Chapter 5

125 6 1
                                    

"Teng?" tawag ni Ejay.

"Bakit?" pikit-matang tanong ko.

"Ahm, ayos ka lang ba?"

"Oo, ayos lang ako! Hindi nga ako natatakot na mahulog sa ferris wheel na 'to at mamatay nang hindi nararanasan ang maging bilyonaryo, eh! Hindee!"

"Takot ka ba? Sabihin mo lang..."

"Eh sa hindi nga! Ang kulit mo! Kalmutin kita diyan, eh!" bulyaw ko, pikit pa rin ang mata. Ninenerbiyos na talaga ako. At mas lalong umaandar ang pagka-butangera ko tuwing ninenerbiyos ako.

"Buksan mo mata mo." mahinang sabi ni Ejay.

"Ayoko nga!"

Please, Lord, wag niyo po muna akong papatayin...

Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko. Dahil sa pagkagulat, minulat ko ang mga mata ko.

WRONG MOVE!

Dahil nasa tuktok na kami ng ferris wheel, putek!

Pumikit ako ulit at napayakap ng wala sa loob kay Ejay.

"Ngiiiiii! Ayoko pang mamatay, Ejay! Bata pa ako!"

At ang herodes na kasama ko, tumawa pa. >_<

"Nakakapikon ka na Eja--"

"Tingin ka dun, oh. May maganda dun." aniya at may tinuro na kung ano sa harapan namin.

"Ako lang ang maganda dito! Saka Smokey Mountain lang naman ang nandoon--"

Hindi ko inasahan yung sunod na ginawa niya.

Bumulong siya sa may puno ng tenga ko.

"Magugustuhan mo ang makikita mo, promise."

Binuksan ko ang mata ko.

Nakangiting mukha ni Ejay ang bumati sa akin. Biglang parang may dumaklot sa puso ko, at may nagkarerahang kabayo sa dibdib ko.

Uy.

Bago yun, ah.

Meganon?!

"Tingin ka dun." wika niya.

Dahan-dahan akong lumingon at namangha sa nakita ko.

"Wow..."

Ferris WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon