Kabanata 12

7 1 0
                                    


Kabanata12@

•••••••

"Ako, sya?!"sambit ko.



Habang nakatulala sa hawak na litrato. Hanggang ngayon hindi pa rin kasi nagsisink-in sa utak ko, na kahit anong pilit ko.




Na ako nga ang babaeng nasa litrato 7 years ago at kasa-kasama ang bagong panganak pa lamang na si Lily at ang misteryosong lalaki.




"Pero kung ako nga sya, bakit wla akong maalala?"



Napakaimposibleng mangyari'to? Dahil kung ako nga ang babaeng'to eh di sana  naalala ko Sila, kahit man lang si Lily na anak ko pala.
Pero wala, tsaka di ba sa mga penikula lang may ganitong eksena may sinasabi silang "lukso ng dugo" para malaman daw ang connection ng isang tao sa kanilang magulang? Kaso sa sitwasyon ko kay Lily wala akong naramdaman na ganun.




Awa, dahil sa sobrang awa ko sa bata kaya ko nasabi ang mga sinabi ko kanina sa kanya.
Ayaw ko naman na makitang ganun ang mukha nya lalo na't bata lang sya na nangungulila sa isang ina. Pero Hindi ko naman inakalang ganito ang mangyayari! Kung alam ko lang naglaho na ko ng parang bula.




Kaya napakaimposibleng ako ang taong nasa litrato'to. Siguro nga, na magkahawig kami pero sa pagkakatanda ko wla akong kapatid ni kambal ko. Kaya hindi ko deserve ang nangyayari sakin ngayon na makulong at matali sa mga taong hindi ko kilala!




Dahil sa malalim Kong pagiisip Hindi ko na namalayan ang mga katok sa pinto. Kung hindi pa bumukas ito. Hindi ko pa malalaman na may tao.


"Mam,pasensya na po kung pumasok kami ng hindi ninyo sinasabi"magalang na sabi ng isang dalagang nakasuot ng maid uniform. Na may kasama pa syang dalawang kasamahan.



"Teka! Anong ginagawa ninyo dito? Anung kailangan nio sakin?"sunod-sunod kong tanung sa kanila ng bigla nila akong itayo.



"Mam, pinapasundo na po kayu ni  Master sa dining-" hindi na nito naituloy ang sasabihin ng bigla akong magsalita.



" Master?  Hwag mo sabihin yung misteryosong lalaking kumaladkad sakin dito?!"tanong ko sa kanila.



Kita ko sa kanilang mga mukha ang pagkagulat at pagtataka sa sinabi ko. Pero agad nila itong inalis.



"Kung yun po ang gusto niong itawag , sya nga po at pinapapunta nya na daw po kayu sa dining upang kumain."sagot nito.



"Hindi! Hindi ako sasama sa inyu!"mariing Kong protesta kaya kaagad nila akong hinawakan sa magkabilang kamay.



" Anu ba! Bitawan nyu ako!"pagpapalag ko.



"Pasensya na po,pero kailangan namin gawin ang pinapagutos ni Master. Tska po pinapasabi nya na kung ayaw mo daw pong sumama, sya na daw po mismo ang kukuha sa inyo" .




Parang naging estatwa ako sa sinabi nito. Natatakot ako sa maaari nyang gawin sakin. Kaya nagbaubaya na ako sa kanila.

"Reciprocal"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon