Kabanata 14

22 0 0
                                    


Kabanata14@

•••••••

Habang naglalakad kasunod nila, tahimik akong nanalangin na sana naman walang mangyaring masama sa muli naming paghaharap. Dahil sa totoo lang, natatakot pa rin ako.




Kahit mismong katawan ko ay nagsisimula ng manginig sa oras na naiisip kong makikita ko sya. Pero salungat naman ito ng aking dibdib na bigla-bigla na lang bumibilis  kapag naiisip sya.




Lintek! Na i loved at first sight ata ako!!!



At Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin pati emosyon ko hindi ko na maintindihan.
Kasalanan nya ito!!!!




Hindi ko na namalayan na naglalakad na pala kami sa isang pasilyo patungo sa isang malaking pinto. Tumigil na kami ng nasa tapat na kami . Pero ganun na lang ang gulat ko ng biglang bumukas ito at lumabas ang isang pamilyar na mukha.




Kaagad itong naglakad papunta samin. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pagkayamot.



"Ikaw! Bakit ngayun lang kayo?!"singhal niyang tanong sa isang maid na kasama ko.



Hindi kaagad ito nakasagot dahil sa pagkabigla.



"Pa-pasensya na po. Nagka-"naputol ito ng bigla syang nagsalita.




" Now,what? Give me your damn excuse para hindi ko kayu tanggalin sa trabaho." Dahil sa sinabi nya, napuno ng takot ang nakikita ko sa kanilang lahat.





Kaya naglakas-loob akong sagutin sya. Tutal ako naman ang may kasalanan kung bakit sila ngayon ang napapagalitan.




" Wala silang kasalanan! Ako ang dahilan kung bakit ngayon lang kami, kaya mo sila tanggalin!"sabi ko sa kanya dahilan upang lumipat ang tingin nya sakin.




"Yes and I know, its all your fault. And what makes you think na dahil sa sinabi mo , hindi ko na sila
tatanggalin?!"nangunguyang sabi nya.




" Dahil wala silang kasalanan at ano pa bang iyong ikinagagalit , eh nandito na ko ngayon sa harapan mo!?"bigla na lang tumaas ang Boses ko.




Eh pano ba naman sobrang kitid ng utak at pati ang mga katulong idinadamay nya sa init ng ulo nya.



Nakakainis talaga sya!
Dahil sa sinabi ko hindi na sya nakaimik. See? Bull's eye sya sa sinabi ko. Nakatungo lang sya habang nakatingin sakin. What? Ako na naman ang kinakabahan ngayon sa paraan ng kanyang pagkakatitig.




" Get. Out!"sigaw na lang nito habang nakatitig pa rin sakin.





Teka, papaalisin nya na lang ako matapos nya ' kong papuntahin dito?




" I said GET.OUT!"muling sigaw nito.



Tsk.




May sayad na talaga ito. Sayang  perfect na sana kaso baliw naman.




Oh, sya makaalis na nga tutal pinapaalis nya na din ako. Kaya maglalakad na sana ako nang biglang hawakan nya ako sa kamay.




"Where do you think you're going?"malamig nyang tanong sakin.




"Aalis na. Di ba sabi mo 'GET.OUT!' Kaya aalis na 'ko." sagot ko sa kanya sabay ang panggagaya ko sa paraan ng kanyang pagsigaw.





Biglang naningkit ang kanyang mga matang kulay charcoal.



"Its not for you, its for them."sabay itinuro ang mga maids na nagmamadaling umalis sa kinatatayuan namin.

"Reciprocal"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon