Palabas ako ng kwarto ko ngayon habang naguunat-unat, tumingin muna ako sa wall clock sa sala habang pababa ako ng hagdan.
6:00am
Antok na antok pa ako, 9 pa naman ang klase so bakit hindi muna kaya ulit ako matulog? napangiti ako sa naisip ko. Great idea! Patalikod na sana ako para bumalik ng kwarto nang mapahinto ako sa nagsalita,
"Hep hep! Bunsoy san punta mo? Matutulog ka nanaman noh? Naku alam na alam ko na talaga gawain mo"napatigil ako sa pag-lalakad nang marinig ko ang boses ni kuya sa baba ng hadgan.
"Heh! Antok na antok pa ko"angal ko, gawain ko kasi to everytime napapaaga masyado ang gising ko tas matutulog ulit
ako, kaya ang ending late ako, kasi late na pag magigising ako ulit."Baba bunsoy wag mo na subukan matulog ulit kung ayaw mong malate nanaman"hinatak ako ni kuya pababa ng hadgan kaya todo angal ako.
"Tulungan mo nalang ako mag-luto para mawala yang antok mo"
Hinatak niya ulit ako papuntang kusina kaya nag-padala nalang ako, nag-punta muna akong lababo para wisikan yung mata ko, pampawala ng antok.
*poink*
"Aray kuya naman eh!"himas ko sa ulo ko nang batukan ako ni kuya Terrence.
"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wag kang mag hihilamos agad pag bagong gising ka, gusto mo bang manlabo agad mata mo?"pangangaral nito sakin, kayo sang-ayon ba kayo? Nakakalabo ba talaga ng mata yun, tss dami alam nitong kapatid kong to.
Nagmake face nalang ako habang siya salita pa din ng salita.
"Nakikita kita bunsoy gusto mo mabatukan ulit?"
"Syempre hindi, mga tanungan mo kuya eh noh"
Hindi kame kayamanan kagaya ng iba but i must say na kuntento na kame kung anong buhay meron kame ngayon. Nakakaen naman kame ng higit pa sa tatlong beses sa isang araw and one more thing, scholar din ako kaya wala na akong dapat intindihin pa sa bayarin sa school.
I'm Caren Jade Madrigal, 16years old, 4th year highschool.
Meron akong isang kapatid and that's kuya Terrence, mas matanda siya sakin ng 4 years. Super close naman kami sa isa't isa kahit medyo malayo ang agwat ng edad namin.
kasalukuyan na akong nakaupo ngayon sa kusina habang si kuya Terrence naman nag-hahain na.
"Kuya si mama hindi pa ba gising?"
"Hindi pa bunsoy baka tulog pa yun ngayon"sabagay maaga pa naman kasi.
Pagkatapos namin kumaen naligo na din ako at hinanda ang mga gamit ko sa school. Pinatuyo ko muna ang buhok kong pag-kahaba haba saka ito ipinusod. hindi kasi ako mahilig mag-lugay ng buhok.
Pababa na ako ng hadgan ng madatnan ko si kuya sa sala.
"Bunsoy hindi ka ba sasabay sakin?"
"Hindi na kuya tsaka paalis na rin ako eh. 9 yung klase namin ngayon, bawal malate"
"Whoo bunsoy ang sabihin mo ihahatid ka lang kasi ng boyfriend mo"pangaasar nanaman niya sakin.
"How many times do i have to tell you kuya--"
"Yeah kanta yan bunsoy ah"
"Pansin mo din heheh. Tsaka kulit ng bungo mo kuya wala nga akong boyfriend"
"Hahah defensive much, ghe bunsoy lumayas kana sa harap ko at baka malate kapa"
After ng asaran session namin eh nag-paalam na din ako.
Nag cocommute lang ako, wala naman kame sasakyan na mamahalin, hindi kagaya ng mga classmate ko na dekotse kung pumasok at umuwi ng school.
Kung hindi ka naman talaga minalas malas puno pa ang mga jeep ngayon, kaya no choice, sasabit nalang ako. Lahat ng pasahero napatingin sakin nang makita ang ginawa ko except sa isang lalakeng pasahero din na nakaub-ob ang mukha sa bag nito at halata mong natutulog.
"Miss anong ginagawa mo jan?"sita sakin ni manong driver.
"Baka nag-lalaba ho? Syempre po sasabit"at talagang nagawa ko pang mamilosopo 'ano.
"Baba, baka mahulog ka pa. Kargo de konsensya pa kita"
Edi palit kame ako mag-drive tas siya sumabit dito para hindi ako mahulog.
"Sige na ho manong, sayang pa naman yang shades niyo ang pogi niyo jan"pangungumbinsi ko dito. Nakita ko pa si manong na napangiti ng pag kalaki laki. Tinotoo nga niya-__-
Liers go to hell..
"Tsaka mag-babayad naman po ako eh, gora na kuya paandarin mo na yan"
"F*ck"sabi nung lalakeng pasahero din, rinig ko OO kasi malapit lang siya sa kinatatayuan ko. Mukhang nagising ata sa convesation namin ni manong driver, sorry for him. Hindi kasi bahay tong jeep.
Umangat naman yung ulo niya at nagulat ako sa nakita ko.
Nag-hirap na ba siya kaya niya naisipan niyang mag-jeep nalang?
-sa isip-isip ko"Miss ako nalang sasabit jan, umupo kana dito"pag-vovolunteer niya.
"No thanks"pag-tanggi ko sakanya, hindi na noh! Baka mag-kautang na loob pa ako sakanya.
He just smirked on me at bumalik ulit sa pag-kakatulog, ganun-ganun nalang yun hindi man lang ako pinilit?!
Halos atakin naman ako sa puso sa gulat nang paandarin na ni manong driver ang jeep.
jusko! Baka dito pa mapaaga buhay ko.
**
Short Update..
BINABASA MO ANG
TERRIFIED
Humor"In a world full of wrong, you're the thing that's right" - - A story of a girl who doesn't believe in love. Ang babaeng takot pumasok sa mundo ng pagibig dahil takot ng masaktan pang muli. Until this man--Aaron Raphael Herrera came to her life, the...