Nakatunganga lang ako sa laptop ko habang tinitignan ang mga info tungkol sa Infinite. Kakaasar naman eh no! Bakit Infinite pa? Sa dinarami rami ng mga K-Pop groups diyan, bakit yun pa? Yun pa na nag-papaalala sa akin ng walang hiya kong asawa?
Di ko sinabi kay Ashley ang tungkol sa Infinite. Kasi panigurado kukulitin ako nun. Hihingi ng souvenirs mula dun sa boys. Eh nakakahiya kaya yun! Ang kapal naman ng mukha ko kung sabihin kong, "Hey my friend loves you.. She really does! Can I take a picture with you?" Magpapalamon na lang ako sa lupa kung mangyayari yun.
Sa sobrang bait ng SBS, binigyan nila ang ng bagong gadget, Samsung Galaxy yun. Aish basta! Para daw mas convenient ang pagtatrabaho ko. Tinanggap ko na lang. Mura lang naman yun dito sa Korea.
Sa sobrang titig ko sa laptop, biglang nag-pop out ang Skype. Alam ko na to, si Ashley to.
"Viancaaaaa! I miss you so much!" pambungad niya sa akin. Wala pa nga akong isang linggo dito, miss agad? Sa bagay, namimiss ko na rin siya. Hahahahaha.
"Ano nang balita sa trabaho mo, ayos ka na ba diyan?" tumango ako. Alam ko naman ang susunod na mangyayari dito eh. Magtatanong yan kung sino sino ang na-assign sa akin sa SBS.
"Ayos naman ako dito. Kinakaya ko lang ang lamig." below 0 degrees celcius ba naman! Buti na lang medyo sanay ako sa lamig dahil lumaki ako sa Baguio.
"Kung gaano kalamig diyan, ganun naman kainit ang Pilipinas! Woooh!" with matching tanggal tanggal pawis niya pang sinabi yun.
"Climate change na kasi..." sabi ko na lang habang miniminize ang Skype at tumingin ulit sa Infinite.
"Pati mga tao nagbabago na rin..." narinig kong bulong niya. Alam kong may ibig sabihin yung mga sinabi niya. Best friend ko siya at kilala ko yung ugali niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. Nanlaki yung mata niya.
"Wala naman. Ano bang ginagawa mo?" kunwari nag-aayos pa siya ng papel. Parang di ko siya kilala sa pinakikita niya.
"Wala naman din." pero ang totoo, nag-hahanap ako ng videos nila sa YouTube.
"Weh, eh mukhang busy ka nga diyan. Wait, sino nga pala ang na-assign sayo? Kala mo nakalimutan ko ah! Kay G-Dragon ba? Sa SNSD? O sa INFINITEEEE!" sabi ko sa inyo. Ang lakas ng radar ko kahit nasa Korea na ako.
Pero dahil ayaw kong kulitin niya ako tungkol sa Infinite, "EXO." maikli kong sagot.
"Ay, hindi Infinite. Di bale, pwede na yan. Papicture ka na lang sa EXO okay? Wag mo kakalimutan. Lalo na kay Sehun at Luhan! Must have a picture with them! Kahit Hindi Infinite naiinggit ako sayo!" ano ba yan, kahit pala hindi Infinite kukulitin niya pa rin ako.
"Hoy, Vianca! Basta kailangan may picture na with EXO ah! Tsaka sa Infinite!" Kung papipiliin ako kung Papaplamon sa lupa o hihingi ng picture mula sa mga lalaking yan, papalamon na lang ako sa lupa. Nakakahiya kaya yun!
"Teka, bat kasama Infinite?" Bigla kong tanong. Eh ang alam niya, sa EXO ako na-assign bakit may Infinite pa rin?
"Syempre! Same place lang kayo ng Infinite no! Imposibleng di kayo magkita kahit gahol na gahol na sila!" napahawak na lang ako sa noo ko. Fan girl nga pala tong kausap ko.
***
Tapos na ang Pasko. Ibig sabihin, SBS Gayo na. Kinakabahan ako kasi ngayon ko lang mamemeet itong Infinite, at isa pa di ko alam ang mararamdaman ko kapag makikita ko si L.
beep. Reminder na kailangan ko ng umalis. Oo, nag set talaga ako. Kasi pag di ako nag set, di ako mapipilitang umalis. Ang babaw ko ba? Oo, alam ko.
Kinuha ko na yung gamit at umalis na. Sumakay ako ng Taxi at sinabing sa Seoul Coliseum. Dun gaganipin yung event.
After 30 minutes, ring. Tumatawag ang manager ng Infinite! Nagmadali akong sagutin ito.
"Annyeong Hasaeyo." bati ko.
"I just want to ask if what dressing room are we going to." tanong niya. Kinuha ko yung Samsung Galaxy ko at tinignan kung anong dressin---Oh my. Walang nakareserbang dressing room para sa kanila!
"I'm sorry, Sir. But I will try to fix this. The boy group dont have any dressing room reserved for them. But I will try to ask the comittee to give you one. Just wait for my call, Sir." paumanhin ko. Ano ba naman to? Bakit wala silang dressing room? Sikat din naman tong Infinite ah!
Narinig kong parang nag-mura sa Korean yung manager ng Infinite, "Fix this as soon as possible." tapos inend call niya. Napahawak na lang ako sa noo ko.
"Miss, we're already here." Ay oo nga pala! Inabot ko yung 8000 won kay Manong at bumaba na.
Agad akong nag-dial ng number kay boss. Agad niya namang sinagot ito.
"Mr. Kim, don't we have any room available for Infinite?" mabilis kong tanong habang papasok sa backstage.
"As I can see, there are no available room for them. Please tell them that the rooms was all unavailable." Anak ng palaka. Patay na ako.
"But, Sir. We need to fi--ah eh, hello? Sir?" binaba niya na pala yung call. Paano to?
Kung ayaw niya gumawa ng paraan, ako ang gagawa.
Tinignan ko isa isa ang mga kwarto. Shocks! Puno na nga ang lahat! Nakita ko na may dumating na grupo ng mga Babae.
"Ay dyusko po. Saan ko sila ipepwesto?" narinig kong sabi ng PA. Mukhang Pilipino ang PA na to at parehas kami ng problema. Mukhang masungit pa yung mga hawak niyang Babae. Kung ako sa kanya di ko kakayanin yun!
Ring. Sinagot ko yung tawag kasi alam kong yung manager to ng Infinite.
"We are here outside the coliseum, where is the room?" strikto niyang tanong. Nakakatakot!
"A-ah, sir. Sorry, but I already did my best, there is no available room for your group, so I think..." narinig kong nagmura na naman yung manager. Bakit ang hilig magmura?
"That's really what I dont want to SBS. The can't give dressing rooms for all. We have no choice but to use the Toilet instead." at sa pangalawang pagkakataon binabaan niya na naman ako. Ano ba yan! Unang trabaho ko, palpak! Aish!
"Jagiya, is your assigned group has a room to stay?" yung Pilipinang PA pala to. Mukhang hinahanapan niya din ng kwarto yung mga hawak niya.
"Wala eh.." napatakip siya ng bibig. Pati ako.
"Filipina ka?" tumango ako.
Yinakap niya ako, "Oh my gosh! Buti may karamay ako." kumalas na siya ng yakap.
"Ah-eh.. Hehe!" ang awkward naman. Bigla kasi akong yinakap.
"Sinong hawak mo?" tanong niya. Para siyang si Ashley.
"Infinite." naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko, nung binuksan ko nagtext si Manager na nandun daw sila sa South Backstage entrance.
"Una na ko ah. Andyan na sila. Good Luck."sabi ko tapos umalis na. Tumakbo na ako papunta sa South.
Pero sa hindi napakagandang panahon, nakabangga pa ako! Aish! Baka mamaya galit na sa akin si Manager!
"Aish. Joesonghabnida." aba! Siya na nga tong nakabangga maka-aish siya waga---Mitsui?!
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Di ko alam kung anong gagawin ko, kaya pumikit ako. Hinihintay kong magsalita siya.
"Are you going to just stand there?" nag-korean siya. Nag-kokorean ba si Mitsui? Hindi ko pa kasi naririnig. Di kaya.
"L?" sabi ko na lang.
"Yes, I am." Oh my gosh! Sa sobrang mag-kamukha sila akala ko nakita ko ulit siya. Aish! Move on na!
"Sorry, I have to go." sabi ko na lang tapos nauna na ako. Buti na lang di ko nasabi ang pangalan ni Mitsui. Baka magulat yun at sabihin niya, "that's my long lost brother!" pero alam ko namang hindi.
**comment po.
BINABASA MO ANG
Cold Prince or the Dark Prince
RomancePaano kayang mangyari kung magiging si L ang tunay na ama ni Lei? A Marrying Mr. Arrogant Short Story - Sequel.