"Plan B?" ulit ko sa sinabi ko. "At ano namang Plan B yan, aber?"
"Pagseselosin natin siya." sabi ni Kupido habang nakangisi.
Ako: f(O_o)
Kupido: (^__^)b
"Ang corny naman nun!" sabi ko, nakabusangot.
Tinapik-tapik niya yung sentido niya. "Sus, maniwala ka. Gagana to."
"Sigurado ka jan, ah?" tanong ko.
Tunog desperado ka na teh. sabi ng isang parte ng isip ko.
"Oo, sigurado! O ano, tara sa canteen!"
"Anong gagawin natin dun?"
Bumuntong-hininga siya. "Magpaplano na tayo para sa tanghalan natin." mabagal niyang sinabi ang bawat salita. Parang elementary tuloy ako na hindi makaintindi ng simpleng instructions.
"Whatever. Tara na."
Tapos bigla niyang hinawakan yung braso ko at pinag-link sa braso niya.
Ako: (?_?)
Kupido: (ô_ô)
"Bakit ganyan ka kung makatingin?" untag ni Kupido.
Aynako, bakit ko ba tinatawag na "Kupido" itong lalaking ito? Hindi naman sila magkahawig. Letse.
"Wala. Tara na, nagugutom na ako!" sabi ko.
----------
Pagpasok namin sa canteen, nakita ko agad si Ejay, may kasamang babae na sinusubuan siya ng pagkain. Nagtama ang paningin naming dalawa. Biglang humigpit ang hawak sa akin ni Kupido.
"Wag mo siyang titignan. Ako na ang bahala sa iyo," bulong niya sa akin.
"S-sige." alanganin na sagot ko, at umiwas ng tingin kay Ejay.
Pagkatapos naming bumili ng pagkain ay umupo kami sa isang bakanteng mesa ilang metro ang layo sa kanila. Pinaghila naman ako ni Kupido ng upuan bago siya umupo.
"Salamat." wala sa loob na wika ko.
"Welcome." sabi naman niya.
"So paano na?" sabi ko habang ngumunguya ng sandwich.
"Simple lang naman ang gagawin natin."
"Ano nga? Masyado ka namang pasuspense, dre." iritadong sabi ko.
"Magpapanggap akong nililigawan kita, at magpapanggap ka naman na malapit mo na akong sagutin."
Muntik ko na maibuga yung kinakain kong sandwich sa kanya.
"ANO?!" nag-echo ang sigaw ko sa buong canteen.
Nagsilingunan lahat ng tao sa amin, pati si Ejay. Napapahiyang tumawa na lang ako.
Awkward. >_<
"Pwede mo bang hinaan boses mo? Gusto mo yatang malaman ng buong school ang plano natin, eh?"
"Sorry, sorry. Sige, tuloy mo lang sasabihin mo."
"Tulad nga ng sabi ko, magpapanggap tayong nagliligawan. Easy lang yun. Basta i-expect mo ng susunduin at ihahatid kita sa inyo araw-araw, at lagi mo akong makakasama." sabi ni Kupido at kumagat rin sa sandwich na binili niya.
"Grabe naman yan! Bantay sarado ako? Pano naman yung iba pang gustong manligaw sa akin?" reklamo ko.
"Hayaan mo muna sila! Makakahintay yung mga yun! Besides, si Ejay naman ang gusto mo, diba?"
Nag-blush ako. Parang hindi pa rin ako sanay sa katotohanang sa maikling panahon ay lumalim ang pagkagusto ko kay Ejay.
Dali-daling tumuwid sa pagkakaupo si Kupido.
"Papunta si Ejay dito." bulong niya.
"Ha?! P-pero teka, anong gagawin ko?"
"Basta maging sweet ka lang sa akin. Akong bahala."
At nakalapit na nga siya sa amin.
"Hi, Teng. May bago ka yatang kasama?"
Huminga akong malalim.
Time to unleash my acting skills!
BINABASA MO ANG
Ferris Wheel
Teen FictionMaganda, matalino at sikat ka nga, pero kamusta naman love life mo? Fail pa rin ba? Meet Teng, ang pinaka-cool na babae sa buong Pilipinas. Dahil sa pagtataksil ng boyfriend niya sa kanya ay nakipagbreak siya dito. Bitter effect tuloy siya, at nawal...