Chapter 12

8K 169 4
                                    

BEA

We are here in Moa.

Nagyaya kasi si Ate Mich na manood ng movie and dahil wala din naman akong mga meetings eh napapayag na din naman nila ako.

Mich: Bae. Is it okay if we watch horror movie? I know kasi na hindi mo gusto mga horror movies pero sana pumayag ka. Hihi.

Tumingin naman ako sa apat at yung mga mukha nila halatang nangungumbinsi. Hahaha!

Me: So dahil obvious namang I'm the only one na hindi approve to watch horror movies and kayong lahat eh gusto, ehdi sige na.

Them: Yes!!!!

Sila ang nagyaya pero ako ang nanlibre hahaha. Dahil ako daw tong mas mayaman. Loko talaga. 😁

Jamie: Lights Out guys!! Please!

Jia: Syempre yan nalang papanoorin natin dahil yan lang naman horror movie na showing. Hahaha!

Bully ni Jia. Grabe. Hahaha.

Ate Mich - Jia

Therese - Jamie

Me - Maddie

Kami-kami ang magkaka akbay habang papunta sa pilahan ng tickets.

Mads: Bae.

Me: Yes?

Mads: I'm sorry ulit ha?

I reached for Maddie's chin. Sobrang sad ng boses niya habang nagsosorry.

Sa una naman kasi palaging ganon lang si Maddie. Palagi syang kokontra sakin dahil ipipilit nya yung mga point nya which is tama din naman pero sometimes nagging salungat sa gusto ko pero at the end of the day naman magkakaintindihan din kami at sasang-ayon nalang din sya sa gusto ko.

Me: Mads, don't be sorry. Okay na yun eh kanina pa yun.

Mads: I know. Alam ko namang you don't hold grudges eh.

Me: Yun naman pala so wag na isipin yun.

Mads: Pero matanong ko lang bey ha? Paano mo ba sya nakilala?

Me: It was a long story, fly fly.

Mads: Then make it short nalang, pls?

Aw. Nag pout pa si Maddie. Such a cutie!

Me: Okay. She helped me when I fell down sa stairs nung nasa Club Balai. At first, hindi ko lang pinansin yung tulong nya dahil syempre hindi ko siya kilala, sinungitan ko pa nga sya pero instead na magalit sya sakin tinulungan padin nya ko. Natuwa ako syempre dahil swerte ko at sya yung nakakita sakin. Na-feel ko din namang mabait sya kaya nagtiwala din ako agad. Dinala nya ko kung san nag stay yung family nya. They were very welcoming kaya gumaan talaga loob ko na makisama sa kanila. Hindi ako na out of place dahil sobrang talkative nilang lahat, sobrang gaan. Hanggang sa buong stay ko dun I'm with Jho nakasama ko sya, mas nakagaanan ko na siya ng loob. Sa ilang araw na kasama ko sya madami akong nalaman about her, naramdaman ko yung pagiging mabuting tao nya, pagiging simple at kung gaano nya kamahal family nya. Bilang thank you ko sa pag welcome nila sakin, nag offer ako kay Jho ng work para makatulong lang pati kay Tita Lovel, Jhoana's mom. Ayaw pa nga nya tanggapin kasi feeling niya hindi nya deserve mag work sa ganong ka successful daw na company pero pinilit ko talaga. Hindi naman sila yung kayamanan eh kaya nag offer ako. Yung mom niya may flower shop and yun lang pinagkakakitaan nila and her dad naman nasa abroad. She's very simple and kind Mads and I'm pretty sure kapag nakilala mo sya you'll surely like her baka nga mas maging close pa kayo kesa samin eh. Hahaha!

I notice na sa buong pagkekwento ko nakikinig ng mabuti si Mads at nakangiti lang. Nakakagaan ng loob kasi feeling ko nagkekwento palang ako pero parang maganda na naiisip nya about Jhoana.

Perfect Strangers Where stories live. Discover now