dear ipad (the third)

1 1 0
                                    

Dear iPad,

Ano bang feeling ng in-love? Gaano ba kasakit ang ma-heartbroken? Hindi ko alam eh. Hindi ko pa talaga na-feel kahit mag-kacrush man lang. Wala talaga kahit kick lang ng hormones, wala! Nag-uundergo naman ako ng puberty.

May mga bes ako na medyo maharot talaga. Ewan ko ba diyan? Malakas daw ang tama ng hormones.

Yung isa naman ay kinikilig habang kinukwento na nagchat daw sila ng "bebe" niya. Lakas magsabi ng bebe, hindi naman kinder ang nilalandi. Haynako!

Ito namang isa, inistorbo ako sa pag-eenjoy ko ng siesta moment ko sa bahay. Tumawag ng bongga sa cellphone ko. Bwisit. Sa susunod nga bubuksan ko nga yung Do Not Disturb para at least may purpose yang feature na yan!

Pinapapunta naman ako ng bes sa bahay nila. Bago ko pa narating yung bahay, naririnig ko na humahagulgol siya kabilang bahay. Realtalk. Pagpasok ko, umiiyak habang lumalamon. (Totoo! Nakaubos ng 3 pint na ice cream!)

Ikinuwento sa akin niya na nagbreak na sila ng "panget" niya. Nalaman daw kasi nung nanay ng boy. Ayun pinalo sa pwet at pinagbreak silang dalawa. Gago pala tong mga ito! Hindi pala pwede, tinuloy pa!

"Gago ka pala eh! Hindi pala kayo pwede tapos ganyan. Tinuloy niyo parin! Haynako!" sabi ko sa bes ko. Gago ka siya eh. Ayun. Lalo lumakas yung hagulgol.

"Stop acting like you know my pain. Stop acting like you own it." sigaw niya sakin. Napaatras ako dahil may tumalsik na ice cream sakin. Hala! Lakas makasigaw nito ni ateng. Diba niya alam na may natutulog sa kabilang bahay? Sigurado ako na kanina pa yung gising.

"Hindi ko alam yang pain na sinasabi mo at hindi ko inaangkin yang pain mo. Ano ako tangek? Bes, hindi ako stressball!" Ayun! Hagulgol pala lalo. Sabi ko na lang na sasamahan ko na lang siya. Basta pakakainin niya ako.

Buti na lang iPad na natandaan ko pa yung linyahan namin. Pak ganern siya gumamit pa ng quote sa movie. Copyright yun ha!

Natapos na ang pag-iiyak niya. Umuwi na ako ng basa at busog. Habang naglalakad ako kanina napaisip ako kung ano yung feeling na yun? At kung mangyayari sa akin? (Wag naman sana.)

So ayun nandito ako iPad nagkukwento sayo about sa ka-ignorantehan ko about sa love na yan. Hindi ko alam kung masaya or masakit or baka both.

Alam mo ba iPad. Makikinig na ako ng radyo para mapagaralan yan. Sana may matutunan ako. Magsisimula na pala yung show. Bye.

Walang alam sa love,

Ateng Cute.

Pop.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon