Dumating ang araw ng Sabado.
Excited ako, pero medyo nasira ng takot ang excitement.
Ganito ang eksena namin ni Ejay:
"Teng, dun tayo sa may ferris--"
"Bump car tayo!" putol ko sa sasabihin niya.
After 10 minutes...
"O yan, eh. Tapos na tayo sa bump car. Tara sa ferris w--"
"Dun muna tayo sa magic carpet!' sabi ko at pumila sa booth.
Pagkatapos nun...
"Uy, Ejay, i-try natin yung House of Horror nila," wika ko.
"Pwedeng dun muna sa f--"
"Halika na, bilis! Hahaba na ang pila!" nilagpasan ko siya at naglakad patungo sa House of Horror.
Maghapon na kami ni Ejay sa Enchanted Kingdom, pero hindi pa kami nakakasakay sa ferris wheel.
Ang galing ko!
Gumawa kasi ako ng listahan ng contingency plans, eh. Muhahahahaha~
Tuwing maiisipan ni Ejay na magpunta sa ferris wheel, hinihila ko siya sa iba pang ride o kaya naman'y inaaya siyang kumain.
Wais ata to, pare!
Pero may isa pang problema.
Katatapos lang naming kumain, at naubusan na kami ng rides na masasakyan...
Maliban sa ferris wheel.
*dun dun dun dun!*
Naloko na.
Anong gagawin ko?!
Hoy, utak! Gumana kaaaa!
"Tara! Ferris wheel na tayo!" sabi ni Ejay at marahang tinulak ako papunta sa booth.
Ang masama pa,
Walang nakapila.
LETSE!
"Ejay, teka lang! Mag-iinternalize muna ako..." wika ko.
Pero hindi niya narinig.
Pinakita niya ang unlimited pass bracelet naming dalawa, at wala na akong nagawa.
"Alright! Eto na!" masayang sabi ni Ejay habang inaalalayan akong umupo sa ferris wheel.
Nang makasakay ako, umandar agad ang ferris wheel.
Halos mabali na ang bakal na hawakan sa higpit ng pagkakahawak ko.
"Lord, wag niyo muna akong papatayin, sige na naman po... Bata pa ako, marami pang kailangang gaiwn... Masamang damo ako, oh? Diba? You know? Sige na naman po, Lord..." bulong ko sa isip ko habang nakapikit.
Ako: (*__*)
Ejay: \(^O^)/
BINABASA MO ANG
Ferris Wheel
Teen FictionMaganda, matalino at sikat ka nga, pero kamusta naman love life mo? Fail pa rin ba? Meet Teng, ang pinaka-cool na babae sa buong Pilipinas. Dahil sa pagtataksil ng boyfriend niya sa kanya ay nakipagbreak siya dito. Bitter effect tuloy siya, at nawal...