Chapter 1

60.8K 1.2K 132
                                    

LAIZA

"OMG!! Bes ang mga asawa ko!!"
Mangiyak ngiyak kong sinigawan ang Bestfriend ko, Dahil tinanggal banaman ang poster ng nga asawa ko sa pinto ng cr! Actually kakadikit kolang nun don.

"Ang OA monaman! Ililipat kolang kase, ang panget kaya sa pinto ng CR!"
Sinundan kolang siya ng tingin nung inilipat niya ang poster sa pinto ng kwarto ko, naka hinga naman ako ng maluwag at umupo na ulit sa sofa, maliit na poster lang naman ito kaya kasya lang para sa pinto ng kwarto ko

"Happy kana bes?"
Napa irap siya saka pumasok na ng CR, Duh.. kakabili kolang kaya ng poster nayun. At kaka dikit kolang sa pinto ng cr, kaasar talaga ang babaeng yun porket hindi lang siya fan ng Five B ewan konga dun, ang gwapo gwapo naman nila lalo na ni Daniel Kim shit talaga ang cute niya!

Inilabas konalang ang phone ko saka nag Twitter unang bumungad namang tweet ay kay Daniel

Daniel Kim
Ang sarap mag basa ng libro...😍

Napa ngiti ako ni Retweet ko kaagad eto. Sana someday maka usap kosiya tapos, sabay kami kakain hihi, tapos magiging close kami tapos magiging boyfriend kosiya tapos magiging close korin si Jackson,Kris,Angelo,Joshua shit talaga! Huhuhu why so gwapo ba kase nila~

*KRINGG* *KRINGG*

Napa tigil ako sa pangagarap ko nung nag ring ang phone ko, agad kotong sinagot dahil si kristelle ang natawag

"Hello krystelle, Napatawag ka?"
Siya ang Admin sa group namin sa facebook yung group ng Five B

"Huhu.. Hindi mopa alam? Pupunta daw sa ibang bansa ang Five B at titigil muna sila, Wala daw munang magaganap na concerts at wala daw munang new songs na ire release Huhu magpapahinga daw muna sila"

Napa takip akong bibig OMG! Sa TV konangalang sila nakikita mawawala pa

"What? bakit naman? At saang bansa sila pupunta?"

Huhu.. Bakit naman ganon?! Nag iipon panaman ako para sa susunod na concert nila tapos ayun pala aalis sila ng bansa?!

"Pupunta sila ng korea! Huhu wait muna liz ha! Bye muna"
Hindi nako nakasagot dahil pinutol na niya. Huhuhuhu.. paano nayan?! Paano na si Daniel Baby ko?!

"Hoy bes! Anyare ?"
Napa tingin ako kay cheska na kakalabas lang ng cr. Napa iyak nakase ako dito.. Hanggang picture nangalang talaga ako huhuhuhu

"Kase bes ang Five B huhu aalis nadaw ng bansa at titigil daw muna sila para mag pahinga"

"Kawawa kanaman bes!"
Aniya, Saka pumasok sa kwarto niya, grabe kaibigan koba talaga yan? Pano talaga si Daniel? Ikakasal na kami bukas e bakit naman aalis agad sila ng bansa?

CHESKA POV

Kawawa talaga ang best friend ko, matagal kona kasi siyang sinabihan na tigil tigilin niya nayang pag iidolo sa limang yun e wala naman siyang pag asa dun dahil sikat sila, biruin moyung sa daming fans ng Five B nayan mapapansin kaya siya?! Talagang pag siya napansin ng Five B magiging fan narin nila ako.

Lumabas ako ng kwarto matapos mag bihis, at nakita ko kaagad si Liz na...

"Ano bes pinag papantasyahan monanaman ang poster ng Five B?"
Tumabi ako sa sakanya, kaming dalawa lang dito sa Apartment yup! Parang kapatid konarin tong babae nato e, nasa probinsya ang magulang namin simula bata magkaibigan na kami neto e

"Kasi bes pano nayung kasal namin ni Daniel Kim-"
Nabatukan konga ng isa! Ang taas ng pangarap e, asa pasiya

"Bes ang taas ng pangarap mo ha? Maligo kanga at samahan moko sa Book store!"
May bibilhin kasi akong libro na dati kopang gusto, pinag ipunan kopa yun

"Bilis! Para malibang kanaman!"
Dugtong kopa, wala nasiyang nagawa dahil tinulak tulak kona siya at inagaw sakanya yung poster Hahaha

~

LAIZA POV

Naka poker face akong nang pumasok sa book store,

"Hoy bes dun kamuna sa table oh umupo kamuna don tas kumuha ka ng librong pwedeng basahin"
Aniya, saka humiwalay nakaagad sakin, ang galing nga nang book store nato e may table at pwedeng mag basa ng libro, wala nakong nagawa Umalis na e, kumuha ako ng libro na pwedeng basahin tas umupo sa table merong naka upo sa unahan ko naka hood siya at natatakpan ng libro ang muka niya, ito nalang kase ang table na iisa lang ang naka upo.

Actually wala akong planong mag basa props lang to, dipakase ako maka move on sa Five B huhu tototo bang aalis nasila ng bansa? Huhu kase naman bakit kase hindi ako mayaman?! Kung mayaman lang ako naku naka punta nako sa mga concert nila tapos VIP sit pa para kitang kita kotalaga ang maganda nilang muka, Nakaka inis!

"Here"
Napa tingin ako sa table. May panyo na. Hindi naman ako umiiyak ah! Paiyak palang, tumingin ako sa lalaking nasa hrap ko naka takip parin ng libro ang muka niya

"Parang iiyak kana e, andiyan ang panyo ko"
Sino bato ? Hinigit koyung libro pero mabilis siyang tumungo kaya hindi ko makita masyado ang muka niya, Pero ang boses niya parang nakikilala kona parang kay..

"Daniel?!"
OMG! Alam ko ang boses ng crusk ko ! Kilalang kilala kotalaga.

"Daniel kim ?"
Inangat niya ang ulo niya at napa nganga ako at ramdam kong tumulo ang luha sa mata ko tears of joy

"Ssshhh.. wag kang maingay baka pagka guluhan ako neto e! Lagot ako neto kay ms.ann"
Aniya, tas sinuot ang shades niyang nasa table saka nag mask nadin, Shet totoo batong nakikita ko, Siya ba talaga yan? Yung lalaking mapapangasawa ko?! Siyaba talaga yan?! Yung lalaking iniidolo ko sa Five B

"Hey matutunaw ako hahaha"
Aniya, yung tawa palang niya nakakamatay na huhu

"Totoo kaba?"
Napa yuko siya at halatang napa tawa tas tinanggal niya ang hood niya, buhok palang niya kilala kona fangirl feels nganaman

"Ang panyo ko gamitin mo"
Kinuha koyung panyo saka pinunasan ang luha ko, tears of joy talaga! Shit, 4 years nakong fangirl tas biruin moyun yung pangarap ko noon na maka usap at makita siya!! Eto nayun e huhuhu

"Haha Sige Kailangan konang umalis, Punta kalang dito sa book store at makikita mo ako Hahahahaha"
Tawa siya ng tawa, naka tingin lang ako sakanya nung maka labas nasiya netong book store. At parang nasa Heaven nako.

ITUTULOY...

~

Grabe!!! Hahaha alam kong nakaka bored basahin, Ok lang kahit wag niyo ng ituloy Ang pag babasa, talagang fangirl lang ako at pangarap koring makita ang Mga Bias ko Haha ❤️

Picture ni Park Jinyoung as Daniel Kim nasa taas ☝🏻👆🏻 (The Book Lover)

The Five Famous Boys And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon