si bes, ang pader at ang cellphone

2 1 0
                                    

"Bes, may pagkain ka pa ba? Naubos na yung akin eh." tanong ko kay Clara.

"Wala na bes. Inubos mo na din eh." sagot sa akin ni Clara.

"Mara, may aaminin ako sayo. Tutal parating na Sir and baba ka na din naman sa room mo, sasabihin ko na." sabi ni Clara sa akin.

"Ano yun?" tanong ko sa kanya.

"Pinag-tripan ko kasi yung cellphone mo kanina habang nag-chacharge doon sa room niyo. Pinalitan ko yung lockscreen wallpaper mo."

"Ha?"

"Yung picture ng ex-crush mo yung ipinalit ko."

"Hell no?!"

"Hell yes!"

Dali-dali akong tumakbo pababa dahil feeling ko makikita nila yung lockscreen ko and papunta narin si Sir sa room nila.

Pagkababa ko ng stairs dumiretso ako sa may room namin and then nakita ko si ex-crush na papalapit sa may saksakan. Huhugutin na yung phone ko dahil wala ng space sa may outlet.

"No! No! No! No! Noooo!" sigaw ko habang tumatakbo ako papunta sa may saksakan.

Ang saksakan pa naman ay sa may pinakadulong gilid ng room namin.

Malapit na ako sa may saksakan ng madulas ako dahil sa tubig na tumagas mula sa aircon ng room. Dahil doon, dire-diretso ako papunta sa may pader kung saan nakalagay yung outlet.

Suddenly,

"Boom!" nabangga ako sa may pader. Nauna yung ulo ko. Buti na lang nakuha ko yung phone ko bago ako na nabangga.

Natumba ako after nun.

Nagtawanan yung mga kaklase ko dahil nakita nila yung kagagahan ko.

"Tanga ka ba?" tanong ng ex-crush ko.

"Tignan mo, nauntog na nga, natanga pa!" sigaw ng classmate ko. Shit. Nakatulong ka talaga bes.

----Author's* message-----

Hi! Ngayon lang ako nag-update dahil ngayon lang ako sinipag.

Ang korni ng gawa ko kasi ang korni ko talaga. Yun lang. Ang utak ko kasi ay gumawa lang ng snippets ng isang scene so kapag ginagawa ko na siya, doon na siya kumokorni.

Antayin niyo na lang yung update ko sa 2017. Or ngayong late 2016. Depende kung napag-tripan**.

*Hindi ako author.
**So unprofessional

Pop.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon