dear ipad

4 1 0
                                    

Dear iPad,

Hindi ko lubos maisip itong nangyari sakin. Kaloka bes! Alam mo ba yung feeling na yung taong matagal mo nang iniwasan at nangiwas sayo ay bumalik bigla. Actually, M.U na kami dun. At least dun, M.U kami. M.U sa pag-iwas sa bawat isa.

Ganito kasi yun eh. Ito talaga yung nangyari. Hindi ko inexpect. Totoo bes. (Andami ko na palang nilagay para sa intro.)

May nakita akong letter sa locker ko. Pak! Ngayon lang nangyari na may naglagay ng letter kasi ako yung naglalagay. Hihihi!

Oh ayan! Ito yung sinabi.

-------
5 pm. Room 23B. Attendance is a must.
------

Ano ba to? Meeting? May pa-attendance is a must pa! Nung nakita ko yung letter, napaisip ako kung sakin ba talaga to. Wala naman akong sinalihan na mga clubs or mga ganoong tsenes. Kung may sinalihan naman ako is may magsasabi na lang na lang sakin. Napaisip talaga ako. Tignan mo, nag-iisip na pala ako. Pak ganern talaga yang letter na yan! Nakakatrigger ng utak.

So ito na nga, ang dami ko pang tsenes. Uwian na namin ng 4 pm kasi yun talaga yung uwian namin. Talaga to! May 1 hour pa ako para mag-ayos. Inayos ko yung makalat kong locker. Nakipag-usap pa sa mga bessss ko. (Mga ahas kasi yun! Tsarot lang mga bes baka awayin niyo ako eh.) Sa dinadami kong ginawang walang kwentang bagay, nalate pa ako.

Pumunta na ako ng sa room 23B.

Madilim yung room. Dito ba talaga to? Baka tinitrip lang ako mga tao.

Pumasok ako ng room tapos binuksan ko yung ilaw. Alangan! Paano ka makakakita kung madilim?

Pagkabukas ko ng ilaw, may biglang nagsalita.

"You're late." sabi ng lalakeng may magandang boses. Nagulat ako dun. Tinaas ko yung kamay ko parang mag-kakarate lang. Akala mo naman marunong magkakarate. Lumingon ako sa pinag-galingan ng boses.

"Oh, ikaw pala yan, Dan. Pak ganern ka! May pa-you're late ka pang nalalaman. Alam mo ba ibig-sabihin niyan?" sabay baba ng kamay. Napakamot na lang siya ng ulo. Punyatera talaga ako eh. Panira ng dramatic scene ni Kuyang!

Tinanong ko kung bakit niya ako pinapunta dito at kung ako ba yung pinapapunta niya. Ako nga talaga yung pinapapunta niya. Sinabi niya sakin kung bakit. Hindi ko na matandaan yung mismong sinabi so ibubuod ko na lang.

Sabi niya sakin na ganito. Medyo conyo pa siya. Pak ganern siya ha! Gusto ayusin yung mga bagay-bagay tulad ng amin. Napapaisip kasi siya kung bakit hindi niya ako inapproach nung una palang. Nung panahon na pinipilit kong ayusin ang mga pangyayari. Madami na daw akong pinagbago. Medyo mahiyain daw ako pero ngayon outgoing na ako ngayon. Napuna niya din ang pagbabago ng itsura ko na dati na medyo nerdy ngayon on fleek na. At sabi niya na nakikita niya na ang totoo ako.

Ito naman yung mga sinabi ko sa kanya. Alam ko naman na madami akong pinagbago. Sinampal ba ng puberty, ganun. Nakakaflatter naman yung pagcocompliment niya. Sabi daw niya na nakikita yung totoong ako na mabait na kung saan tinutulungan ko yung mga kaklase ko. Minsan kung sinuswerte sila ay binubuhat ko pa sila sa group work.

Alam mo ba kung bakit niya nasabi na ngayon lang ako nakikilala? Hindi kasi kami magkaklase dati.

Alam mo din ba kung bakit iniiwasan ko siya? Crush ko kasi siya dati. Kumalat yung tsimis. Nilayuan niya ako at ito naman ako na nangungulit kasi gusto ibalik yung so-called friendship namin. Napagod na ako so ayun hindi ko na siya hinabol. Mahirap humabol ng kotseng umaandar!

"May sasabihin ako sayo. Wag kang magugulat ha." sabi sakin ni Dan.

"Gusto na kita. Akala ko hindi ako magkakagusto sayo pero narealize ko na worth it ka pala."

WHUT? Gago ba siya? Hindi ako nadadaan sa ganyan. Nagulat ako kahit sinabi niya na huwag akong magugulat. Napaalis ako ng room na walang dahilan. Hala! Deserve niyang maiwan.

---------

Ang cliché no? Kasi ang totoo ay panaginip ko yan kanina. Buti pa nga natandaan ko yan eh. Bwisit na panaginip yan. Sino nga pala si Dan?

Ang totoo sa buhay ko ay ganito.

WALANG ESPESYAL SA BUHAY KO. AVERAGE CLICHÉ PERSON LANG AKO. AKO YUNG TIPONG EXTRA SA PELIKULA.

Sige na. Matutulog na ako. May haharapin pa akong umaga.

Nanaginip kanina ng kalandian,

Ateng Cute.

Pop.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon