"Bunsoy sino kausap mo kanina ba't parang ang saya-saya mo naman ata?"nakakalokong tanong sakin ni kuya.
"Gumagawa nga ako ng mga project at assignment ko kuya"kunwareng umirap pa ako para makatotohanan.
"Weeeeh?"
"Ano pa kuya?"irap ko sakanya sabay lagok ng tubig"kuya total masipag ka naman diba?"
"Oo bunsoy kaya nga loves na loves ako ng ate Jane mo eh hehe"sabi nito habang kinikilig kilig pa. Kadiri talaga to si kuya, may paganyan-ganyan pa di naman bagay.
"Ayun naman pala eh, ikaw na din mag-hugas para mas loves na loves ka pa lalo ni ate Jane"saad ko at dali-daling tumakbo paakyat sa hagdan.
"Hoy bunsoy! Tsk! Inisahan mo nanaman ako!"
Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko habang tawa ng tawa, nang biglang mahagip ng mata ko ang computer ko kaya dali-dali akong umupo sa harap nun. Agad kong binuksan yung facebook ko at chineck kong may message ba sakin pero wala kaya humiga nalang ako sa kama at nag-taklob ng unan sa mukha.
"Hindi ko tiningnan kong nag-message siya! Hindi talaga!"pangungumbinsi ko sa sarili ko at tinanggal ang unan sa pag-kakataklob sa mukha ko.
"Tsaka bakit ko naman iisipin na nagmessage siya huh? Sino ba siya? Tsk!"
"Yiiiieehh si bunsoy! Ikaw na kasi unang magchat sakanya!"agad akong napabalikwas sa pag-kakahiga ng makita ko si kuya na nakalusot ang ulo sa loob ng kwarto ko. Shet nakalimutan ko pala i-lock yung pinto ko!
**
(Kinabukasan)
"Bessy nagawa mo yung assignment?"tanong sakin ni bessy.
"Oo. Ano hindi mo nanaman nagawa yung sayo noh? Ano pa bang bago Asra Faith.."sabay ikot ng mga mata ko sakanya.
"Parang ganun na nga hehehe. Bessy baka naman, pramis last na to mag-aaral na akong mabuti"pagpapacute niya sakin at nag-puppy eyes pa ang gaga.
"Oh. Sa susunod unahin ulit ang harot hah"sabay abot ko sakanya ng notebook ko sa english at Math.
"You're my saviour talaga bessy! I-treat ulit kita mamaya sa canteen"
"Kung suhol yan wag nalang Asra. Tapusin mo nalang yan at baka malate pa tayo"
Nasa loob kasi kami ng library ngayon at inaantay nalang namin magbell na hudyat na mag-uumpisa na ang klase. May ilang minuto pa naman kami.
"Waaahh! Nakakabobo talaga ang math!"reklamo nito habang nagsusulat. Ang kapal ng babaeng to.
"Makareklamo bessy ah. Ikaw nagsagot..ikaw?"
"Concern lang ako sayo bessy. Ramdam ko kasi ang pag-hihirap mo, ganun kita kamahal"
At nag-patuloy na ulit ito sa pag-susulat, pangongopya to be exact habang ako nagbabasa basa muna habang inaantay siya.
"Hi girls.."halos sabay pa atang napaangat ang ulo namin ni bessy sa boses ng nagsalita.
"Hi Lance endete ke pele"sabi ni bessy at inipit pa ang buhok sa gilid ng tenga niya. Anong nangyari dito? Parang nas-stroke talaga ang babaeng to pag nasa paligid si Lance.
"Ang sipag mo naman"papuri sakanya ni Lance na agad namang ikinapula ng pisngi ni bessy. Oo ang sipag, ANG SIPAG MANGOPYA.
"Small thing hihihi para sa future natin to"
"Hi Bhe Qouh Lhanq. Miss me?"agad akong napatingin sa bandang likod ni Lance. Kasama pala ang isang to. Ngising unggoy nanaman ang g*gu.
"Oh look the Monkey is Here. How's the jungle? Nagsawa ka na ba dun at napadpad ka dito"mapanuyang saad ko. Napansin ko naman sumama ang awra nito pero agad din napalitan ng malaking ngisi.
Umupo ito sa tabi ko at inilapit ang mukha sakin.
"Ako na ata ang PINAKAGWAPONG unggoy. Kiss mo nga ko Bhe Qouh.."mas lalo pa nitong nilapit ang mukha niya sa mukha ko at namalayan ko nalang na nakadapo na ang kamao ko sa mukha niya.
"Aah! F*ck! D*mn! Ang sakit!"asik nito na kinatawa ko.
"Mr. Herrera and Ms. Madrigal Go to Detention Room now!"
WE'RE DEAD!
**
"Kasalanan mo to eh!"bulyaw ko sa lalakeng kaharap ko na ngayon ay nagpupulot ng mga nagkalat na dahon habang ako naman winawalis ang mga basura.
"Ako pa ang may kasalanan ngayon? Look what you've done to my face! Ugh. Mukha akong panda sa ginawa mo!"lihim naman ako natawa dahil sa mukha niya, hindi ko naman akalain na napalakas ang pagkakasapak ko sa mukha niya kaya ayan, ang laki ng pasa niya sa mata. Mukha siyang Pandang half monkey.
"Manyak ka kasi. Tsaka don't blame me! Ikaw naman talaga ang may kasalanan noh"pagdepensa ko sa sarili ko.
"What ako manyak?! Crazy woman!.. Ugh fck! My face.."asar na sabi niya.
"Ugh fck my face.."panggagaya ko sakanya at humagikgik pa"Arte, magpulot ka na nga lang ng mga basura jan.. Tas mamaya sa c.r naman"
"Hell no! Bakit pati sa c.r?!"reklamo niya.
"At bakit hindi? Bingi ka ba o nagbibingi-bingihin ka lang? Diba nga ang sabi satin kanina. Linisin natin ang c.r, field at lumang building dun malapit sa music room"
Kung hindi rin kasi ungas ang lalakeng to, kasalanan niya naman talaga kung bakit andito kami ngayon sa sitwasyon na to. Ito ang punishment namin dahil sa ginawa namin ingay sa library kanina tas nahuli pa kami sa akto ni Mam Dumaplis nag-aaway kaya ito kami ngayon . Ugh kainis talaga!
"How about the old building? Do you think matatapos natin ngayong araw lahat ng to?"napaisip naman ako sa sinabi niya. Oo nga noh. May brain naman pala tong isang to.
"Edi bukas. Wag mong tangkain tumakas gigilitan talaga kita"pagbabanta ko sakanya.
"This can't be happening to me! Anak ako ng may ari ng school"galit na saad nito, nagulat ako ng bigla niya ako hawakan sa pulu-pulsuhan ko tsaka hinatak sa kung saan.
"Teka ano ba! San mo ba ako dadalhin?!"sandali naman siyang napatingin sakin saka nagsalita.
"To stop this kind of fcking punishment. They don't have the right to do this to me! I'm the grandson of the owner of this school!"agad naman nagpantig yung tenga ko sa sinabi niya. Eh kung tadyakan ko kaya balls nito?-_-.
Nung akma niya ulit akong hahatakin, agad kong inagaw yung kamay ko sakanya.
"Eh kung tadyakan ko kaya yang balls mo! Yang mukha mo tsaka ugali mo bagay, PAREHAS MAGASPANG! Hindi porket anak ka o apo ka ng may ari ng school na to may karapatan ka ng umasta-asta ng ganyan. Baka nakakalimutan mo nandito ka para mag-aral hindi para gumawa ng mga ka-walang kwentang rules mo! Have manners!. Masyado kang nasanay sa mga special treatment na binibigay nila sayo kaya lumalaki yang uli mo kasing laki ng......Mucles mo! Bakit hindi mo nalang tanggapin na may kasalanan tayo dito kaya tama lang sa'tin na bigyan ng punishment!"huminga muna ako sandali tsaka nagpatuloy ulit sa pag-sasalita"Hoy Aaron Raphael Herrera! Sa loob ng isang buwan natin dito ilang teacher, guard at pati janitor hindi mo pinalagpas na pinatalksik mo dito huh?! Hindi kana naawa, pano pala pag may pamilya pala na umaasa sakanila? Sana pumasok manlang sa kukute mo yun. Pwes kung ayaw mo akong tulungan sa paglilinis natin ng buong school edi wag! Kaya ko na to bahala ka sa buhay mo. Jan ka na nga, nagsasayang lang ako ng laway at lakas sayo.."
Sabi ko at iniwan siyang mukhang t*nga dun. Sana lang talaga tinamaan siya sa mga sinabe kong yun, aba halos walang hingahan ako dun ano. Hindi na ako magtatakha bukas kung wala na dun si Ms. L stands for Ms. Librarian pati yung sa detention room kanina na nag-bigay samin ng punishment dahil panigurado patatalsikin niya nanaman yun, madali nalang para sakanya yun. Hindi ko na alam kung ilang teacher ang pinaalis ng lalakeng yun sa school na to. Spoiled brat masyado!
BINABASA MO ANG
TERRIFIED
Umorismo"In a world full of wrong, you're the thing that's right" - - A story of a girl who doesn't believe in love. Ang babaeng takot pumasok sa mundo ng pagibig dahil takot ng masaktan pang muli. Until this man--Aaron Raphael Herrera came to her life, the...