Chapter 4

12 0 0
                                    

"Sakay na wala ng dadaan na jeep dito, anong oras na oh"

Nawala yung kabang nararamdaman ko nang bumukas kotse at may dumungaw na feeling pogi.

May pashade-shades pang nalalaman ang kurimaw oh, chee! Ano tirik ang araw.

Pero teka, kanina pa umalis sa party to ah. Ano ginagawa niyan dito?

Tumingin ako sa orasan ko
"9:22 pm"pamimilosopo ko sakanya.

Narinig ko naman siyang bumuntong hininga.

"Sige na sakay kana bhabes"umiinit talaga lalo ulo ko sa lalakeng to lalo na pag-tinatawag niya akong baby o bhabes.

"Wag mo nga akong tawaging bhabes o baby. Hindi ako si bhabes at mas lalong hindi ako sanggol-__-"ani ko.

"Tsaka ayaw ko sumabay sayo baka imbis na sa bahay ang uwi ko, baka funeria pa deretso ko"wala akong tiwala sa mukha nitong lalake na to.

Nakita kong napapikit siya saka bumaba ng kotse niya at binuksan ang kabilang side ng pinto.

"Weather you like it or not ihahatid kita. I insist"ani nito at matiim akong tiningnan, dahil gaya gaya ako sinabayan ko rin siya sa pakiki-pagtitigan.

"I'm waiting"inip nitong sabi habang nakatingin pa din sakin.

Napatingin naman ako sa paligid at wala na talagang dumadaan na sasakyan. Kaya kahit labag sa loob ko at labas ko, padabog akong sumakay sa passenger seat. Pero bago pa ako makaupo narinig ko itong nagsalita.

"Hindi mo ako driver, dito ka sa harap maupo"talagang pinagiinit ng lalakeng to ang ulo ko. Sinamaan ko siya ng tingin at binunggo siya saka umupo sa shot gun seat.

"Happy na you? Sumunod kana dito sa loob bago ko maisipan itakbo tong kotse mong walang bubong"i heard him chuckled. Yung nakakaloko. At oo totoong open ang taas nitong bubong ng kotse niya kaya pag umulan tiyak papasukin tong loob ng kotse niya. Pacoolboy masyado. Pwe!

"Wear your seatbelt"kinapa ko naman sa gilid yung seatbelt at pinakatitigan to, pano ko kaya to kakainin--este susuotin? Jusko! Malay ko ba sa mga ganito.

"Tsk! Poor lady, ganito yan oh"ang yabang! May pa-poor poor lady pa.

"Ang yabang mo! saksak ko kaya sayo tong seatbealt mo"asik ko sakanya pero nginisihan niya lang ako. Kung hindi lang talaga ako nagmamadaling umuwi ngayon mas mainam na maglakad nalang ako pauwi kesa makasabay to.

Yung kotse niya, itong kotse niyang walang bubong. Pag-nakikita ko to gusto ko carnappin--este naaalala ko yung first day of school ko.

Tinalsikan niya lang naman ako ng putik nun, napakayabang niya kasi mag-drive hindi manlang tumingin sa paligid kaya yung uniform kong pagka-puti puti ayun naging dirty white. Hindi manlang nag-sorry ang hin@yupak. Nalate pa nga ako nun kasi bumalik pa ako sa bahay para mag-palit, wala kasi akong dalang extra nun.

"Baby naman kasama mo na nga ako iniisip mo padin ako"napatigil naman ako sa pag-mumuni muni nang marinig kong magsalita ang uwak.

"Whoo ang lakas ng hangin feeling ko tatangayin ako"

"Hahah natangay ka na ba sa kwagapuhan ko?"pag-mamayabang nanaman nito.

"Hindi. Pero pag hindi ka tumigil ibabalik na talaga kita sa planetang pinanggalingan mo. yabang"asar kong saad sakanya.

Tinawanan niya lang ako, bwesit to tuwang-tuwa pa samantalang ako gusto na lumipad sa inis sakanya.

Nakatawa lang siya buong byahe at aliw na aliw ang gagu sakin. Dun ko lang napansin may dimple pala ang mga tarsier. Ayy grabee mga bhe parang balun sa lalim. Try ko kayang hulugan ng piso?

TERRIFIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon