Kabanata6@
•••••••
'Daddy'?
Teka , tama ba ang pagkakarinig ko sa bata? Tinawag nya bang 'daddy' yun lalaking misteryoso na nagpakidnap sakin!? Pero pano nangyari yun?habang nag-iisip ako palipat-lipat ang akin tingin sa kanila.
Kung iisipin mo, hindi mo talaga sya mapagkakamalang may anak dahil sa kanyang tindig, ayos at porma. Idagdag mo pa ang taglay nyang kagwapuhan. Bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa dibdib.
Hindi ko alam kung bakit? Pero bigla na lang ako nakaramdam ng lungkot at pagkadismaya nang malaman kong may-anak at 'asawa' na sya. Siguradong maganda ito at mahal na mahal pa nya.
Hindi ko alam kung baliw na'tong puso ko kasi bigla-bigla na lang bumilis ang tibok na parang 'abnormal' sa saya kanina, tapos ngayon parang ewan. Ang hirap talagang ipaliwanag!
Dahil sa pag-iisip ko,hindi ko na namalayan na nakalapit na silang dalawa sakin.
Patay! Anong gagawin ko? Sa sitwasyon ko ngayon, parang gusto na tuloy tumakbo ng mabilis sa main door na ilang metro lang ang layu mula sa kinatatayuan ko. Pero napadako ang akin tingin sa batang babae na ngayon ay masayang nakangiti sakin. Nag-flashback tuloy yung sinabi ko sa kanya."Hindi na ko aalis at lalong-lalo na hinding-hindi kita iiwan."
nakonsensya tuloy ako para sa bata. Kaya hindi ko na itinuloy yung balak ko. Maya-maya pa biglang nagsalita ang bata sa lalaki na ngayon ay kaharap ko at titig na titig sakin.
"Daddy! Daddy! Hindi na daw po tayu iiwan ni Mommy!"masaya nitong sabi.
Nahalata kong nagulat rin ang lalaki sa narinig mula rito. Tila hindi nito nagustuhan ang itinawag sakin ng bata na 'mommy'.Kaya bigla na lang itong nagpatawag ng dalawang maid at kinausap ang bata.
"Lily, listen you need to go first in the dining. I need to talk to her, OK?"malambing nitong sabi sa bata.
"Pero daddy-"hindi na natapos ang sasabihin ng bata nang nagsalita pa ulit sya.
"Please? Promise susunod kami."
Kaya wala na itong nagawa kundi umalis kasa-kasama ang dalawang katulong. Halata ko sa mukha ng bata na malungkot ito bago umalis.
Nang masiguro nitong kaming dalawa na lamang. Kaagad nyang kinuha ang isang braso ko at hinatak ako papasok sa isang malaking kwarto na mukhang study room.
Marahas nya akong binitiwan kaya napaupo na lang ako sa isang sofa. Alam kong may mangyayari sakin sa oras na mahuli nya ako kaya inihanda ko na ang sarili para dito. Pero kahit ganun hindi pa rin mawala ang takot ko sa maaari nyang gawin sakin. Idagdag mo pa ng tawagin at pagkamalan ako na ina ng kanyang anak.
" What did you say her?!"pasigaw nyang tanong sakin.
Hindi ako makapagsalita dahil sa takot na aking naramdaman. Maya-maya pa ay muli sya nagsalita ng mga katagang mas lalo kinagulo ng utak at isip ko.
"Wala ka nang karapatan sa kanya dahil iniwan mo sya!"
BINABASA MO ANG
"Reciprocal"
Mystery / ThrillerShe is just a simple girl with simple life. Tipikal na normal na tao na laki sa hirap. All her life she needs to beg to others in order to survive but her fate suddenly change in one mistaken night.