CHAPTER 5: Flashback

24.1K 728 52
                                        



Flashback

Pumunta kami dito sa park kasama ang Nanay ko, Kakagaling lang namin sa probinsya at lumuwas kami ng Manila para mag hanap ng trabaho si inay Buti nalang at mabilis siyang naka hanap, Isa siyang kasambahay sa Isang malaking bahay, May nakapag sabi kay inay na maganda daw dito sa park na ito at hindi nga nagkakamali ang kaibigan ni inay dahil ang ganda nga dito First time kolang dito, 9 Years old palang ako.

"Anak, Dito kalang muna ha, May bibilhin lang si nanay"
Tumango ako sa paalam ni inay, Umupo ako dito sa Bench

"Guys tingnan moyun oh! pang matanda yung palda niya!"
Napa tingin ako dun sa nag salita, Kasing edad kolang siya may dalawa pasiyang kasama, Anobang masama sa suot ko? Naka palda akong mahaba hindi nanga makita ang binti ko sa sobrang haba, Pero sanay nako sa gantong suot.

"Oo nga! Yuck eww.. sabi ng mommy ko wag daw lumapit sa mga ganyan kase mga mag nanakaw daw ang ganyang itsura."
Sabi naman nung kasama niya, Hindi konalang pinansin, Mga kulang lang kasi sila sa pansin, Pasok sa kaliwang tenga, labas sa kanan nalang ang ginawa ko Pero...

"Siguro Ganan din ang Nanay niya, Siguro isang Luka luka ang nanay niyan, Siguro Walang alam kaya ganyang ang pinapasuot ng nanay niya"
Napa tayo ako sa sinabi nung isa pa niyang kasama, Napa tulo ang luha ko, Kahit sobrang sakit nanga nung sinabi nila sakin, Pati banaman si inay idadamay nila

"OMG! Si lukaret nagalit ata!"
Aniya, Pero nabigla ako nung may humarang sa harapan ko, isang lalaki na kaedad kolang likod lang niya ang naka harap sakin

"OMG!"
Gulat na gulat yung babaeng nasa gitna, napa tingin siya sa dalawa niyang kaibigan?

"Let's go na! Siya ang nang bu-bully sakin sa school, Huhuhu!"
Bulong niya kahit dinig na dinig naman, Hinila niya yung dalawa niyang kaibigan, Binubully din pala siya, Pero napaka taray niya tss

"Ayus kalangba?"
Tanong niya, Nung maka harap nasiya sakin, Ang puti niya at halatang mayaman dahil ang gaganda ng suot niya

"Salamat"
Pasasalamat ko at umupo na ulit, tumabi siya sakin, naka ngiti lang siya habang akoy nag tataka, Feeling naman niya ay close na close kami!

"Dapat kase lumaban ka"
Aniya,

"Lalaban naman sana ako kung hindi kalang humarang kanina"
Totoo naman kase, Lalaban nanaman sana ako dahil ininsulto nila ang nanay ko.

"We? Antagal mongang tumayo e, Tss"
Aniya, Napa tawa ako sa itsura ng muka niya, Naka nguso siya,

"Tss.. Bakit ka tumatawa?"
Hindi nalang ako sumagot, Baka kase magalit hahaha

"Oh"
Napa tingin ako sa Litratong inaabot niya

"Superman? Bakit, Anong gagawin ko sa superman?"
Kunot noo kong tanong dito,

"Basta kunin monalang!"
Agad kong kinuha dahil nabigla ako sa sigaw niya, Ganto ba talaga ang mga tao sa manila? Mga feeling close?

"Handa akong maging si Superman maiipag tanggol kalang"
Napa tawa ako ng mahina na ikinasimangot nanaman niya, ngayon kolang naman siya nakita, kung makapag salita naman siya Hahaha

The Five Famous Boys And MeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon