FOURTH ROLE: The Naughty Girlfriend's Sister and the Reluctant Boyfriend (SPG)

7.6K 84 2
                                        


CHAPTER FOUR

FOURTH ROLE: The Naughty Girlfriend's Sister and the Reluctant Boyfriend

MAAGANG nag-out si Katrina sa trabaho niya bilang isang online English teacher ng mga Koreano. Gusto niyang makapaghanda para sa mangyayari sa gabing iyon. Umuwi muna siya sa apartment, kumuha ng mga damit na babagay sa role na naisip niya.

Doon na siya sa apartment ni Joven naligo at nagbihis. He gave her keys to his apartment and for her that act alone was hot. Access. That was the word. May access siya sa apartment nito, parang may access na rin siya sa iba pang bagay... Like his naughty thoughts or his masculine body...

Katrina smiled. Nagpadeliver na lang siya ng makakain nila mula sa isang Italian restaurant at mas naging busy na sipatin ang sarili sa salamin sa may sala. She was wearing pink checkered pajamas sa ibaba. Ang pang-itaas naman ay isang blouse na may drawing ng kuting sa harapan. Nag-ponytail siya ng buhok niya at nag-apply ng manipis na make-up.

Ngayon ay may role na siya. Perfect.

Pumihit ang seradura ng pinto. Bumukas iyon at iniluwa niyon si Joven. His hair was unruly, siguro dahil sa stress sa trabaho. Lay-out artist ito ng isang sikaat na magazine kaya normal lang siguro na mapagod ito.

Hanggang sa mapatingin ito sa kanya. Inayos muna nito ang salamin nito sa mata, sinipat siyang mabuti. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Nawe-weirduhan ba ito sa suot niya? Pero nang makita niyang tila biglang nawala ang pagod sa mukha nito ay nakahinga siya nang maluwag.

And then his lips curled into that sexy smile of his. "You ready?" sabi nito, sa boses na handang-handa at hindi nanlalambot. Buo at nakakaakit.

"Pretty much," sabi ni Katrina. Lumapit siya rito, hinawakan ang kuwelyo ng suot nito hinila ito palapit sa kanya hanggang sa maglapit ang mga mukha nila. Pinakatitigan niya ang mga mata nito na tila excited sa gagawin nila, dinama niya ang mainit na hininga nitong tumatama sa mukha niya. "Do me a favor, baby. After mong mag-take ng shower, isuot mo 'yong mga damit na ihinanda ko. Nasa kama mo ang mga iyon. We're going to have dinner and then after that..."

Joven was breathless now. "What?" he said.

Inilapit niya ang bibig niya sa tainga nito. "You'll know later." At mapanukso niyang kinagat ang tainga nito. Napaungol ito sa ginawa niya. May pagmamadali na itong sumunod sa sinabi niya.

JOVEN was so excited. Kumakabog na nang mabilis ang dibdib niya sa shower pa lang. Hindi niya mapigilan ang sarili. Nakita pa lang niya si Katrina kanina ay naramdaman na niya iyon. And then she had to bit his ear. For goodness sake, his body had already responded to that.

Hindi mabawasan nang malamig na tubig sa shower ang init ng katawan ni Joven. Hindi rin nabawasan niyon ang pagkatigas ng kanyang pagkalalaki. Tinuyo na lang niya ang sarili, lumabas ng banyo at isinuot ang damit na nakalagay sa kama. Blue-green na polo, maong na pantalon. May sapatos din doon at medyas. Walang pagdadalawang-isip na isinuot niya iyon.

Sa kusina ay nakadulog na sa mesa si Katrina. Naroon na rin ang dinner nila. Napahinto siya nang makitang titig na titig ito sa kanya. Parang humahanga at nanunukso ang mga mata nito nang sabay. Iba ang epekto sa kanya nang matitigan ni Katrina. Iba.

When she seemed to be undressing him using her eyes, he'd get so aroused.

"Like what you see?" he said.

"I love it," she said faintly.

Napangiting dumulog siya sa mesa. Para silang tanga, nagtititigan lang. Hiniling ni Joven na sana nakikita ni Katrina sa mga mata niya kung gaano katindi ang pagnanasa niyang maangkin ito.

Bare And Beautiful (A Somehow Erotic Novel)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon