Year 2009
"YOU KNOW what feels so wrong? My existence," pagda-drama ni Katrina sa dalawang kaibigan niya.
Graduation ball nila at dapat ay masaya siya, pero hindi niya maramdaman iyon. Nasabi niya sa mga kaibigan niya ang tungkol sa sitwasyon ng pamilya niya, kung paanong naipapakita talaga sa kanya ng papa niya na paborito nito ang ate niya.
Pero sanay na naman siya sa pagtrato sa kanya ng papa niya. Ang mas ikinakasama din ng loob niya ay ang katotohanang hindi siya napapansin ni Joven bilang babae. Tanggap man nito na hiniwalayan na ito ng ate niya, alam niyang umaasa pa rin ito na magkakabalikan ang mga ito after a few months.
"Don't be sad, Katrina," sabi ni Rika. She was nerd, just like her. "I'm sure naman may someone diyan na sobrang magpapahalaga sa 'yo. At malay mo, si Joven talaga 'yon? You are very beautiful inside, Katrina--"
"'Pinagsasabi mo diyan, Rika?" mataray na tanong ni Conrad, ang kaklase nilang bading. Hindi ito nerd na tulad nila, kaya nga katakataka na naging kaibigan nila ito. Liberated ito at karamihan sa mga guwapong lalaki sa campus ay natikman na raw nito. He had pictures of the guy's penises as proof. "Walang inner beauty. Excuse lang 'yan ng mga pangit para hindi sila ma-depress."
What Conrad said didn't make Katrina feel better. She wasn't ugly, but she's a nerd. A 'nerd' can be synonymous to ugly sometimes, lalo na sa dictionary ng mga lalaki. And she was chubby. Sa lipunang lumalawit ang dila kapag nagpose si Solen Heussaff sa men's magazine, paano niya masasabing 'desirable' siya?
"Conrad, that is so superficial--"
"But it's true," sabi ni Conrad, pinaikot ang mga mata. "C'mon, hindi nadadaan ang mga lalaki sa inner beauty lang. C'mon? Trust me. Sino ba'ng expert sa lalaki? 'Di ba ako? Bukod sa lalaki pa rin ako, I slept with a lot of guys na. I know what they like. And I swear, they would not like kung ano ang makikita nila sa inyo."
"So, you mean to say, hanggang hindi namin binabago ang sarili namin, hindi kami makakahanap ng lalaki na makaka-appreciate sa 'min?" Rika asked.
Tumango si Conrad. "Tingin ko," he said. "Kasi mahalaga naman talaga ang apperance, 'di ba? Mga pangit lang ang nagsasabi na hindi."
And for a second, Katrina wanted to forget that Conrad was her friend. She wanted to punch him until his gums bleed.
Pero nagsasabi lang naman ito ng totoo, 'di ba? At kahit masakit ang katotohanan, hindi ba kailangan na lang iyong tanggapin?
"You know, gusto ko baguhin n'yo ang sarili n'yo," wika ni Conrad sa concern na tinig. "Palitan n'yo 'yang pananamit n'yo. 'Yong kilos n'yo, pagsasalita n'yo. Be conscious sa kung anong histura n'yo. And trust me, doon kayo mapapansin ng isang lalaki bilang babae."
That made Katrina sick. The superficial world made her sick. And made her feel pathetic. Nagpaalam siya kina Conrad na pupunta lang siya sa CR. Nang naroon na ay napadaan siya sa salamin. Her plump cheeks were now wet with tears. Her make-up was now smeared all over her face. She looked like a sad painting.
Kinuha ni Katrina ang tissue mula sa purse niya at sinimulang punasan ang luhaang mukha. Pero hindi naman matigil sa pagtulo ang mga iyon. She could not take it anymore. Wala na siya sa mood, gusto na lang niyang umuwi.
Tinawagan niya ang ate niya, gusto na lang niyang magpasundo. Hindi ito sumasagot. Maybe she was on a date with his new boyfriend. Wala naman siyang balak na tawagan ang papa niya, dahil tingin niya ay sesermunan lang siya nito.
Pero kung ate siguro niya ang magpasundo...
Katrina could not help herself but cry. She felt so pathetic that night. Sino pa ang puwede niyang tawagan? Sino?
![](https://img.wattpad.com/cover/94374669-288-k813670.jpg)
BINABASA MO ANG
Bare And Beautiful (A Somehow Erotic Novel)
RomanceSi ugly duckling, likes roleplaying sex. Kasi insecure sya. Until gawin ng ex ng ate niya ang lahat to make her feel Bare and Beautiful (WALA KO MAISEP!)