Chapter 7

112 7 2
                                    

Nagpupuyos na naglakad ako papunta sa canteen.

Badtrip ako ngayon.

Magmula nang araw na magpunta kami ni Ejay sa Enchanted Kingdom, lagi ko na siyang inaayang lumabas.

"Ejay, labas tayo."

"Ejay, nood tayo ng basketball game."

"Ejay, kain tayo, libre kita."

Pero ang sagot ng kurimaw,

"Busy ako, Teng."

"May practice kami mamaya, Teng."

"May lakad kami ni Gayna, eh. Sorry, Teng."

HAY.

Tuwing iniimbita ko siyang lumabas, lagi na lang siyang tumatanggi. Mukhang iniiwasan din niya ako. Nakakaasar na nga, eh. Kaya kinumpronta ko siya kanina.

"Hoy, Ejay. Bakit ayaw mo na lumabas kasama ako? Iniiwasan mo ba ako?"

Malungkot siyang ngumiti. "I can't."

Naaburido ako. "Bakit nga? Anlabo mo, eh."

"It would be best if we remain this way. Walang masasaktan." aniyang tumalikod at iniwan ako.

Naalala ko pa lang yung sinabi niya kanina, umiinit na ang ulo ko. Ganun na lang yun? What the hell!

"Hi. Mind if I share a seat?"

Lumingon ako. Si "Kupido" I-forgot-his-name ang nalingunan ko. Saka lang siya umupo nang tinanguan ko siya.

"So... What's the score between you and Ejay now?" tanong niya.

Tumigil ako sa pagsimsim ng juice.

"Buwisit siya. Ang saya na nga ng date namin nung sabado tapos lalayuan lang niya ako? ano yun, lokohan?" reklamo ko.

Tinaas ni "Kupido" ang mga kamay niya. "O, relax ka lang. May plan B tayo."

"Plan B?" napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

Ferris WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon