*mature scenes on some parts of this chapters.
Ang daming nangyari ngayong araw na ito, at hinihiling ko na sana di na maulit yun. Akala ko pagdating ko dito sa Korea, magiging maayos buhay ko. No Mitsui, nor Mikhaella around me. Pero nagkamali ako, kahit wala sila, andyan naman si L. Si L na simula pa lang ng pagkikita sa amin pinaalala na agad ang walang hiya kong asawa. Si L na kung ituring ako eh parang katulong lang. Leche siya. Pero mas masahol pa rin si Mitsui sa kanya and I thanked God for that.
Biglang nag-pop out ang Skype sa laptop ko. Si Ashley, nangungulit na naman.
"So wheres the picture?" umiling iling ako. Sobrang pagod ako at wala ako sa mood na makipagkulitan sa kanya.
"Andun ka na rin eh! Bakit di ka nagpapicture!!! Vian naman eh!!! Hmmmpp.. Tampo ako sayo!" sumandal ako sa kama ko.
"Wag ngayon, Ash. Pagod ako." kunwari ay nagtatampo siya sa akin. Nag-cross arms si Ashley.
"Ganyanan na ah! Kala ko ba, Best friend mo ak------"
"Ash ash, tama na muna. Sobrang pagod na ako. No pictures mula sa EXO at Infinite." irita kong sabi.
"May nangyari ba? Uy sorry na Vian! Sorry na! Eh kasi naman eh.. Aish! Sorry na----Ano bang nangyari at sobrang lugmok ka? Sorry na please!" pumikit na lang ako. Sobrang stressed ako at di ko alam kung ano ang gagawin ko. Mas matindi pa to sa paggawa ng Lesson Plans at Class records.
"Dont tell me...." hinayaan ko lang siya magsalita. "NAGKITA KAYO NI MITSUI?! SINASABI KO NA NGA BA..." napamulat ako dun.
"Baliw hindi no! Bakit andito ba siya sa Korea?" tanong ko. "Eh diba magkasama na sila ni Mikhaella diyan? Anong gagawin niya dito...."
"Ah-eh... W-wala naman.. Baka b-binisita yung G-granny niya. You k-know.. He he.." Pero Hindi naman ganun si Mitsui. Wala naman akong naisip na dahilan para pumunta siya dito. Unless, may nangyari sa kanila ni Mikhaella at dito siya magpapalamig. Kasama niya na ang m-mahal niya. He's free now.
(Please refer to Mitsui's flashback last Chapter 49 in Marrying Mr. Arrogant)
"Masaya na siya diyan. Walang dahilan para pumunta siya dito." nag-smile ako. Pero peke. Pilit kong ngumiti kahit sobrang sakit ng naramdaman ko.
"Basta, Vian. Dont let anyone ruin your heart again. Pero di ko naman sinasabi sayo na wag ka na magmahal ulit. I'm always here for you. Pag may problema ka, magaling ako magbigay ng advice. Alam mo yan. Tanga ka pa naman. Hahahahahahaha! Joke." napangiti ako sa kanya. This time, totoo na. I'm so lucky to have her. Kahit madaldal siya. Hahahahahahaaha!
----------------------------
"Yoboseoyo?" tamad kong sagot sa tumawag sa akin kung sinuman siya. 6:00 am pa lang at wala pang araw dito sa Korea di tulad sa Pilipinas, 5:30 pa lang may araw na.
BINABASA MO ANG
Cold Prince or the Dark Prince
RomancePaano kayang mangyari kung magiging si L ang tunay na ama ni Lei? A Marrying Mr. Arrogant Short Story - Sequel.