tumango bago lumabas ng kwarto.
Kahit labag sa loob ay bumangon si Sarah para asikasuhin ang bisita. Halata sa mukha ni Sarah ang pagod pero pagkakita sa kanyang bisita ay unti-unting lumiwanag ang kanyang mukha at nasilayan ang kanyang matamis na ngiti. Tila patakbo na siyang lumapit sa kanyang bisita.
"Akala ko naistorbo kita." Nahihiyang sabi ni John Lloyd
"Actually, oo eh. Dapat talaga matutulog na ako kaso may bisita daw ako kaya bumangon ako." Sarkastikong sabi ni Sarah
Nabakas naman ang lungkot sa mukha ni John Lloyd kaya hinawakan siya sa pisngi ni Sarah, "Asus! Nagtampo naman agad ang best friend ko. Joke lang yun. Hindi mo ba alam nung nakita agad kita eh nabawasan yung pagod ko?" Nakangiting sabi ni Sarah
Hinawakan naman sa kamay ni John Lloyd si Sarah, "Wag mo kasing papagurin masyado ang sarili mo. Mamaya magkasakit ka pa, ang lapit pa naman na ng concert mo." Paalala nito
Matagal silang nagkatitigan, marahan namang hinahaplos ni John Lloyd ang kamay ng dalaga.
"Bakit ka nga pala napadaan? Late na ah." Basag ni Sarah sa kanilang katahimikan sabay bawi ng kanyang kamay sa pagkakahawak ng binata at upo sa sofa
"Gusto lang kitang makita. Sa totoo nga, galing pa akong taping eh. Dumiretso na ako dito kasi namimiss na kita. Halos tatlong araw na kasi nung huli tayong nagkita." Sabi ni John Lloyd sabay tabi sa dalaga
Napalo naman siya ni Sarah, "Grabe ka naman! Tatlong araw lang naman yun."
"Nasanay kasi ako na palagi kitang kasama. Nasanay ako na lagi kang nasa tabi ko." Sinserong sabi ni John Lloyd habang titig na titig sa mata ng dalaga
"Echosero!" Natatawang sabi ni Sarahl sabay iwas sa tingin ni John Lloyd, "Kumain ka na ba Idan?"
Tumango ang binata. Napansin naman nito na napapapikit na sa pagod ang dalaga.
"Uhmmm, Sars, mauna na ako. Dumaan lang talaga ako para makita ka. Mukhang pagod ka talaga eh. Para makapagpahinga ka na rin. Pasensya na kung naistorbo pa kita." Sabi ni John Lloyd habang papatayo
Hinawakan naman ni Sarah ang kamay ng binata para pigilan ito, "Aalis ka na agad? Dito ka lang muna, gusto pa kitang makasama eh."
"Eh pagod ka na eh."
Ilang ulit na umiling si Sarah, "Hindi pa, promise. Pero tutal andito ka na rin naman, samahan mo na lang ako kumain habang manonood ng movie. Kung ok lang sa'yo?"
"Kumakain habang nanonood ng movie? Stressed ka noh?" Natatawang tanong ng binata
"Medyo, paano mo nalaman?"
"Eh ganyan ka na nung high school eh. Hindi ka pa rin talaga nagbago." Sabi ni John Lloyd na nagpangiti naman kay Sarah
----
Si Sarah lang talaga ang nakaubos ng popcorn at fries at nanood ng buong movie dahil iba naman ang pinapanood ni John Lloyd. Abala ito sa panonood sa bawat reaksyon ng dalaga. Tuwang tuwa ang binata kapag nakikita niyang kilig na kilig ang dalaga. Natatawa kasi ito ng mahina na nagpapalabas sa mga dimples nito sabay kagat ng kanyang labi na may kasama pang paghampas o pagkurot sa kanya. Wala ibang inatupag si John Lloyd kung hindi ang pagmasdan ang kanyang kaibigan.
"Alam mo ilang beses na nating napanood yan pero hindi ka pa rin nagsasawa panoorin yan. Tapos hanggang ngayon iniiyakan mo pa rin yung mga favorite mong eksena." Natatawang sabi ni John Lloyd nang natapos na ang Notting Hill
Napalo naman ni Sarah si John Lloyd, "Eh! Ang ganda-ganda naman kasi ng kwento."
Humarap si Sarah kay John Lloyd, "Isipin mo, kahit ilang beses na siyang nasaktan nung babae, hindi siya tumigil na mahalin yun. Ilang beses na silang nagkasakitan, pilit na pinaglalayo ng panahon at pagkakataon pero bumabalik at bumabalik pa rin sila sa isa't isa. Paikot-ikot lang sila. Ikot-ikot lang. Yung tipong kahit anong mangyari sa kanila, babagsak at babagsak sila sa piling ng isa't isa. Naka-tadhana talaga sila para sa isa't isa." Paliwanag ni Sarah
"Paano kung naging ganyan din yung takbo ng love story mo? Bibigyan at bibigyan mo ba siya ulit ng pagkakataon kahit ilang beses ka na niyang nasaktan?" Seryosong tanong ni John Lloyd
"Basta naipakita niya at naiparamdam niya sa akin na sincere siya sa intensyon niya, then why not take a risk of giving him another chance, right? Kasi sa totoo lang naman talaga, palagi naman talaga tayong nasasaktan ng mga taong mahal natin, ng mga taong nakapaligid sa atin. We may or may not notice or feel it, pero at the end of the day nagagawa pa rin natin silang mapatawad. Ganun din pagdating sa pag-ibig, sa pakikipagrelasyon, magagawa mo siyang mapatawad kapag nangingibabaw ang pagmamahal mo sa taong iyon kaysa sa inis at hinanakit." Paliwanag ni Sarah
"Walang halong biro 'to Sars, maswerte talaga yung lalaking makakasama mo sa habangbuhay. Napakaswerte niya." Nakangiting sabi ni John Lloyd
"Bolero. Pero alam kong magiging swerte din ako sa taong magmamahal at makakasama ko habangbuhay." Sabi ni Sarah sabay sandal sa pagitan ng balikat at dibdib ni John Lloyd
"Paano mo naman nasabi?"
"Kasi kakayanin niyang tanggapin kung sino talaga ako. Yung mga kahinaan ko, yung mga pangit sa akin. Kumbaga mamahalin niya ako hindi dahil ako si Sarah Geronimo na artista, kundi mamahalin niya ako bilang si Sarah Geronimo na isang simpleng babae na marunong magmahal ng totoo. Kapag nakilala ko na yung lalaking yun, ako na ang pinakaswerteng babae sa buong mundo." Nakangiting sabi ni Sarah
Hindi na sumagot si John Lloyd, hinaplos haplos niya na lang ang braso ng dalaga. Si Sarah naman ay mahimbing na sumandal sa binata. Pakiramdam niya ay ligtas siya sa kahit anong bagay kapag nasa bisig siya nito. Matagal silang nasa ganoong posisyon. Hindi na namalayan ni Sarah na nakatulog na pala siya sa piling ng binata.
"Sana ako na lang ang lalaking iyon. Sana ako na lang ang lalaking makakasama mo habangbuhay." Bulong ni John Lloyd sabay halik sa noo ng dalaga.
Nakatulog sila sa piling ng isa't isa.
----
Naalimpungatan si John Lloyd ng mga bandang alas-2 ng umaga. Ginigising na pala kasi ni Juday si Sarah.
"Sorry Idan. Si Sarah talaga yung balak kong gisingin pero mukhang pagod na pagod kaya sobrang himbing ng tulog eh." Pagpapaumanhin nito
"Ok lang ate. Bubuhatin ko na lang siya papuntang kwarto niya."
"Sigurado ka?"
Tumango si John Lloyd at dahan-dahan ng binuhat si Sarah.
Pagkalapag kay Sarah sa kama nito ay nag-iwan ulit ng halik sa noo ni Sarah si John Lloyd.
"Don't worry my princess, I'll make all your wishes come true. I'll be that knight in shining armor that you've always dreamed of. Good night my princess."
~*~
BINABASA MO ANG
Flaming Love (AshLloyd Fan Fiction)
FanfictionMy first BALDIK fan fiction! :"> Hope you enjoy! :)