-3-

3.9K 120 17
                                    

Naglalakad ako ngayon sa hallway. Di na ako nagtangkang tumakbo at baka si Mitsui na talaga ang makabanggaan ko. Baka manigas na lang ako at di ko magawa ang pinunta ko dito. Nakakaasar naman kasi eh! Bakit kasi kamukha niya talaga? At nasa Korea pa talaga!

Napatigil ako dahil may matandang humarang sa akin, "Are you,  Hernez?" For sure, Korean to. Hindi kasi HERNAEZ ang tawag niya sa apelyido ko kundi HERNEZ. Silent 'A'.

"Yes, I am, Sir." confident kong sagot. May iba pa bang ganung apelyido dito?

"Have you cleared the place?" tanong nito sa akin.

"What do you mean, Sir?" nagtataka kong tanong. Napa-roll ng eyes ang Mister at nagtatap ng feet.

"The toilet!" Oh my, mukhang ito yung manager ng Infinite.

"Pardon me, Sir. I didn't recognize you." I bowed down. I bowed for 10 secs.

"Help us to fix our costumes in the toilet..." Ah-eh, as in Men's restroom? Me? There? Seriously? Babae?

"Ah, Sir.. if you dont mind, ah.. Are you sure I'm going to enter the restroom? Is it too.. ah.."

"No buts.." umalis na lang siya bigla. Aishhh! Ang awkward kaya!

Dahil wala akong nagawa, sumunod ako kay Manager. Nakita kong may mga lalaking nakatingin sa akin, ang Infinite. Wala si L. Malamang, nakasalubong ko nga diba?

"I'm sorry for our Manager. He's quite stressed this past few days." sabi sa akin ng isang cute na lalaki. Cute siya dahil sa smile niya. Ano sasabihin niyo? Ang swerte ko? -_-

"I'm Woohyun.." nagbow siya sa akin at ganun din ako sa kanya. Ah.. Siya pala yung lalaking magaling daw sa relationship, ayon mostly sa mga members ng Infinite.

Binatukan naman siya ng isang lalaki na ang pangalan ay Dongwoo. Sa lahat ng naresearch ko tungkol sa Infinite, siya lang ang naalala ko. Kakaiba kasi mukha niya. Hahahahahaha!

"Dongwoo is my name.." then nagbow siya.

"Hoya.."

"Sungjeong.."

"Sungyeol.."

"Sunggyu.."

Tinanong ko ba pangalan nila? Wala akong maalala. Nag-bow ako sa kanila bilang paggalang.

Nakakahiya talaga tong kahihiyan na to. Basta! Take note ah! First time ko papasok sa isang men's restroom! Grabe! Most memorable experience!

Tinulungan ko silang ipasok yung gamit nila ng pumasok si L dala ang ibang bags.

"What took you so long, Myungsoo?" tanong ni Dongwoo na busy kakahalukay ng bag nila.

"Someone called me." coldly niyang sagot. Ganyan ba talaga siya? Akala ko ba ice prince lang siya sa mga palabas at di sa totoong buhay?

"Oh my, cold guy indeed!" sagot naman ni Woohyun na nagtatahi ng gagamitin niyang costume. Oo, magtatahi pa sila. Ginagawa nilang avant garde ang mga costume nila. Chos! OA naman nung Avant Garde.

"Yah! Help me with this.." tumingin ako sa kanya. Kay L. He gave me a piece of see-through cloth and his coat. Anong trip nito?

"Why dont you study how to make costumes so that you won't be asking PAs for help." narinig kong sabi ni WooHyun. Mukhang lahat sila mabait maliban dito sa lalaking to.

"Mind your own business, hyung." naniningkit pa ang mata niya habang sinasabi yun at binigay niya sa akin.

"What am I supposed to do with these?" tanong ko. Although Alam ko na, di ko rin alam kung bakit ko tinanong.

"Make my costume!" bulyaw niya. Bwisit to ah! Kundi ko lang trabaho to at nagvolunteer lang ako sinaksak ko na yung karayom sa pagmumukha niya. Gwapo sana eh no! Lechugas!

Ginawa ko na lang yung sinabi niya. Ayoko masesante at isa pa kakasimula ko pa lang gigive-up na ako? Ang immature ko naman! At ang swerte niya pa kamo! Mag-gigive up ako dahil sa kanya? No way!

Napaka-awkward talaga kasi may pumapasok na mga lalaki, maraming k-pop artists na mukhang kilala tong mga hawak ko. Kaya nagtago ako sa likod ng mga cubicle.

Teka nga lang pala! Nakalimutan ko atang PRODUCTION ASSISTANT ang trabaho ko at hindi mananahi! Lechugas! Kundi lang ako nahihiya sa kanila dahil wala silang kwarto di ko gagawin to! Peksman. Babae pa rin ako.

"Is it already done?" tanong ni L sa akin paglabas ko ng pinto. Naka-poker face ang loko. Sarap bigwasan. LANGYA PAREHAS LANG KAYO NG WALANG HIYA KONG ASAWA! I mean, DATI KONG ASAWA.

Binigay ko sa kanya yung gawa ko, minadali ko nga yan eh. Pinressure kasi ako, 30 minutes more to get ready daw para sa Infinite. Eh hindi pa nga ako nangangalahati sa tinatahi ko nun eh.

"Tsk..." sabi niya at walang ganang sinuot yung gawa ko. Napaka-arogante. GINAWA MO NA NGA AKONG PA as in PERSONAL ASSISTANT hindi PRODUCTION ASSISTANT, ikaw pa tong nagsusungit!

I tried to help to other members, maliban sa kanya. Bahala siya sa buhay niya! Leche!

"5 more minutes, Infinite!" sigaw ko. Yun ang sabi dito sa headphones ko. Nabamggit ko bang may suot akong ganun? Hindi? Now you know.

Nangarag na silang tumakbo sa backstage. Ganun din ako. Nag-final check ako sa kanila hanggang sa tinawag na sila.

Kinanta nila yung latest nilang, Destiny. Halos mabingi ako sa tilian ng fans.

Pero---Inay ko po! Palpak! Aish! Napupunit yung damit ni L. Mali kasi yung pagkakatahi ko eh! Ano ba yan! 'Hubarin mo na lang yan' gusto ko sanang isigaw yan kaso, hayaan na natin siya. Problema niya na yan no! D-diba? Oo!

Pagkababa nila ng stage, pinagkaguluhan si L ng ibang infinite.

"You should've took that off!" sabi ni Sungyeol kay L. Rinollan lang siya ng mata nito.

"If you could see how fans wants you to take that off.. Hahahahahaha!" joke ni Dongwoo at bumalik na sa restroom kasama ni Sungyeol at Woohyun. Sumunod naman ang iba maliban kay L.

"Aish!" binigyan niya ako ng icy look at sumunod na sa kanila. Ang cold niya talaga..

"Pasalamat kang kumag ka hindi ka nakakaintindi ng tagalog kundi... hayy.."

"Andrea, please go to the technical room and meet me there.." narinig kong sabi ni Sir kaya pumunta na ako dun.

Kinausap niya lang ako tungkol sa bagay na nangyari kay L, kung bakit daq ganun ang nangyari, ganun ganun. Sasabihin ko na nga sana na karma sa kanya yun kaso mabait ako kaya hindi ko sinabi.

Pagkatapos ng show, nakasalubong ko ulit siya pero di ko na siya pinansin. Ang laki ng pagkakaparehas nilang dalawa ni Mitsui. Siguro ang kaibahan lang, mukhang di marunong manakit ng babae si L hindi kagaya ni Mitsui.








***yow guys! Wag po kayo sana magalit Kay L kung solid Mitsui-Vianca po kayo ^^ THIS IS JUST A WHAT-IF Story okay? Paano kung si L talaga ang totoong ama ni Lei. But in MMA, si Mitsui po talaga ang tunay niyang ama. Feedbacks po (⌒_⌒)(^0^)

Cold Prince or the Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon