dear ipad (again)

2 1 0
                                    

Dear iPad,

Hindi ko alam kung bakit nila ako pinagtatawanan. May nagsabi sakin na napagiiwanan na daw ako. Talaga? Nagpapag-iwanan na ba ako? Alam ko naman yung mga trends. Lagi nga akong nakababad sa Trending page ng Twitter. Lagi naman akong updated sa GC namin kahit puro babae at puso lang naman ang laman.

Alam mo bakit ako sinabihang napag-iiwanan? May nag-joke kasi about sa ice cream na mainit. Meron ba nun?

"Libre mo ako ng ice cream ha, babe?"

"Meron akong ice cream. Mainit nga lang. Sinerserve ko lang ito sa gabi."

"Yak! Kadiri ka babe. Hihihihihi!" sabi ng girlfriend niyang haliparot. Tapos nagtawanan ang lahat. At ito naman ako sa tabi nakakanganga.

Tinanong ko sa katabi ko kung bakit sila tumatawa. Pinagtawanan niya ako at sinabing napag-iiwanan na ako. Sinigaw pa nga niya eh. Bwisit talaga siya.

Tumawa silang lahat. Hindi ko alam kung masasaktan ako or tatawa na lang.

Inexplain nila sakin yung "ice cream". Semen daw pala yun? Weh? Nabobo ako nung inexplain nila sakin. Sinabi din nila na nabobo din daw sila. Ay pak! M.U. na pala kami ng mga classmates ko. Hihihi! Kilig naman.

Sa ayun. Nasabon ako ng mga classmates ko. Nagtanong ako about dun sa mga "sex" thingy. Nalaman ako na pinapasok pala yung Twitter sa Facebook. Tinawanan lang nila ako ng bongga. Hala! Mga gagong to.

Hindi ba nila alam na hindi ako matuto ng ganyan kasi walang friend na mag-discuss sakin niyan. Kahit nanay ko hindi masabi sakin kung paano ako ginawa? Naisip ko nga na tanungin si Vilma Santos kung paano ako ginawa. Sorry bes. Fan ni Vilma si Mader.

So ayun, medyo nagdidiscuss sila sakin ng mga ganyan. Hindi din mawawala sa kanila na tawanan ako at tuksuhin kasi matanda na ako at wala pa akong alam.

At ito ako ngayon, sinisink-in sa utak ko yung natutunan ko outside sa mga subjects ko. Pwede na itong i-count as extra-curricular activity? Diba? Pwede naman?

Nabobo sa ice cream,

Ateng Cute.

P.S. Hindi na ako makakain ng vanilla ice cream dahil diyan. Bwisit.

Pop.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon