LOVEL
Habang nag-aayos ako ng pinagkainan namin bigla nalang sumagi sa isip ko yung posibilidad na baka inlove na nga ulit ang anak ko.
Hindi naman maaalis sakin na mag-alala dahil nanay ako.
Nakita ko kung paano siya sumaya at nagmahal hanggang sa kung paano siya nasaktan at umiyak dahil sa maling tao.
Nakita ko kung paano siya nag doubt sa sarili niya noong panahong iyon at ayaw ko namang maramdaman na naman yun ni Jhoana.
Nagpapasalamat nalang ako dahil malaki ang naitulong ni Bea sa kaniya. Nakita kong muling sumaya ulit ang anak ko nung nagkakilala silang dalawa.
Nakatulong rin na nabigyan ni Bea si Jho ng trabaho para ma divert kahit paano ang atensyon niya. Madali nalang para sa aking payagan siya nun na magtrabaho na malayo sa amin dahil alam kong makakatulong sa kaniya yun at sa kabutihang palad ay nakatulong nga.
Nang papataas na ako para magpahinga nakasalubong ko naman si Jhoana na pababa rin.
Ako: Oh anak akala ko tulog kana. Si Bea ba tulog na?
Jho: Opo ma. Bumaba lang po ako para uminom ng tubig. Punta lang po akong kusina. (ngumiti)
Ako: Teka. Ako na ang kukuha anak. Umupo kana lang diyan. Antayin mo ako.
Naglakad na ako sa kusina at agad rin naman akk nakabalik sa sala.
Ako: Oh eto na.
Habang unti-unti niya yong iniinom bigla ko namang naitanong yung kanina ko pang iniisip.
Ako: A-ah anak. Jhoana.
Jho: Ano po yun ma?
Ako: About dun sa kanina..
Jho: Ano pong kanina?
Huminga muna ako ng malalim bago ulit magsalita.
Ako: Alam kong ayaw mo mapag-usapan ang bagay na 'to pero anak, wag ka mahihiyang magsabi sakin kung may nagugustuhan ka nang bago ha.
Tila naman nagulat siya sa itinanong ko at nasamid din ng konti.
Jho: Ma! May sinabi na naman po ba sainyo si Jaja? Yun talagang batang yun oh.
Ako: Nako anak. Wala naman hindi naman siya nagsalita pa. Ako mismo ang nagiisip ng bagay na'to. Syempre bilang nanay mo gusto ko naman malaman din. Baka nahihiya ka lang magsabi o ano kaya ako na ang nagtanong.
Umayos siya nang upo at inilapag muna ang baso sa lamesa at hinawakan ang dalawang kamay ko.
Jho: Ma.. Wala po. Masaya po ako kung nasaan po ako ngayon, sa trabaho ko. Yun po muna ang focus ko at kayo. Walang ganun ma.
Hinawi ko naman ang buhok nyang napapadpad sa mukha niya.
Ako: Talaga ba anak? Eh yung nasa taas? Musta kayo? (deep sigh)
Napakunot naman siya ng noo sabay tawa ng mahina.
Jho: You mean si Bea ma?
Ako: Oo siya anak.
Jho: Bakit naman po si Bea naisip niyo? Kakaloka kayo ma ha.
Kung hindi ko lang anak 'tong si Jhoana sasabihin kong magkaibigan lang sila ni Bea pero hindi eh. Nanay ako nararamdaman ko na may iba talaga sa kanilang dalawa. Masaya si Jhoana kapag kasama si Bea. Yung sayang matagal nawala sa kanya pero ngayon lumalabas na ulit.
Ako: Alam mo anak sa panahon ngayon sa simpleng ngitian at titigan lang sa mata, madali na agad ma determine kung may namamagitan sa dalawang tao. At sa panahon ngayon lahat na ng tao may laya nang magmahal ng kung sino ang magustuhan nila at matibukan niyan.
YOU ARE READING
Perfect Strangers
Fanfictiongxg Bea fell in love with her best friend. Time passed by and they became lovers. It was all going well when at one point, bigla nalang sya iniwan nito sa ere without any reason. Bea, with a heart so heaving that time , decided to end their relatio...