Andito kami ngayon sa kwarto ko kasama si Asra. Aalis kasi kami ngayon, nagpapasama kasi siya sa mall bumili ng regalo para sa daddy niya. Birthday kasi ni tito Greg ngayon.
Buti pa siya may tatay na mabibilhin ng regalo, mababati tuwing father's day.
Eh ako? Ayun sumama lang naman sa ibang babae ang magaling kong tatay."Hoy! Tulala kana jan"nabalik lang ako sa wisyo ng bahagya akong tapikin ni Bessy sa braso.
"Huh? Ano nga ulit sinasabe mo?"
"Sabi ko tara na, para makabalik din kaagad tayo. Tutulong pa ako para sa surprise kay daddy"
Lumabas na kami ng kwarto at nagpaalam muna kay mama bago umalis.
"Mama alis na po kame"paalam ko kay mama.
"Mag-iingat kayo"
"Nga po pala Ma si kuya nasan?"tanong ko nang mapansin kong mag-isa lang siyang kumakaen sa kusina.
"Kasama ata ang ate Jane mo anak may date ata sila ngayon"
"Ah ganun po ba, mag-brebreak din yun"natawa naman si mama sa sinabe ko. Seryoso kaya ako sa sinabe ko.*pout*
Kilala ko kasi si kuya, hindi naman sa sinisiraan ko siya. May pagka maloko kasi talaga yun pagdating sa mga babae kaya minsan napag sasabihan ko yun eh.
Pero ang lagi niya namang depensa sakin
iba na to bunsoy, pang seryosohan na to. maloko man ako dati pero nung nakilala ko ate jane mo nag-bago ang lahat. kaya ikaw bunsoy wag kang bitter, maloko man ang mga lalake may mangilan ngilan pa din mga katulad kong nag-tino.
Shet korni nang kapatid ko.
"Girl ah pumunta ka. Wala akong kausap dun mamaya, aantayin kita kagaya ng pag iintay ko kay bebe Lance hihih"
Andito na din kame ngayon sa mall habang nagiikot at nag-hahanap ng pwedeng pang regalo sa daddy ni Bessy.
"Subukan ko makapunta"sagot ko sakanya.
"Eh nangako kana kaya sakin. Wala ng bawian yun kundi pauulanan ko ng kanyon yang bahay niyo. Tsaka i heared pupunta yung mga kabatchmate nung highschool ni daddy, baka kasama yung mga anak nila malay mo may matipuhan ka"
"Wag ka ngang bugaw, ba't ba pinipilit mo akong magka-lovelife?"asar kong tanong sakanya.
"For experience lang hahah nagmumukha ka ng bitter"ewan ko kasi sa babaeng to nakailang boyfriend na pero walang nag-tatagal.
Pero lage naman niyang sinasabe sakin
"Pero ito si bebe Lance pag naging kame nito ayy teh may forever na"
Oo nalang ako.-__-
Pag-katapos namin makabili umuwi muna ako sa bahay, mamaya pa naman kasi simula ng party sa bahay nila Bessy. Nag-dadalawang isip nga ako kung pupunta ako baka kasi sobrang dami ng bisita hassle yun, hindi ako sanay sa mataong lugar.
Pero sabi sakin ni Asra yung mga friends at kasosyo lang sa negosyo ng daddy niya ang pupunta at hindi sure kung kasama ang mga anak nila.
At ayun ang bruha excited na excited kasi isa sa mga kaibigan ng daddy niya eh tatay ng bebe Lance niya, balak niya nga daw mag-suot ng best gown ever eh
BINABASA MO ANG
TERRIFIED
Humor"In a world full of wrong, you're the thing that's right" - - A story of a girl who doesn't believe in love. Ang babaeng takot pumasok sa mundo ng pagibig dahil takot ng masaktan pang muli. Until this man--Aaron Raphael Herrera came to her life, the...