-1-

8.3K 171 22
                                    

Sa pasimula ng kwento, nakatakas si Vianca sa piling ng kanyang walang pusong asawa na si Mitsui sa pamamagitan ni Ashley. Lumipad sila ng Davao upang doon mag-simula muli. Habang nag-hahanap si Vianca ng trabaho, isang magandang opurtunidad ang natanggap niya. Pagkatapos ayusin ang mga kainakailangan niya (Isa na rito ang pag-aaral ng korean) sa pag-alis, agad siyang nag-impake.

-Vianca-



"Vian, sigurado ka na ba diyan? Mamimiss kita. Sobra." Hay naku talaga itong si Ashley. Diyan lang naman ako sa Korea pupunta, akala mo naman sa America na. Ang OA.

"Eh paano kung lumipad din ang walang hiyang asawa mo dun sa Korea? Mapapahamak ka!" napatigil ako. Di naman siguro. Andito naman na si Mikhaela. Wala siyang dahilan para lumipad dun.

"Naku, Vian. Sabihin mo lang kung pumunta dun si Mitsui at saktan ka! Humanda siya! Anyways, swerte mo naman te! Magiging staff ka ng SBS. Alam mo yun? Naiinggit ako sayo! Gusto ko ako rin!" If I know, kaya lang naman niya gusto yung trabaho ko para makakita ng iba't ibang K-Pop Artists. Lalo na yung Infinite na yun. Baliw na baliw siya dun eh.

"Basta, Vian. Lagi mo akong tatawagan ah. Wag mong kalimutan na mag-papicture sa mga artista dun! Lalo na sa Infinite! Kay Woohyun, Sungyeol at lalong lalo na Kay L! Oh my gosh! My labs!" nababaliw na naman siya. Anong akala niya sa akin dun? Mag-babakasyon?

"Ash, kung gusto mo ng picture ng Infinite na yan, punta ka na lang dun at magpapicture." sabi ko sa kanya. Tumayo siya at lumapit pa sa akin.

"Vianca naman eh! Wala akong pera no!" para talagang spoiled brat to. Buti na lang natiis ko siya. Joke.

"Oh, aalis ka na ng Pilipinas. Dapat wala ng iniisip na Mitsui at Mikhaela. Erase erase mo na sila! Wala na sila sa buhay mo, okay? At isa pa. Mag-iingat ka dun. Wala ako dun para sayo. Tanga ka pa naman. Alam mo na ang Skype name ko ah. Usap tayo gabi gabi."

Yinakap ko na lang siya bilang pasasalamat. Kaya mahal na mahal ko tong best friend ko eh!

***

12 hours na ang nakalipas, andito na nga ako sa Korea. 5 hours ang biyahe ang ginugol ko papunta dito. At ngayon nandito ako sa isang apartment na binigay sa akin ng SBS.

Medyo malaki ang apartment. May mga gamit na rin, maliban sa pagkain. Buti na lang pinadalhan ako ng pera ni Ashley. Sabi niya kasi mga 1000+ won ang karamihan ng bilihin dito kaya kelangan talaga ng malaking pera para maka-survive ako. If I know, maliit lang naman ang halaga ng 1000 won pero dito sa Korea feeling ko ang laki laking halaga. Sa Pilipinas kasi ang laki nang 1000. Hay.

Dahil sobrang nakakapagod ang biyahe. Minabuti kong matulog muna. Bukas na ako mag-aayos ng gamit.

Kinabukasan. Tumingin ako sa relo. 5am na pero ang dilim dilim pa rin dito sa Korea. Di lang madilim, malamig din! Patong patong na nga tong sweaters ko pero ramdam ko pa rin ang lamig! December na nga pala. Sa dami kasi ng.. aish. Wag mo na nga isipin yun.

Beep. Tinignan ko ang phone ko. Baka nag-text na pala si Ashley di ko man lang napakiramdaman.

Oh, isang text mula sa boss ko. Sabi niya, may meeting tungkol daw sa isang event na gaganapin after Christmas.

Agad akong tumayo para maka-ligo na. Mabuti naman at may heater dito. Hay. Pagkatapos ko maligo, diretso bihis na ako at umalis na. Sa labas na lang ako kakain.

Nakakita ako ng isang shop na may ramen sa Menu. Mura lang naman eh. Kaya pumasok ako.

"Annyeong Hasaeyo." bati ko. Umorder nga ako ng ramen tapos dumiretso na sa company Building.

"Annyeong!" bati sa akin nung guard sa labas ng Building. Mukhang dudugo ang ilong ko sa magiging trabaho ko.

"Annyeong.." bati ko pabalik.

Ayon sa text message na pinadala sa akin, sa conference room daw. Eh saan ba yun? Ayun! May receptionist!

"Annyeong!" bati ko sa kanya at nagbow. Nag-bow rin siya sa akin. "You know.. where the.. conference room is located?" tanong ko in Korean (Di naman po kasi marunong mag-korean ang author nito -_-)

"You go at the fifth floor then you can see the first door at the right. There you can see what you're looking for." sagot niya sa akin, in Korean ulit syempre.

"Kamsahamnida.." pasasalamat ko at nagbow ulit.

Sabi kasi ni Ashley, kapag daw nakikipag-usap sa Korean nagbabow dapat at nagpapasalamat. Kaya yan ang ginawa ko at sumakay na ng Lift.

Pinindot ko ang 5th floor button. Pagkatapos ng ilang sandali, nag-ting na rin ang lift at lumabas na ako. Agad ko namang nakita ang first right door. Kinakabahan ako.

Pero wala akong magagawa kundi pumasok at magtrabaho. Kaya pumasok na ako. As expected, nagtinginan lahat sa akin. Nagbow ako, Hindi bilang paggalang kundi dahil sa hiya. "Annyeong Hasaeyo.."

"So you're the new production assistant. You may take wherever you want to sit." sabi sa akin ni Boss. Kaya umupo ako dun sa may dulo. Wala pa namang gaanong tao buti na lang.

[Kapag English ang language ibig sabihin Hangul / Korean ang sinasabi nila.]

After 10 minutes, nagsidatingan na ang mga iba. At dahil dun, nag start na ang meeting.

Madaming sinabi si Boss. Ngayong after Christmas, syempre gaganapin ang SBS Gayo Daejun, i-aassign na daw kami sa iba't ibang groups.

"Ms. Andrea Her...na..ez? Ah, where are you?"

Napatingin ako kay boss, "Yes, Sir?"

















"You are assigned to the boy group, Infinite."

**comment po :))

Cold Prince or the Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon