Chapter 3

111 7 1
                                    

Dumating ang uwian nang hapong iyon. Hinintay kong lumabas si Ejay. Di nagtagal, nakita ko rin ang papalapit na pigura niya.

"Ejay!" tawag ko sa pangalan niya. Lumingon naman siya.

"Uy, ikaw pala Teng. Bakit?"

"Itatanong ko lang sana kung libre ka sa Sabado."

Gumuhit ang pag-aalinlangan sa mukha niya. "Ahm, hindi ako sure..."

OKAY. Time for plan B, a.k.a., "gamitan ng charms."

"Payag ka na. Enchanted Kingdom tayo!" ngiting-ngiti na sabi ko sa kanya at iwinagayway ang dalawang ticket sa harap ng mukha niya.

"Enchanted Kingdom?" nakangiting tanong niya.

YESSS! Gumagana ang Plan B!

"Oo, eto na nga yung tickets diba?"

Naging excited bigla ang hitsura niya.

"O sige, payag na ako. Matagal-tagal na rin kasi mula nang makasakay ako sa ferris wheel."

Nahintakutang tumitig ako sa kanya.

"F-f-ferris w-w-wheel? feeris wheel ba, kamo?" tanong ko.

O.M.G.

Nanghihinang umupo ako sa isang bench.

"Oo. Teng, may problema ba? Namumutla ka, oh." pansin niya.

Ferris wheel.

Gusto ni Ejay sumakay sa isang ferris wheel.

Nanginig ako.

May phobia ako sa ferris wheel!

"Ah, w-wala naman."

"O sige. So pano yan? Kita-kita na lang sa Sabado."

Tumango ako at pilit na ngumiti. "S-sige..."

Patay.

LORD, HEEEEELP!

Ferris WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon