Kabanata 4

9 0 0
                                    

Kabanata4@

•••••••

Kitang-kita ko ngayon sakin harapan ang taong pinakainiiwasan kong makita.
Yun feeling na gusto mo nang tumakbo ng mabilis at magtago para hindi mo na sya makaharap.


Hindi ko alam kung ako lang ba talaga ang kanyang tinititigan ng masama o feeling ko lang yun? Para kasing iba ang aura nya kanina ng bagong baba sya ng hagdan.




(Flashback)

3 mins. Earlier

"Promise?"  masayang tanung ng batang babaeng kaharap ko.


Magsasalita pa sana ako ng biglang may maaninag akong shadow sa peripheral vision ko.



Bigla na lang akong kinilabutan ng maramdaman ko muli ang presensyang naramdaman ko ng gabing yun. Tila parang bumigat ang akin pakiramdam at hindi makahinga ng ayos. Sana mali ang pakiramdam ko.Lihim kong panalangin sa Maykapal at dahan-dahang lumingon sa direksyon nito.




Natulala ako ng makita sya. Yun lalaking misteryoso na  nanakit sa magkabilang braso ko at nagsalita pa ng kung ano-ano tungkol sakin. Sya nga! 
Pero parang may mali sa kanya ngayun? Yung pagmumukha nya kasi parang namumutla tska hapong-hapo ito sa pagtakbo sa hagdan.





Idagdag mo pa yung gulo-gulong buhok at nakatopless na katawan nito. Kaya naman kitang-kita ko ngayun ang mala- Adonis nitong katawan. Lalong-lalo na ang kanyang perfect six-pack abs , biceps at triceps.




Halatang bagong ligo pa'to dahil mamasa-masa pa ang magulo nitong buhok ganun din ang kanyang abs at biceps na hindi nakapagpatuyo ng maigi. Mas lalo tuloy syang nagmukhang model sa isang mens magazine.Pero hindi ko naman inakalang ganito pala sya kagwapong tingnan.
Higit pa sya sa mga roman god ng Olympus ang taglay nyang kagwapuhan.





Hindi ko tuloy sya matingnan ng ayus kasi feeling ko nangangamatis na ang buong mukha ko.
Sino ba naman kasing hindi?!! Kung ganito ang makikita mong nilalang umagang-umaga?!!!

Omygod!


First time ko kasing makakita ng ganito sa totoong buhay. Sa mga telenovela at pocketbooks ko lang naiisip at nakikita. Pero ngayon mismong nasa harapan ko na.





Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang amin tingin sa isa't-isa. Napaiwas agad ako ng tingin at itinuon sa ibang direksyon.



Eh pano ba namn, baka kasi isipin nya na binubusuhan ko sya at mapansin nya na namumula ang mukha ko. Idagdag mo pa'tong bwisit na abnormal na tibok ng puso ko!.


Kaya tahimik na lang akong nakatingin sa bata na tila hindi pa nito napapansin yun lalaki na ngayon ay nakamasid sa amin.



Maya-maya pa bigla na lang itong umimik at tinawag ang bata.


"Lily."


Agad naman itong lumingon sa kanya at mabilis na tinanggal ang mahigpit nitong pagkakayakap sakin. Bakas sa mukha ng bata ang lubos na kasiyahan nang makita nya ang lalaki.




Mabilis syang tumakbo at nagmamadaling pumunta sa kinatatayuan nito.



Pero parang umikot ang mundo ko ng marinig kong bigkasin ng bata sa lalaki ang salitang




"Daddy!"

"Reciprocal"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon