Chapter 19: Confession

15.7K 800 91
                                        



Naka labas na kami ng star city at sobrang natutuwa ako dun, Grabe lang yung kaninang mga rides na nasakyan namin kulang nalang patalunin nila ako sa mataas na building.

"Ano Laiza na enjoy moba?"
Tanong ni Daniel at biglang inakbayan ako, hindi ko alam kung tatango bako o iileng.

"Ah e.. pwede na"
Ngumiti ako sakanya at nasagi ng mata ko ang nang irap na si Joshua, problema nanaman neto?!

"Alam mo kumain nalang tayo"
Nabigla ako nung hinila ako ni Angelo ng konti kaya natanggal ang pagkaka akbay sakin ni Daniel at kay angelo naman ang pumalit

"Okay.. sige saan niyo gustong kumain?"
Tanong naman ni Jackson at napa bilog ang mata ko nung hinila niya ako palikod at siya naman ang umakbay saken, nasa likod kase si Jackson at kris, nahuhuli silang mag lakad. Ang totoo trip ba nila ako ngayon?

"Sa-"
Napa tigil ang sasabihin ni kris nung nag salita si Jackson

"Uuwi nako."
Napa tigil kaming lahat at nabigla ako nung hawakan ni Joshua ang kamay ko

"At isasama kosiya, Diba sikip tayo sa kotse ni Jackson so saken nasiya sasabay"
Aniya at hindi na inantay ang isasagot nila at hinigit nako,



Tahimik lang kami sa loob ng kotse, Hindi kona maitanong kung paanong napunta ang kotse niya sa star city e kay Jackson na kotse kameng lahat sumakay.

"Ipinadala ko ang kotse ko sa driver namin."
Aniya habang naka tuon lang ang tingin sa dinadaanan namin, Mind reader basiya?

Napa tango tango ako at nag ring bigla ang phone ko, Tumatawag si angelo, sasagutin kona sana nung..

"Kung si Jackson, Kris, Angelo o Daniel man yan, wag mong sagutin"
Seryoso niyang tugon, Hindi ko alam at parang may sariling buhay ang kamay ko dahil ibinalik ko ito sa bulsa ng short ko

"Salamat."
Aniya at sa daana paren nakatingin, Ano bang nangyare sakanya at napaka seryoso niya?

"Uhm.. Joshua san tayo pupunta?"
Sambit ko, Hindi siya sumagot ok ok napaka ayos ng tanong ko tapos hindi lang siya sasagot?

Nag ring ulit nanaman ang phone ko hindi ko ito pinasin pero hindi natigil sa pag tunog

"Siguro.. kailangan konang sagutin to?"
Walang sagot kaya ibig sabihin non 'Oo'

Si Daniel na ang natawag kaya mabilis ko itong sinagot

"Hello"

"Hello Liz, Saan daw ba kayo pupunta ni Josh?'

"Hindi konga alam e"
Tipid na tugon ko at tumingin kay Joshua

"Huh? Pa-"

Diko nadinig yung sunod na sinabi niya dahil inagaw ni joshua ang phone ko tsaka hinagis sa likod

"Anubang trip mo ha?!"
Nagagalit na talaga ako sakanya, kausap kopa si bibi Daniel ko tas gaganunin niya lang?!

"Hoy anuba? Genyan nalang, hindi ka nalang mag sasalita?"
Naasar natala ako sakanya, tumingin siya sakin at itinigil ang kotse sa tabi

"NAGAGALIT AKO!"
Sigaw niya na ikina kunot ng noo ko

"Nagagalit ako kase bakit napayag kanalang na akbayan nila! Nagagalit ako kasi bakit basta basta kanalang nasama pag inaya ka nila, Nagagalit ako kasi napayag kang hawakan nila ang kamay mo, at Nagagalit ako sa suot mo!"

"Bakit?"
Ayun lang ang naisagot ko sa mahabang sinabi niya, bakit naman siya nagagalit?

"KASI GUSTO KITA LIZ, SIMULA NUNG BATA PALANG TAYO GUSTO NA KITA"
Napa nganga ako sa sinabi niya Gusto niya ako? Isang Joshua Lee may gusto sakin?!

ITUTULOY..

A/N: Sorry dahil maiikli ulit, Please vote and comment ^___^

The Five Famous Boys And MeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon