Kabanata11@•••••••
Hindi ko alam kung ano ang una kong magiging reaksyon sa sandaling makita ko ang nilalaman ng papel sa akin harapan.
Para bang may nagsasabi sakin na wag ko'tong tingnan , pero mas namutawi ang curiosity ko upang malaman kung ano'to.
Kaya agad ko itong binuklat upang makita. Naghalo-halo na ang emosyon na nararamdaman ko. Parang bomba na bigla na lang sumabog sa akin harapan ang nakikita ko ngayon.
Kasabay ang tuluyang pag-agos ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"H-hindi! Hindi maaari'to! Panu?!"tangi kong nasambit.
Kitang-kita ko ngayon ang litrato ng isang masayang pamilya, kung saan kaagad na napadako ang tingin ko sa isang magandang babae.
Isang babaeng kamukang-kamuka ko.
Teka, totoo ba ito? Baka nagkakamali lang ako ng tingin?Kaya agad kong pinunasan ang mga luhang nasa aking mga mata upang matiyak ko na tama ang pagkakatingin ko dito. Pero ganun pa din ang nakikita ko.
"Impossible! Panung nangyaring napunta ang mukha ko dito?"sabay hawak ko sa isang pisngi.
Hindi ko alam kung isang bangungunot lang ba itong nangyayari , pero kung gayunman gusto ko nang magising!
Bakas sa mukha ng babaeng nasa litrato ang sobrang kaligayahan kasama nila-.
" Kung ganun ang ibig sabihin nito-!"hindi ko na natapos ang sasabihin ng bigla ko maalala ang mga sinabi nila kanina.
*Mommy!*
*No! I remember everything about you! Hindi ako pwedeng magkamali. I-ikaw sya! Ikaw ang 'asawa' ko!**Mommy!*
*No! I remember everything about you! Hindi ako pwedeng magkamali. I-ikaw sya! Ikaw ang 'asawa' ko!**Mommy!*
*No! I remember everything about you! Hindi ako pwedeng magkamali. I-ikaw sya! Ikaw ang 'asawa' ko!*Paulit-ulit na nagpplayback at nag-eecho sakin utak at tenga ang kanila sinabing mag-ama. Ngunit isa lang ang ibig sabihin nito.
"Ako, sya?!"

BINABASA MO ANG
"Reciprocal"
Mystery / ThrillerShe is just a simple girl with simple life. Tipikal na normal na tao na laki sa hirap. All her life she needs to beg to others in order to survive but her fate suddenly change in one mistaken night.