Aaron Raphael's POV
Hindi ko na siya sinundan pa at naiwan akong nakatanga habang nakatingin sakanya na ngayon ay naglalakad na palayo.
Napahawak nalang ako pisngi ko na sinampal niya.
"Sh*t feeling ko tumabi mukha ko dun"sakit ng panga ko dun ah!
Nakita ko pang hila-hila niya ang mop at balde, napailing-iling nalang ako.
"Nice prank ang tanga ko talaga, sh*t! Hindi ko alam na matatakutin pala siya masyado"i said habang inaalala yung reaction niya kanina. Her tears, umiyak ba talaga siya? Ang lakas manghamon ng babaeng yun, duwag naman pala.
Kinuha ko nalang ang cellphone sa bulsa ko at diniall ang number ni Nathaniel. Ilang ring pa bago sinagot.
"Ang tagal mong sagutin, alam mong ayaw ko sa lahat ang pinag--"natigilan ako sa pagsasalita ng may marinig akong kakaiba sa kabilang linya.
[Aaahh.. Baby! Mmm..]
"G*go! F*ckboy ka talaga!"then i ended up the call.
May kinakanti nanaman ang g*gong yun.
Nakakailan ba na babae yun sa isang araw? Tss. Well! I don't care, it's not my bussiness anyway.
I diall Lance number.
RING.. RING.. RING..
[Hello! Oh bro napatawag ka?]
"Asan ka?"i asked.
[Kasama ko si Fatima bro. Wag ka munang mang-istorbo. Bye! *too* *too*]napamura nalang ako isip ko. Mga walang pakinabang talaga ang mga ugok pag kelangan na kelangan ko.
Babalik pa sana ako sa bar kaso tinatamad na ako. Uuwi nalang ako.
Bumalik ako sa parking lot nang hindi ko nakikita ang anino ng babaeng yun, asan kaya yun? Nagtelefort na siguro.
Pasakay na sana ako sa kotse ko ng makita ko siya sa waiting shed di kalayuan.
Pupuntahan ko sana siya kaso bigla namang may dumaang jeep. Oo! G*go, ang galing mong tuma-ming jeep ka.
Sumakay nalang ako sa kotse ko, nakahawak lang ako sa manibela habang inaalala yung nangyari kanina.
*Pak*
"Ano masaya kana huh? Ang saya saya mo nanaman dahil napagtripan mo nanaman ako. Lakad picturan mo ako tas ipakalat mo, mas maganda yun. Mas mag-mumukha akong katawa-tawa nun!"
"I didn't know--"
"I didn't know mo mukha mo. Mas lalo mo lang pinasama tingin ko sayo!"
Am i too much to her? Bakit ko ba iniisip yun, wala akong kasalanan, hindi ko sinasadya yun tsaka hindi ko naman alam.
Napabuntong hininga nalang ako bago pinaandar ang makina ng kotse ko.
Caren Jade's POV
"Hi bunsoy!--oh anong nangyari sa mukha mo?"bungad ni kuya pagkasok ko ng loob ng bahay.
"Wala kuya, hindi kana nasanay. Ganto talaga mukha ko pag nakikita ka"walang ganang sagot ko.
"Kung kunyatan kaya kitang bata ka? Ano ngang nangyari sayo?"
"Okay lang ako kuya, siksikan kasi sa jeep kanina tas may nakatabi akong may putok"pagsisinungaling ko, nanggigigil pa din talaga ako sa lalakeng yun. Sana wag ko siyang makita bukas--teka pwede ba yun CJ? Hello, magclassmate kaya kayo.
"Ah kaya pala mukhang nasabugan ng dinamita yang mukha mo. Sige kumain kana, katatapos ko lang kasi"
"Eh si mama?"tanong ko.
"Asusual nasa kwarto, tulog na ata"
"Pero kumaen na?"
"Hindi pa nga eh"
"Sige magbibihis lang ako tas gigisingin ko muna si mama para sabay na kaming kumaen"
"Wag na bunsoy"
"Huh bakit naman?"takhang tanong ko.
"Alam mo ba bunsoy kung anong petsa ngayon?"
"August 22?"hindi ko siguradong sagot, teka 22 nga ba ngayon? Hindi kasi ako pala tingin sa kalendaryo eh"bakit anong konek naman nun sa date ngayon?"
"Anniversary nila ni papa.."bigla akong natigilan, si papa? Sino yun? Hindi ko na kilala yun.
"Oh talaga? May tatay pa pala tayo.."kaya pala pansin ko kaninang umaga pa balisa si mama.
"Sige na kumaen kana dun"pag-iiba ni kuya ng usapan. Alam ko kahit hindi sabihin ni kuya nasasaktan pa din siya sa mga nangyari noon. Pero tapos na yun.
Umakyat muna ako para magbihis, nang mapadaan ako sa kwarto ni mama bigla akong napahinto sa paglalakad, medyo nakaawang ang pinto kaya hindi ako nahirapan silipin si mama.
Nakita kong yakap-yakap niya ang picture frame ni papa habang umiiyak. Ano ba ma, iniwan niya na tayo! Hindi na babalik yun, hindi dapat siya iniiyakan, hindi niya deserve yun!Lalapitan ko sana si mama ng maramdaman kong may humawak sa balikat ko, paglingon ko, si kuya. Umiling siya na sinasabing wag ko ng ituloy.
"Hayaan na muna natin si mama, bunsoy.."mahina niyang usal.
Tumango ako at sumunod kay kuya pababa ng hadgan.
"Wag na siyang magkakamaling bumalik pa dito, dahil kahit lumuha siya ng dugo hindi na siya makakatapak pa sa bahay na to"sabi ko nang punong-puno ng pagkamuhi--sa lalakeng iniwan lang kami para sa iba, makasarili.
"Tatay pa rin natin siya.."saad ni kuya habang seryosong nakatingin sa malayo.
"Hindi na kuya"iling ko.
"Hindi na magsimula ng piliin niya yung kabit niya kesa sa'tin.."
**
Short UD..
BINABASA MO ANG
TERRIFIED
Umorismo"In a world full of wrong, you're the thing that's right" - - A story of a girl who doesn't believe in love. Ang babaeng takot pumasok sa mundo ng pagibig dahil takot ng masaktan pang muli. Until this man--Aaron Raphael Herrera came to her life, the...