Chapter 10

113 6 4
                                    

Isang linggo na ang lumipas. Dalawa. Tatlo.February na naman. Ang bilis talaga ng oras.

Ang pagkakaalam ng pamilya ko, "kami" na ni Drew a.k.a. Kupido.

Maliban kay ate Cyan, dahil sinabi ko sa kanya lahat-lahat, magmula nung nagkita kaming muli ni Ejay. Alam niyang hindi talaga "kami" ni Drew. Nag-alangan pa nga siya sa plano namin,, eh.

"Sigurado ka ba sa ginagawa mo, Teng?" tanong niya. Nakaupo kami nun sa sofa sa bahay, kasama ang boyfriend niyang si Kuya Blue at siyempre, si Drew.

"Ate, sabi mo sa akin dati, all is fair in love and war, diba?" balik-tanong ko sa kanya.

"Oo, alam ko, pero ano namang mabuti ang mangyayari sayo dito?"

Napatigil ako.

Ano nga bang mabuting mangyayari sa akin dahil dito?

Sumagot si Drew. "Alam ni Teng kung anong ginagawa niya, Ate Cyan. Tsaka andito naman ako ara tulungan siya,"tapos nginitian niya si ate. Sa ilang araw na napapasyal siya sa bahay, nagkahulihan sila ng loob ni ate at agad na naging magkaibigan. We have a lot in common, sabi nga ni ate Cyan.

"Hayaan mo na sila," sabad ni Kuya Blue. "I'd like to see how this comes out."

"Nakuuuu, ayan ka na naman sa English-English mo, ha!" sabi ni Ate Cyan at dinutdot ang daliri niya sa tagiliran ni kuya Blue. Tinaasan lang siya ng kilay ni kuya. Tumawa si Drew at napangiti naman ako. Ang cute kasi nilang dalawa.

Pero naglaro pa rin sa isip ko yung tanong ni ate.

Anong kabutihan ang magagawa sa akin nitong ginagawa ko?

Eventually, nalaman din ng buong eskuwelahan na "kami" na ni Drew.

Pati si Ejay.

Magmula nang ianunsiyo ko sa buong school na kami na ni Drew (pero siyempre, kebs lang yun), halos hindi na ako kibuin ni Ejay.

Walang "hi" pag nagkakasalubong kami.

Walang "excuse me" kapag nagkakabanggaan kami.

Walang wala.

Isang araw, nilibre ko si Drew sa KFC Katipunan. Andun si Ejay, may kasamang babae.

Ayun, badtrip agad ako. Paano ba namang hindi, eh likod pa lang, mukhang kokak na yung babae. Putek! Mas matino pa nga kung ikukumpara yung ikod ni Kerokeropi kesa sa kanya, eh!

"Kups." tawag ko kay Drew. Kups, short for Kupido. Agad naman niya akong nilingon, tapos umakbay sa akin.

"Yes, boss?"

"Dun tayo sa table malapit kila Ejay," bulong ko.

Ngumisi siya. "Roger," at iminartsa ako sa mesang katabi mismo ng table nila Ejay.

Tumayo si Drew para mag-order. Sakto namang tumayo rin yung babae.

Sa ilalim ng mesa, pinagkiskis ko yung mga palad ko.

Hee hee hee. Excellent.

Ferris WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon