-6-

2.7K 83 18
                                    

(Still on 3rd Person's)

Tila bang tumigil ang mundo ni Vianca sa kanyang narinig. Hindi si L o Kim Myungsoo sa real life ang yumakap sa kanya, kundi ang asawa niya mismong si Mitsui. Ang taong sinaktan siya. Napaka-mapaglaro nga naman ng tadhana. PInagsama niya, pinaghiwalay at muli niyang pinagsama. Napaka-cliche, banality, shibboleth, platitude, kung ituturing pero amazing kapag nangyari. Sobra. Para bang magnet na pinaglayo mo na, maglalapit pa rin.

Ano bang dahilan ni Tadhana? Bakit niya ginagawa to? Nakinig ba siya sa Better Together ng Fifth Harmony o Better together ni Jack Johnsons? Ano bang dahilan bakit niya ginagawa ito sa mga pusong nawasak at nasaktan? Bakit hindi na lang 'Miss Movin on' ang pinakinggan niya? 

Nanatiling nakayakap si Mitsui kay Vianca, para bang sila lang ang tao sa lugar na yun. Nakikisabay ang hangin sa yakap nilang yun. Ganun din ang luha ni Vianca. Hindi niya lubos maisip na mangyayari ang ganitong bagay. Napaka-imposible. 

Bumitaw na sa yakap si Mitsui, habang si Vianca sunod sunod na tumutulo ang luha niya na para bang sasakyan sa Skyway, tuloy tuloy walang tigil. Pinunasan ni Mitsui ang luhang yun, ngunit tinanggal ni Vianca ang kamay na yun sa mukha niya, umatras, tumalikod at naglakad palayo.

Napayuko si Mitsui at naramdaman niyang nabigo siya. Nabigo siyang mapasakanya ulit si Vianca. 

---------------------------------------------------------------------------------------

Umuwi si Vianca sa tinitirhan niya na balisa, parang wala sa sarili. Nakaramdam siya ng pagkahilo at bigla siyang naduwal. Tumakbo siya sa banyo at dun muling dumuwal. Pagkatapos niyang maghilamos ng mukha tumingin siya sa salamin. Naalala niyang 3 linggo na rin siyang di nabibisita at tatlong linggo mahigit na simula ng may mangyari sa kanila ni L.

Napaupo siya sa toilet bowl at tinakpan niya ang mukha niya. These past few days, sobrang nag-cecrave siya sa Kimchi, napapadalas din ang pagsusungit niya kay Ashley then after 5 minutes happy-happy ulit. Napapadalas ang pag-inom ng Bubble tea lychee flavor. Minsan magtetake out siya ng dalawa, strawberry and Lychee flavor the i-mimix niya. Minsan yung coffee niya instead na sweet, hindi bitter, salty. Madami siyang asin na linalagay. Kapag naman nagluluto siya ng sinigang, sweet flavor, instead of salt, sugar ang linalagay niya. Masarap daw. 

Napapadalas din ang pagkahilo niya ngunit di niya napapansin yun dahil lagi siyang wala sa sarili simula nung gabing iyon. 

Bigla na lamang tumunog ang telepono ni Vianca. Hudyat ng isang tawag mula sa betfriend niya sa Pilipinas. Nanghihina siyang naglakad mula sa banyo patungo sa sala.

"Ash." matamlay niyang bungad. Dahil malkas ang instinct netong si Ashley, napansin niya ang pagkatamlay ng Bestfriend niya.

"matamlay ka ata. May nangyari ba?" nag-hehesitate na sumagot si Vianca. Sasabihin niya ba o hindi? Bestfriend  slash sister na rin niya yung si Ashley, dapat lang niya malaman.

"A-ah. Wala naman. Meron ba dapat?" mas pinili niya na wag sabihin dahil wala pa siyang lakas ng loob. Paano niya sasabihin na nagduduwal siya at mukhang buntis pa at paano niya rin sasabihin ang pagkikita nila ng dati niyang asawa?

"Vian, kung may problema ka, sabihin mo. Anupat naging bestfriend mo ko kung di mo rin pala ako sasabihan ng bagay bagay you know.." gusto lang naman malaman ni Ashley kung nagkita na ba si Vianca at Mitsui pero di niya lang matanong ng diretso dahil sigurado mag-uusisa si Vianca.

"Wala talaga. Sige bye." at binaba niya na ang tawag sabay off ng phone.

Napaiyak siya sa naalala niya. Niyakap siya ni Mitsui at hindi ni L. Punung puno ang utak niya ng mga sarisaring katanungan. Pero lahat ng yun tanging si Mitsui lang din ang makakasagot.

--------------------------------------------------------------------------

Naiwang nakatayo si Mitsui habang patuloy na umalis si Vianca. Di man lang niya napigilan ang asawa na umalis.  Napayuko siya at di inasahan ang luha na pumatak sa kanyang mata. He already lost one, and that's not Mikhaella its the baby. Ang dapat na unang anak nila Vianca at Mitsui. Now he lost two. From worse to worst. 

Pinagtinginan lang siya ng mga tao sa lugar. He ran down tower and went inside the car. Pumikit siya at huminga ng malalim. Kung ituturing mas malala pa yung naramdaman niya sa nagpropose tapos nag-no o kaya kinasal tapos hindi sumipot ang bride dahil narealize nitong di niya pala mahal yung papakasalan niya.

"I know I've done a big mistake. I thought nightmares just exist is dreamland. I was wrong. I swear I was." those words. 

*** ang ikli ng update ko. Huhu! Di bale na mas hahaba kapag maikli ang update. Napiga utak ko. Woooooh!!!!! Vote and Comment po!!! :)))))))))))

Cold Prince or the Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon