NANG makauwi si Joven sa apartment niya ay agad siyang dumiretso sa higaan niya. Pakiramdam niya ay nanlalambot ang buong katawan niya. It hurt, too, hindi lang niya matukoy kung saan. Nakahiga lang siya roon, nakatingin sa ceiling fan.
And the bed seemed bigger now, colder.
Nitong mga nakaraang araw na hindi sila magkausap ni Katrina nang maayos dahil busy ito sa trabaho, wala siyang magawa kung hindi alalahanin na lang ang mga pagniniig nila. And whenever he was reliving their steamy nights, he would feel a stirring on his groin. Now, as he remembered those nights again, he just felt a hollowness on his heart.
Aaminin ni Joven na noong una, dinadalaw niya ang Ate Ramona ni Katrina dahil may pinagsamahan din naman sila at concern siya rito. Pero kalaunan, nagpupunta na lang siya doon para sana makausap si Katrina, pero parang umiiwas naman ito sa kanya.
At kanina nga, sinabi ni Katrina sa kanya na hindi siya nito mahal at tila ipinilit nito na hindi na siya dapat ma-involve pa sa buhay nito.
And that hurt him. That hurt him so much he tried so hard not to cry. Si Katrina na ang mahal niya ngayon. Sigurado na siya roon ngayon. Sa totoo nga ay sinabi pa niya iyon sa ate nito kanina...
"Alam ko," sagot ng Ate Ramona ni Katrina. "Alam ko na mahal mo na ang kapatid ko."
"How did you know?"
"You eyes," Ramona said. "Dati, noong tayo pa, kapag tinititigan mo ako, may nakikita akong kakaibang kislap sa mga mata mo. Ngayon, hindi ko na nakikita 'yon kapag nakatingin ka sa 'kin. Pero nakikita ko iyon kapag dumadating si Katrina galing sa trabaho. Your eyes would light up... And you'd smile as if you have no control over your muscles anymore. And besides..." Tinapik-tapik nito ang magkabilang pisngi niya. "You were constantly talking about her kapag magkasama tayo."
Nag-init ang magkabilang pisngi ni Joven. Hindi niya naisip na gano'n siya ka-obvious.
"Hmm... Pero I guess we really have to make sure, right?" biglang sabi ni Ramona. "I mean, we have to make sure na wala ka nang feelings sa 'kin, kahit katiting."
"I am sure--"
"You'll never know," putol nito sa sasabihin niya. "At hindi ko naman gugustuhing masaktan ang kapatid ko sa huli, 'di ba? Kaya gusto ko na makasiguro ka talaga."
"How?"
Matagal din itong hindi nakapagsalita.
"Kiss me," she said.
Napatitig si Joven sa babae. Doon niya naisip na siguro nga ay kailangan niyang makasiguro. Kaya bumaba ang mga labi niya sa mga labi nito.
At naging daan nga iyon para masiguro ni Joven ang damdamin niya. Wala siyang naramdaman nang magdikit ang mga labi nila. Ginusto na nga niyang umatras pero kumapit si Ramona sa batok niya. Nang makaramdam na siya ng inis ay nagpumilit na siyang kumalas sa babae.
Ramona looked at him with varied emotions on her eyes. Tinapik nito ang pisngi niya at ngumiti. "Make my sister happy," she said. "I think she'd been lonely enough."
And Joven really wanted Katrina to be happy. Pero mukhang hindi siya ang magpapasaya rito--dahil sabi nga nito, wala itong nararamdaman sa kanya. Wala. Maybe for her, lahat ng ginawa nila... Sex lang. Siguro siya lang ang nag-isip na 'making love' na ang dapat itawag doon. Siguro para kay Katrina, laro lang ang lahat. At sa larong iyon, siya ang talo, dahil siya ang nainlove.
BINABASA MO ANG
Bare And Beautiful (A Somehow Erotic Novel)
RomanceSi ugly duckling, likes roleplaying sex. Kasi insecure sya. Until gawin ng ex ng ate niya ang lahat to make her feel Bare and Beautiful (WALA KO MAISEP!)