-5-

3.2K 109 12
                                    

Pagkatapos ng gabing yun, wala ako sa sariling umuwi sa tinitirhan ko at iniisip ang mga nangyari. Anong ginawa ko? Pumatol lang naman ako sa isang artista na nagkataong kamukha ng dati kong asawa. Masakit isipin dahil.. sa lahat ng mga nangyari nung gabing yun, si Mitsui ang nasa isip ko. Si Mitsui ang naadarama ko. 

Bakit ba di ka maalis sa isip ko,Mitsui? Sa lahat ng nangyari sa atin, bakit? Bakit mahal pa rin kita? Ano ba ang meron ka na wala ang iba? Hindi kita malimutan. Baka nga ako yung may mali. Ayaw pa rin siguro kita kalimutan. Oo, sinasabi ko sa isip ko na kakalimutan na kita. Pero sa puso ko, hindi. Kung nagsasalita lang ang puso..  

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, di ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko? Sa Mars? Jupiter? Saturn? Sun? Andromeda Galaxy? EXO Planet? Universe? Kung buhay lang siguro ang anak namin ni Mitsui, baka magkakasama kaming naglalakad tatlo dito. Magkahawak yung kamay, masaya at buo. A perfect family have.

Bumili ako ng ticket sa Seoul Tour bus. It leads to Namsan Cable Car. Baka dahil dun, marefresh ang utak ko dahil sa ganda ng lugar. Baka sakaling matauhan ako.

----------------------------------------------------------

//3rd Person's//

Habang nagmunimuni si Vianca sa Seoul Tour Bus na papunta sa Namsan, hindi niya alam na pinasundan pala siya ni Mitsui. Mula nung nalaman niya ang pinakatatagong sikreto ni Mikhaela, sinuyod ni Mitsui ang buong Pilipinas para lang hanapin si Vianca, nitong nakaraan lang eh natunton niya si Ashley na bumalik muli sa Maynila upang maghanap ng ibang trabaho.

Sa una, hindi sinabi ni Ashley kung na saan si Vianca dahil nga baka maulit ang bangungot na naranasan ni Vianca, ngunit, ng ikwento ni Mitsui ang nangyari sa kanya.. She thought that Vianca deserves a second chance with Mitsui.

Nalaman ni Mitsui na nasa Korea nga si Vianca at nagtatrabaho bilang Production Assistant. Pagkatapos niyang malaman yun, lumipad siya ng Korea. Pinahanap niya si Vianca at pinasundan.

Tumunog ang cellphone ni Mitsui, nagtext sa kanya ang ahenteng sumusunod kay Vianca. 

'She's going to Namsan' sabi nito. Naghanda si Mitsui at agad na kinuha ang susi ng kotse niya at nagmaneho patungo sa Namsan. Nagtext ulit ang ahente na paakyat na ito sa Namsan. 

Dahil alam ni Mitsui ang pasikot sikot dito sa Seoul, madali siyang nakapunta sa Namsan Tower. Habang umaakyat, nakita niya bigla si Vianca na bumibili ng pagkain, dahilan upang bumilis ang tibok ng puso niya.

Napansin niyang papalingon si Vianca kaya agad siyang nagtago sa puno. Di niya alam kung bakit ganun ang ginawa niya, pero napangiti siya. Habang si Vianca, tinuloy ang pag-akyat sa Namsan. Nang makita ni Mitsui na siguradong di siya makikita ni Vianca, sinundan niya ulit ito. Tuwang tuwa ang mga tao dahil akala nila si L ng Infnite ang nakita nila.. ngunit.

Papaakyat si Vianca sa observatory ng maramdaman niyang may sumusunod sa kanya. Agad na nagtago si Mitsui sa mga tao. Pinagsawalang bahala na lang ito ni Vianca at sumakay na lang ng elevator papuntang observatory. Nang ma-clear na ni Mitsui ang lugar, sumunod ulit siya kay Vianca na humahanga sa ganda ng view mula sa itaas ng tower (kung saan matatagpuan ang observatory).

Pagkatapos pumunta sa Padlock trees' shop si Vianca upang bumili padlocks. Di makukumpleto ang Namsan experience mo kung di ka pupunta dito. Bumili si Vianca ng padlock at sumulat.

"Will always be you... M." 

Siyempre di rin pinalagpas ni Mitsui ang pagkakataon. Sa di inaasahang pagkakataon, ang sinulat ni Mistui ay..

"Will always be you... V."

Pagkatapos magsulat ng message, naunang pumunta sa Namsan Padlock trrees si Vianca. Nang makita niyang papaalis na si Vianca, siya naman ang sumunod. Akala niya, tuluyan ng aalis si Vianca ngunit, naisip ni Vianca na may gusto siyang ipakita kay Ashley, ang padlock na pagmamay-ari ng ilang EXO-M. Pero sa di inaasahang pagkakataon ulit, dun linagay ni Mitsui ang lock niya.

Hinahanap niya Vianca yung lock. Di niya alam na halos katabi niya na si Mitsui at di rin alam ni Mitsui na halos magkatabi na sila Vianca dahil tumitingin tingin din ito ng locks. Nasa kaliwa si Vianca at nasa kanan naman si Mitsui. Nang humuerap sa kanan si Vianca at sa kaliwa naman si Mitsui, nagkabanggaan sila ni Vianca.

Para bang tumigil ang mundo ng dalawa. Para kay Vianca, naalala niya na naman ang mga nangyari ng gabing yun. Para naman kay Mitsui, masaya siyang nakita ulit si Vianca.

Wala ng piniling ibang gawin si Mitsui, yinakap na lang niya si Vianca. Ikinagulat ito ni Vianca ngunit hinayaan niya na lang ito. Para kay Vianca, "alam ko may nangyari sa amin ni L... Pero hanggang dun lang yun."

"Bakit ka umalis?" napaluha na lang si Vianca.

She was wrong. Hindi si L ang yumakap sa kanya, kundi si Mitsui. 

**hanggang diyan nga muna! Vote and comment po kayo ah!  Mwahugs!

Cold Prince or the Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon