Kabanata8@
•••••••
"No! I remember everything about you! Hindi ako pwedeng magkamali. I-ikaw sya! Ikaw ang 'asawa' ko!"sabay haplos nya saking mukha.
Hindi ko alam kung pano ako mag-rereact sa kanyang sinabi. Naguguluhan pa rin ako sa bilis ng mga pangyayari. Parang kagabi lang pina-kidnap nya ako, tapos ngayon naman sasabihin nya sakin na ako ang kanyang 'asawa' ng ganun-ganun lang?
Agad naman akong nakaramdam ng kaba saking dibdib ng makita kong dahan-dahan nitong inilalapit ang kanyang mukha sakin.
Ilang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga mukha sa isa't-isa ng tumigil ito.
Nais kong ipikit na lang ang aking mga mata upang hindi ko na makita ang maaaring nyang gawin sakin. Pero mismong katawan ko ay tumatanggi sa sinasabi ng utak ko.Kaya eto ako ngayon, tulala habang sya ay titig na titig sakin mga mata. Para akong na-hypnotize sa kanyang mga titig na ibinibigay sakin. Nakita kong bumaba ang kanyang titig saking labi at akmang hahalikan ako.
Pero bago pa man nya ito magawa ay buong lakas ko syang itinulak. Nang makawala ako sa pagkakasandal sa pader kaagad akong tumakbo sa pinto. Pero naunahan nya ako dito.
Shit!
"Anu bang kailangan mo sakin?!"naiinis na talaga ako sa lalaking 'to.
"Like I said you're my 'wife'. " mariing nyang sagot sakin.
"Sinabi ko na , hindi ako ang 'mommy' ng anak mo at lalong-lalo na ang maging 'asawa' mo! Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Kaya please maawa ka , palayain mo na'ko!"naiiyak na talaga ako.
Nagdilim na lang ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko.
"Ganito ka ba kadesperadang makaalis sa lugar na'to?! Bakit? Bakit kailangan mo pang paasahin yung bata kung aalis ka lang muli?"
sunod-sunod na tanong nya sakin na halatang may hinanakit sakin."Bakit patuloy ka pa rin lumalayo sakin?"dagdag pa nito sa pabulong na pagkakasabi, pero narinig ko pa rin .
Teka, bakit parang ako pa ngayon ang may atraso sa kanila? Ang gusto ko lang naman makalaya at makauwi pero bakit ganito ang nangyayari? Anu ba talaga ang totoong nangyayari?
BINABASA MO ANG
"Reciprocal"
Mystery / ThrillerShe is just a simple girl with simple life. Tipikal na normal na tao na laki sa hirap. All her life she needs to beg to others in order to survive but her fate suddenly change in one mistaken night.