Aaron Raphael's POV
I'm the boss here, walang karapatan ang kahit na sino ang ganun-ganunin lang ako. F*ck, soon i'll be the next owner of this school!
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko to dial lola's number pero nakakadalawang ring palang to ng i-cancel ko din. Sh*t biglang nagflashback sa utak ko ang pinagsasabi sakin kanina ng babaeng yun, parang nagiging monster siya sa pandinig ko dahil paulit-ulit tong nagplay sa utak ko.
Nahilamos ko nalang ang mga kamay ko sa mukha ko dahil sa frustration na nararamdaman ko. Oh sh*t this feeling! Anong nangyayari sakin, why i letting myself na ganun ganunin lang ng babaeng yun? To clear things up, i don't like her, siya lang talaga nakikita ng mata ko para inisin at bwesitin nothing more. I love teasing her. Pfft, yung mukha niyang yun pag umuusok na ang ilong sa galit nakakatawa, sobra!
"Bro ano baliw lang? Kanina gigil na gigil ka diyan tas ngayon tatawa-tawa kana diyan. Yung totoo bro are you taking drugs?"-Khalil said at nilapit pa ang mukha sakin.
"Wag kang g*go diyan bro ah! Layo mo nga mukha mo sakin! Wag kang sumabay sa init ng ulo ko ngayon!"asar kong sabi sakanya.
Andito kami ngayon sa bar malapit sa restaurant na pag mamay-ari ng pamilya ko, after the scene a while ago hindi na ako pumasok pa sa next class ko at wala akong balak tulungan ang babaeng yun sa pag-lilinis ng buong school KO. No way! Sa kwarto ko nga hindi ko magawang mag-linis, dun pa kaya at sa sariling school ko pa talaga.
"Asan na yung iba? Ang talkshit talaga ng mga ugok na yun!"asar kong saad. Kahit kelan talaga ang mga g*gong yun masyadong pa V.I.P, pilipino time mga naman oh, tch!
"Si Lance ayun susunduin daw si Fatima baby niya, si vince at jonas naman daw on the way na, si Nathanie di ko alam kung makakasunod pero wag mo ng asahan yung ugok na yun dahil panigurado andun nanaman sa kandungan ng mga babae niya, ang landi talaga ng h*yop na yun!"
"Sinong malandi?"
"Yow yow wazzup mga tol!"
"Let's party!"
Napalingon ako sa likod ng makita ko tatlong ugok na halos magkakasunod lang pala dumating.
After 1 hour
Nasa kalagitnaan kami ng kasiyahan ng may maalala ako, naka-uwi na kaya yung babaeng yun? O baka nasa school pa din hanggang ngayon para sa punishment namin? Bakit niya pa kasi kelangan sundin yung parusa samin..
"Oh bro san ka pupunta? Samaaa!"sinamaan ko lang ng tingin si Khalil at lumabas na sa v.i.p room na kinuha namin.
Nakita ko pa si Nathan na napapaligiran ng mga babae niya, kininditan lang ako nito at ngumisi ng kakakaloko na as if alam niya kung saan ako pupunta. S*ra ulo!
Pumunta na ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko saka pinaandar sa direksyon pabalik sa school.
Nang makarating ako sa school wala na ako masyadong studyanteng nakikita, hindi rin naman ako nahirapan pumasok, the guard didn't bother to ask me kung bakit ako bumalik.
Sa lumang building muna ako pumunta baka nandun siya at baka naglilinis pero wala.
Halos nalibot ko na ang buong school pero ni anino niya hindi ko nakita. I think nakauwi na siya, kaya lang ako bumalik just to help her, okay fine i know kasalanan ko din naman eh kaya andito ako bumalik at hinanap siya, yun lang. Nang pabalik na ako at mapadaan sa c.r parang may napansin akong tao dun kaya bumalik ako, dahan-dahan lang akong nag-lakad. Sandali akong sumilip sa c.r ng girls nang may makita akong babaeng nakaluhod at parang may pinupunasan sa isang cubicle ng c.r. H*ll no! Kala ko ba nakauwe na tong babaeng to? Tsaka f*ck hindi ba siya nandidiri jan?
Nang mapansin kong patayo siya kaya agad akong nagtago sa gilid, sa labas ng c.r.
Biglang may kalokohang pumasok sa utak ko.*smirk*
Caren jade's POV
Nang matapos ang klase namin ay agad na akong nagpaalam kay bessy at tumungo naman sa c.r.
Hindi para manalamin, umihi, makiligo o dumumi kundi para mag-linis. Kabog ang lola niyo ngayon-_- ako muna ang C.r queen niyo.
Kumuha ako ng balde at basahan para pampunas, ang sakit sa bangs nito. Mabuti nalang talaga hindi mabaho ang c.r dito sa girls pero ngayon pa lang kelangan ko na mag dasal-dasal dahil panigurado ang bagsik ng amoy ng c.r ng mga boys.
Bwesit kasi yung lalakeng yun! Tumakas! Hindi nag-pakita sa klase kaya tumakas nga! I really hate him!
May limang cubicle dito, so limang cubicle ang lilinisin ko dito. Kaya mo yan CJ! Isipin mo nalang nasa bahay ka ni kuya at ito ang task mo, nakasalalay sayo ang weekly budget niyo!
Nang makaramdam na ako ng pagod tumigil muna ako sandali at tinanggal ang gloves sa kamay ko, chineck ko sa cellphone kung anong oras na, 6:30pm. Kaya pala wala ng masyadong studyanteng nag-dadaan ngayon anong oras na din pala. Kanina habang nag-lilinis ako hindi maiwasang pag tinginan ako, pero paki ko sakanila kuko ko lang sila. Mas malinis pa nga kuko ko sakanila kung tutuusin eh-_-.
Bigla akong nakaramdam ng kaba ng mapansin ko na namamatay matay yung ilaw.
"Hindi kaya papundi na tong bumbilya dito?"pagkausap ko sa sarili ko. Hindi pa rin to tumigil sa pag kurap-kurap at nag-mistulang christmast light.
"M..may tao ba jan?"naiiyak na ako sa takot, ayoko ng ganto."H..hindi na nakakatuwa ah, sino ba kasi yan?"lord help naman jan promise sa linggo mag sisimba na talaga ako.
Mas lalo pang nadagdagan ang kaba ko ng makarinig ako ng kalabog ng pintuan na mukhang galing oa sa c.r ng boys. Nanlalambot na ang tuhod ko sa takot kaya bigla nalang ako napaupo.
"*sob* tulong!"oo matapang ako pero pag sa gantong bagay nanghihina ako, ito ang pinakaayaw ko sa lahat. Naalala ko noon nung bata ako, nung tinakot ako ng mga batang nang-aaway sakin buti nalang may batang tumulong sakin at agad akong inuwi sa bahay habang wala akong tigil sa pag-iyak. kinagabihan din nun agad akong nilagnat kaya muntik na talagang mapaaway nun si mama. kaya simula nun ayaw na ako pinapanuod ni mama ng horror movies o kung ano pa man.
"I'm sorry.."namalayan ko nalang na may nakahawak sa balikat ko, inangat ko ang ulo ko at tiningnan kung sino yun, medyo nanlalabo ang mata ko dahil sa luha.
T..teka bakit kamukha niya? Bakit kamukha niya yung kababata ko? P..aanong?
"Cj i'm sorry i didn't know.."agad akong natauhan ng mag-salita ulit ang lalake sa harap ko, medyo lumilinaw na din ang paningin ko, namalikmata lang pala ako akala ko siya na.
"Okay ka lang ba? Sorry--"
*Pak*
Agad ko siyang binigyan ng isang malakas na sampal.
"Ano masaya kana huh? Ang saya saya mo nanaman dahil napagtripan mo nanaman ako. Lakad picturan mo ako tas ipakalat mo, mas maganda yun. Mas mag-mumukha akong katawa-tawa nun!"hanggang kelan ba sisirain ng lalakeng to ang araw ko, kelan ba mawawala sa landas ko to?
"I didn't know--"
"I didn't know mo mukha mo. Mas lalo mo lang pinasama tingin ko sayo!"pinunasan ko ang luha ko sa mata ko tsaka kinuha yung mop at balde. Bukas ko nalang pala itutuloy ang pag-lilinis dito pati sa lumang building, andito pa kasi tong lalakeng to baka masampal ko lang ng balde to.
Nagmadali na ako at binalikan ko yung mga gamit ko sa locker area.

BINABASA MO ANG
TERRIFIED
Humor"In a world full of wrong, you're the thing that's right" - - A story of a girl who doesn't believe in love. Ang babaeng takot pumasok sa mundo ng pagibig dahil takot ng masaktan pang muli. Until this man--Aaron Raphael Herrera came to her life, the...